Nung isang araw nakatanggap ako ng text mula kay P…
P: Gusto ko lang i-share na napanood ni mudra yung 7thbirthday party ni Pacman. Sabi niya, “maganda pa birthday ni Baby A diyan eh! Yun oh!!
Kinilig ako!
Bakit nga ba nakaka-pressure ang first birthday? When in fact, di naman maalala ng isang one-year old ang first party niya.
Pero sabi nga nila, it’s a milestone which calls for a celebration, and we wanted to share it with all the people who cared, especially those who showed their support when Papa O and I were trying to have a baby. Plus, kelangan i-rampa si Baby A noh para naman makita ng friends and relatives how she grew up to be a cute and wonderful little girl.
Di ko naman talaga masyadong pinaghandaan ang party ni Baby A. In fact, June ko lang nailabas ang invitation at June ko lang din nabili ang birthday outfit ni Baby A, which is almost 3 months before her birthday. Sobrang late na!!! Tapos yung decorations ang simple lang oh….
Di ko rin napag-aksayahan ng oras ang prizes at lootbags… kasi mga 2 months lang kami pabalik-balik sa mall para bumili ng mga toys. Gahol na gahol kasi talaga kami sa oras.
Buti nalang yung sister ko and mga ninang nag-gift ng venue, photobooth, balloon burst, candy buffet at cupcakes. Di ko sila masyadong prinessure ha. Sila nag-volunteer.
Candy buffet by Ninang P
Cupcakes by Ninang S
My sister, Ninang P, Ninang S and Ninang J.
Di ko rin kinareer ang Hello Kitty Theme. Wala nga akong pakialam eh… yung cover ng booths and yung border ng pictures ng photobooth, di ko yun pinakialaman. Hindi talaga ako prepared, hay!
Di ko rin pinakialamanan yung headbands ng mga girls… ayoko kasi mangialam talaga, wala akong gana…
Nakakawalang gana pa dahil one hour late yung host! Sobrang traffic kasi nakisabay pa sa party ni Baby A ang La Salle v. Ateneo game at si Zac Efron!!! Parang hindi tuloy masyadong nag-enjoy yung mga bata…
Si Papa O naman nagulat sa “lack of preparations” ko. At tuwing may lumalapit sa kanya at nagcocomment na “uy, ang ganda ng party niyo ah, pinaghandaan talaga?” ang sagot ni Papa O ay,
“naku wala po ang kinalaman dito. Pasalamat pa nga po ako naimbintahan ako. Paggising ko kanina, may invitation sa tabi ko.”
For your information, totoo yun! Nilagyan ko siya ng invitation sa tabi niya dahil tulog pa rin siya pag-alis ko ng house. Kasi po, tanghali na nagising ang mister! Gumimik pa nung gabi!
Si Baby A naman, pinatulog namin ng husto para may energy sa party. Kaso parang di siya nag-enjoy…
Parang ayaw din niya pansinin si Anika (MommyFleur’s little girl).
Hay, nakakawalang gana noh? At dai, ang gastos magpa-party! Uso pa ang first birthday party sa second baby???
Happy birthday Baby A, you’re growing up so fast! Mommy and Daddy love you so much! Sana hindi ka maldita paglaki mo…. and sana hindi ka mang-hingi ng debut =D
Hello,
I’d like to ask kung sino po ang party event stylist/supplier nio for the Hello Kitty party? Im desperate na to look for the supplier na magssupply ng backdrop na hindi mukang ewan si hello kitty! My baby’s birthday is 2 mos away and ngaun plang ako nagpprepare. Really need your help! Pls. reply.
Naku, i lost my old phone na 🙁 pero baka ma-search sa google! Raisa Alger events. I will email you once nahanap ko number niya. – D
Lia and Addie shares the same theme for their 1st birthday!! Pero ha, hindi ka nga masyado prepared! Wala kang ka-time-time D. Hihi 🙂
Really?! haha, when I wrote that, naguumpisa palang kami magblog eh. ang gastos magpaparty ha! Malapit na mag-two si Baby A. Shet!
Thanks Peachy 🙂
i love the headbands, the candy buffet & the cupcakes! =)
Jill, sobrang baduy noh? nakakawalang gana.
Chesa, hindi talaga ako naghanda… yung kulot ng buhok ko natural yun, pati make-up ko, ganun na talaga yun.
Em, buhay pa kaya ang blog na ‘to by then? haha!
Happy Birthday, Baby A! 🙂
Hindi nga naman mashadong bonggels ang party, Bonggang bongga lang! 🙂 I can’t wait for you to ask for a Debut! Pupunta ako kahit hindi ako invited 🙂
Hindi ka talaga naghanda! Nagising ka na lang na nakakulot na ang buhok mo. Au naturelle! Happy birthday Baby A! 🙂
Hay nako. Parang ang baduy-baduy nga ng party ni Baby A… 🙂
Taob ang Pambansang Kamao ng Bayan! Pak.