Yaman din lamang na malapit na ang Pasko at marami na ang nagkukumahog mamili ng regalo, naisipan kong mag-conduct ng isang masusi at komprehensibong “survey” sa TATLO kong friends. Hindi tungkol sa kung anu-ano ang gusto nilang matanggap for Christmas. Corny yun e. Tinanong ko sila kung anu-ano ang AYAW nilang matanggap na regalo sa Pasko.
Produkto ito ng pawis, pagod at madugong pananaliksik at diskusyon. Marami ang maaaring hindi sumang-ayon sa resulta ng ”survey”. Sila yung malamang mag-deny ng kanilang madilim at kagimbal-gimbal na gift-giving past…Or sila yung magtatapon ng mga naibalot nang pang-regalo ngayong Pasko.
Warning: Pag nakatanggap kayo ng isa sa mga sumusunod, hudyat yun na sa dinami-dami ng friends nung nagbigay, kabilang kayo sa “Others” list nila. Either yun or nag-evolve at umunlad na ang sibilisasyon ng sangkatauhan, hindi pa rin nag-eevolve ang taste nila.
20. Medyas
In fairness, may gamit. Pero malamang sa malamang, may pambili naman ng ganito yung pagbibigyan mo. You can do better than that.
19. Payong
Lalo na yung may tatak ng banko o establishment.
18. CD
Please lang, yung orig naman. Wag yung nabibili sa Baclaran na finotocopy lang ang cover. Magagalit si Ronnie Ricketts ng OMB nyan. Ronnie Ricketts…ka-level ni Sunshine Dizon…Eeew.
17. Gift Certificate
Na magagamit lang for every single receipt purchase worth P3,000. Abonado ka pa. O di kaya yung magagamit mo lang sa ka-isa-isa nilang branch sa Tuguegarao. Maawa naman.
16. Manipis na T-shirt na may tatak ng business or kandidato
Walang kapatawaran ito. Kahit pang-jogging o pambahay, may kahihiyang kaakibat ang pagsusuot neto.
15. “Good morning” towel
I think hindi magiging good ang morning pag ito ang tumambad sa harapan mo. Vintage mang matuturingan, di tumataas ang re-sale value nito. Bakit? Dahil tatlong labahan lang, magninisnis na ‘to. Not to mention na see-through pa pag natapatan ng araw.
14. So-en panty na may burdang bulaklak sa gitna.
Kahit isang box of assorted colors pa…
13. Sample ng pabango
Ito yung mga giveaway pag bumibili ng bote ng pabango. Karaniwan din itong matatagpuan sa pasalubong ng mga balikbayan.
12. Transformers na suklay at salamin
80s na 80s ang dating ng regalo. Ternuhan mo na rin ng Bazooka at White Rabbit pati Game ‘n Watch kung may mahahanap ka pa.
11. Mug o baso
Malamang sa malamang, pang-73 na mug na yan ng pagbibigyan mo.
At unfortunately, hindi siya nangongolekta ng mugs.
10. Photo album
Self-explanatory…
9. Kandila
Kung natuwa ang pinagbigyan mo nito, pinaplastik ka lang niya.
8. Paper weight
Nakakainis.
7. Face towel na may burda ng pangalan
Lalo na kung mali ang spelling…or pangalan ng iba – meaning, ni-recycle.
6. Picture frame
Sa halip na “Merry Christmas”, dapat ang nakasulat sa gift tag mo ay “Sorry, wala na akong maisip.”
5. Kalendaryo
Katanggap-tanggap lang ito kung babaeng sexy ang nasa picture at manyakis yung pagbibigyan mo.
4. Keychain
Gaano ba karami ang susi sa mundo at parang di matapos-tapos ang pagmamanufacture ng mga keychain?! Paki-explain please.
3. Figurine / snow globe/ taga-ipon ng alikabok
Unless nangongolekta yung pagreregaluhan mo, walang sense, walang use, walang may gusto.
2. Card
Lugi.
1. Fruitcake
May theory kami ni Mother Earth na sa buong Metro Manila, APAT lang talaga ang fruitcake. Umiikot-ikot lang ito tuwing Pasko kapag nirerecycle ng mga tao.
(pics from google)
ang panty or brief ay regalo lang ng 60 years nang kasal at pagod na mag-isip ng ibibigay.
kasama sa figurine ang Pencil Holder :-)- Love
Mismo! 🙂
Haha! Kasama na ang panyo sa towel. 😀
Bebengisms
No comment ako dyan, Mariel. Haha! 🙂
“1-A” Walang kamatayang pouch! -Mariel
tumpak na tumpak tong gift list na to! pinapaalala mo naman sa akin iyong kwarto ko na parang sari-sari store ng picture frame, haha! pero infairness gusto ko iyong no. 9, feel na feel ko kasi magwish sabay kanta ng hapiberday pagkatapos ng brownout 😀