• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar

The Soshal Network

  • Home
  • Meet the TSN Girls
  • Recent Posts
  • Show Search
Hide Search

A Poopoo Story

Domesticated · Jan 3, 2013 · 7 Comments

Tinatanong ako nila P and S kung mahirap ba magka-baby. OO NAMAN! Mahirap mag-alaga ng baby whether you’re a working mom or a full-time mom. Lalo na if ang baby mo ay sobrang kulit and demanding!! Si Baby A pa naman hindi prim and proper. Papalitan lang ng diaper, may habulan pa. Nakaka-ubos ng energy. But seeing your baby grow is enough energy booster. Mahirap pero masarap at the same time.   

For me, pinakamahirap yung first four months ni baby, especially if you’re a first time mom. Trial and error. Ang dami kong bloopers! Pero understandable naman daw kasi you can’t really say that you’re prepared kahit ilang seminars pa ang inattendan mo or librong binasa mo. 

Naikuwento sakin ni Mommy Fleur dati na may time na yung tae ni Anika napunta sa mukha niya! Sabi ko sana di mangyari sa akin dahil iba lang talaga ang level ng aroma ng poopoo ni Baby A. As in yung trash can ng bathroom namin palaging amoy patay na daga. At nakakatakot pag-natae siya sa Rustans, baka palabasin kami ng guard! Ganun daw talaga pag-soy milk. (Tsaka na ang kuwento bakit kinailangan ni Addie mag-formula).

 TSN_diaper3

 

 

Anyway, kuwento ko sa inyo ang worst diaper tragedy ko with Baby A. 

One Sunday, nasa bahay kami ng in-laws. Hinanda ko ang diaper bag ni Addie. At dahil ang tali-talino ko wala akong wet wipes, diaper at extra clothes for Baby A. Isang dress, 3 bote at gatas lang dala ko. Nag-“DIAPER BAG” pa ako noh?!?! 

At ang kinatatakutan kong pangyayari ay naganap… TUMAE SI BABY! Que horror! Parang volcanic eruption at tsunami attack lang. 

Ang mala-extra thick gravy na mainit init pa ay lumabas sa diaper at shorts ni baby. Dinala ko siya sa bathroom at hinugasan. Buti nalang may naiwang mga diaper yung 2 year old na pinsan ni Addie. So, humiram ako ng diaper niya. Kumusta naman, DOUBLE XL ang diaper niya, samantalang Medium lang si Baby A. Pero beggars can’t be choosers! So kumuha ako ng diaper sa cabinet ni cousin sa tabi ng bed.  

When I was about to put the diaper on Baby A… tuwang-tuwa si Baby A. Ang cute niya! She was laughing and she was tapping the bed….Iniisip siguro niya, “YES! NATARANTA SI MOMMY!!!”   

Then I felt something warm… warm feeling??? Hindi!  

WARM IHI!!!!! 

Anaknampuch! Kaya pala tuwang-tuwa… Nag-iimagine atang nasa swimming pool!  

 tsn_diaper2

Source 

Her used clothes and the dress she was going to wear, which were all on the bed, got wet! Pati pants and panty ko wet! Pakshet! Bakit andami ng ihi ng baby eh ang liit lang naman ng pantog nila? 

Baby A ended up wearing an over-sized shirt from her cousin and an over-sized diaper, which I tried to custom-fit on Baby A by putting masking tape… Sorry na! I needed to be resourceful. Desperate times call for desperate measures! At hindi lang ako nakagawa nito, igoogle niyo! 

tsn_diaper4
Source

Anyway, nakiuwi na ako after that. On our way home, tumae ulit si Baby A…. at dahil maluwag pa rin ang diaper despite the masking tape, her poop came out and went to mommy’s pants… AWARD!!! Papa O had to bring the car sa carwash para sa malubusang detoxification. 

Pero hindi naman poopoo lang ang naiuwi ko sa karumaldumal na pangyayaring ito… I won a Nursing Mom’s Amara day bag from Mothering Earthlings c/o Mommy Fleur’s blog. 

 tsn_diaper5

 

Kung may pera sa basura… may ginto sa tae!

 

Related Posts

  • Picture Feature: KufetPicture Feature: Kufet
  • Masunuring BataMasunuring Bata
  • Mrs. DomesticatedMrs. Domesticated
  • Security PillowSecurity Pillow
  • Animal WhispererAnimal Whisperer
  • Dear Baby ADear Baby A

Domesticated, Parenting and Marriage baby, Baby A, blunders, family, motherhood

Comments

  1. Anonymous says

    March 31, 2014 at 12:02 pm

    Hahahahaha!!!!

    Reply
  2. crazy gingineer says

    January 9, 2013 at 10:17 am

    Bongga ang experience. I miss u. Iniimagine ko u r personally telling me ur story kaya lalo ako natatawa!

    Reply
    • D says

      January 9, 2013 at 10:29 am

      Miss you too Hazel!!!! 🙂

      Reply
  3. Anonymous says

    January 4, 2013 at 7:28 am

    Hi Ms. D, super tawa ako can relate sa mga bobos of being a first time mom lalo pa na 3 months old pa lng si baby i accidentally cut yung skin ni baby sa finger nya when i cut her nails grabe as in yung takot ko when i saw blood and when my husband saw the cut mangiyak ngiyak sya sa galit sakin can blame him paki alamera kasi lesson learn pag hindi alam huwag ng gawin para hindi mapahamak

    Reply
    • D says

      January 4, 2013 at 8:05 am

      OMG, naku nagpanic din siguro ako nun! nagpopoo si Baby A ng blood dati nung di pa namin alam na lactose intolerant siya. Parang aatakihin ako sa puso!!!

      Reply
  4. Kimberley Reyes says

    January 3, 2013 at 10:23 am

    At natawa ako dito bilang can relate ako. Haha!

    Reply
    • D says

      January 3, 2013 at 11:34 am

      Haha, share naman! 🙂

      Reply

Leave a Reply to crazy gingineer Cancel reply

Your email address will not be published.

’Di bale nang mahina ang network connection, basta strong ang soshal network mo. Climb pa more! Isipin mo na lang na ang soshal na may tiyaga, may nilaga for lunch sa bahay ng mga friendship niyang soshal.

We are lawyers, Titas and your favorite soshaleras!

LET’S GET SOSHAL

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Categories

Subscribe to our YouTube Channel!

Notice

ALL RIGHTS RESERVED.
Unless otherwise stated, all pictures and texts used in this site are the property of The Soshal Network.
 
For features and events, please email [email protected] For other concerns, please email [email protected]

TSN on Facebook

How to Make Your Photos More Soshal

TOP 5 TIPS

NEXT 5 TIPS

PAA EDITION

TALIKOD TECHNIQUE

FOLLOW ALONG @THESOSHALNETRWORK

Instagram post 2197342360316667356_333430866 Christmas Gift Ideas: To your friends who love capturing moments, give them… wag yung instax, mahal yun. Give them your photo instead.

Preferably nung tumanggap ka ng diploma or nung kinasal ka. Moment na moment talaga yun.
Instagram post 2196219219020198664_333430866 Thank you for the shala dinner @darthchef007 at sa patakehome na pagkain. ❤️🥰
Instagram post 2194940170805376514_333430866 Sa umaga, abogada. Sa gabi sila'y bonggang bongga. Pagsapit ng gipit, tindera na ang drama. 
#TitaBatungbakal 😂 
Panoorin ang full video sa aming YT channel. Link in our bio.
Instagram post 2193401550042812450_333430866 Sinungaling daw ang abogado. Pak or fact?!?! (Eto na talaga! Totoo na! Hahahaha!)
Instagram post 2188518261397924832_333430866 ~MASQUE~

Masque saan nalang 😜
Instagram post 2186912532719404928_333430866 #feedgoals 😂
  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Copyright © 2019 · SITE DESIGN BY FANCY GIRL DESIGN STUDIO

Copyright © 2019 · Soshal Network 3.0 on Genesis Framework · WordPress · Log in