• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar

The Soshal Network

  • Home
  • Meet the TSN Girls
  • Recent Posts
  • Show Search
Hide Search

PIRA-PIRASONG PANGARAP

Provinciated · Jan 3, 2013 · 7 Comments

Kilala niyo si Ryzza Mae Dizon?

 

 c

 

Tuwang tuwa ako sa batang ‘yan. Lalo na pag sumasayaw siya ng chacha with matching buka ng bibig. IDOL! Yun nga lang, tuwing napapanood ko siya sa TV, isang bahagi ng puso ko ang bahagyang kumikirot. Hindi mawaglit sa isipan ko na…”sana naging child star din ako.”

 

Para sa mga hindi nakakaalam, nanalo si Ryzza Mae sa Little Miss Philippines 2012 sa Eat Bulaga. At para sa kaalaman din ng madlang pipol, minsan ko ring pinangarap mapasali sa Little Miss Philippines.

 

c2

 

I was so ready.

 

Madalas kong pinalalabas kay Yaya Curing (siya ang yaya ko nung around 5 years old ako) ang mga gown na ginamit ko sa pagfa-flower girl. Susukatin ko sabay praktis ng pagkaway at rampa.

 

Syempre dapat may talent. DRAMATIC MONOLOGUE.

 

“Inay! Inay! May pumakyaw po ng mga sampaguita na tinda ko. Nakabili po ako ng paborito niyong pansit! Kain na po tayo…

 

Inay…(may imaginary babae na nakahandusay sa sahig)

 

Inay…

 

INAAAAAAAAAAAAAAY!!! ‘Wag niyo ako iiwan, Inay! Kakain pa tayo ng paborito niyong pansit. Sino na’ng mag-aalaga sakin? INAAAAAAAAAAAAAAY!!!”

 

I thank you. Bow.

 

May INTRO na nga rin ako.

 

“Good afternoon, everybody. My name is P from the land of tahong and talaba — Bacoor, Cavite!!! May kasabihan po tayo…Huli man daw at magaling, maihahabol din. Pero paano pa maihahabol ang damo, kung patay na ang kabayo? ‘Yan ang pag-isipan niyo. I thank you. Bow.

 

QUESTION AND ANSWER.

 

Q:        Kunwari naglalaro ka, tapos nagustuhan ng kalaro

           mo yung laruan mo at bigla niyang inagaw.

           Ano’ng gagawin mo?

 

A:         Ok lang po. Ibibigay ko na lang po sa kanya yung

            laruan kahit paborito ko pa po ‘yun.

            Kasi madami pa naman po akong ibang laruan e.

            Atsaka sabi po ng nanay ko, mabuti na raw po na ako ang

            nagbibigay kesa ako ang binibigyan. I thank you. Bow.

 

Bait-baitan effect!

 

Pero di ako sinuportahan nina Mother Earth at Father Thunder. Kahit anong pagpupumilit ko sa kanila na samahan ako sa audition, deadma sila. So pinalampas ko ang Little Miss Philippines.

 

Noong medyo malaki na ‘ko, nabalitaan ko sa TV na may bagong show na binubuo kaya magpapa-audition ang network ng new talents. Shet, chance ko na’to. Ang title ng show, ANG TV! Doo-a-didi-dididam-dididoo…

  

c3

 

Sabi ko sa sarili ko, “Ay naku, diziz really izit!!!” So ang 11 year-old na ako ay nagmarcha papuntang garahe at sumakay sa kotse. Nilapitan ako ng mga tao sa bahay at nagtanong, “San ka pupunta?” Sabi ko, “Sa ABS-CBN, mago-audition ako!!!”Naghagalpakan silang lahat ng tawa! Akala ata nila nagbibiro ako.  Na-hurt ang feelings ko. Alam niyo kung san ako dinala?! Sa simbahan namin. Kung gusto ko raw umarte, may pagsasadula ng homily sa misa de gallo, dun daw ako sumali. Wala na namang suporta.

 

Hanggang sa araw na ito, pinanghahawakan ko pa rin ang poot at hinanakit sa aking mga magulang. Alam nila yan. Parati ko sumbat sa kanila…

 

“Edi sana ngayon, kahilera ko na sina Claudine Barretto at Judy ann Santos?!”

 

c4 

 

“Edi sana ngayon, bida na rin ako sa telenovela?!”

 

c5

 

 

“Edi sana ngayon,  ARTISTA NA ‘KO!!!”

 

Haaay… yan ang pira-piraso kong pangarap na hindi na natupad. Pero hindi nangangahulugang nawalan na ako ng pag-asa. Kaya nananawagan po ako sa mga may kakilala sa mga TV networks. Pwede po ako gumanap na abogada o doktora. Kahit mother roles, willing po ako. In fact, kahit chismosang kapitbahay lang na extra, pwedeng pwede na sakin. Walang talent fee. Ako pa magbabayad. Parang awa niyo na po.

 

P.S. (Pahabol na singit) May isa pa akong audition na sinalihan. Matanda na ako nun kaya di ko na maitatangging alam ko na ang aking ginagawa. Pero ibang entry na yun. Magtitira ako ng konting kahihiyan for now. 

 

(pics from google)

 

Related Posts

  • Surviving the Bar ExamsSurviving the Bar Exams
  • Law School MemoriesLaw School Memories
  • What if Social Media Terms Existed in the 90s?What if Social Media Terms Existed in the 90s?
  • Provinciated’s Christmas GanapProvinciated’s Christmas Ganap
  • Super Staycation @ Summit Hotel MagnoliaSuper Staycation @ Summit Hotel Magnolia
  • RolexRolex

Provinciated dream, memories, provinciated, star

Comments

  1. MR says

    June 6, 2015 at 10:23 am

    Habang may buhay may pag asa, i push mo pa rin yan P! Pwede ka naman magsimula sa youtube!

    Reply
  2. kuya d. says

    June 6, 2015 at 10:10 am

    Same here, kaya naging fallback ko nalang ang pag-aabogado. I remember auditioning for Kristala “katutubo” role but still miserably failed to make it. Wahehe. At least tayo ang bida sa mga respective blogs natin. Lol. The good thing is we don’t get affected with network war kasi stressful yun.

    Reply
  3. crazy gingineer says

    January 14, 2013 at 5:45 am

    Ayos ka ms p!

    Reply
  4. Felyn says

    January 8, 2013 at 4:39 am

    Di pa huli ang lahat!

    eypolapol.tumblr.com

    Reply
    • P says

      January 8, 2013 at 11:48 pm

      Why not, poknat?! Tumpakers ka dyan. Habang may buhay, may pag-asa. 🙂

      Reply
  5. Dhetski says

    January 4, 2013 at 5:20 pm

    Go P para no more regrets, check mo kung baka kailangan pa nila ng additonal monsters sa shake rattle and roll 2013. In fair, pang festival ang level mo pag nagkataon. Hehe, peace.

    Reply
  6. Anonymous says

    January 4, 2013 at 3:25 am

    Sobrang funny ka tlga P. 🙂

    Reply

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published.

’Di bale nang mahina ang network connection, basta strong ang soshal network mo. Climb pa more! Isipin mo na lang na ang soshal na may tiyaga, may nilaga for lunch sa bahay ng mga friendship niyang soshal.

We are lawyers, Titas and your favorite soshaleras!

LET’S GET SOSHAL

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Categories

Subscribe to our YouTube Channel!

Notice

ALL RIGHTS RESERVED.
Unless otherwise stated, all pictures and texts used in this site are the property of The Soshal Network.
 
For features and events, please email [email protected] For other concerns, please email [email protected]

TSN on Facebook

How to Make Your Photos More Soshal

TOP 5 TIPS

NEXT 5 TIPS

PAA EDITION

TALIKOD TECHNIQUE

FOLLOW ALONG @THESOSHALNETRWORK

Explain lang namin ang photo na ‘to 😂 #GGSS Explain lang namin ang photo na ‘to 😂 #GGSS
Eto na nga ang THE NEW NORMAL -- 1. Dati, todo hab Eto na nga ang THE NEW NORMAL -- 1. Dati, todo hablot ka lang ng items, ngayon, iisipin mo muna kung bibilhin mo o hindi bago mo hawakan.
2. Dati, pwede ka abutin ng 3 oras sa pag-iikot, ngayon nag-aapura ka makalabas ng grocery! 
3. Dati, pwede pa gumala after shopping, ngayon, uwi, ligo, disinfect! 
Got THE NEW NORMAL errand tote bag and wallet from @bes_ph (Basic Essential Supplies). Dahil kung dati, pwede pa mag-ulit ng bag, ngayon, dapat direcho laba na! 😉
How to stay fit while doing household chores. #squ How to stay fit while doing household chores. #squatspamore 😂
Kusina workout 😂 full video sa aming YT channel Kusina workout 😂 full video sa aming YT channel!!
Gandang ganda at payat na payat kami sa itsura nam Gandang ganda at payat na payat kami sa itsura namin 10 years ago. Hindi kasi kami kumakain ng cake noon...tinatapal lang namin sa mukha. Foundation pa more!!! 😂😂😂
Yung Nanay mong mahilig umeksena sa online meeting Yung Nanay mong mahilig umeksena sa online meeting 😂
This error message is only visible to WordPress admins

Error: API requests are being delayed for this account. New posts will not be retrieved.

Log in as an administrator and view the Instagram Feed settings page for more details.

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Copyright © 2021 · SITE DESIGN BY FANCY GIRL DESIGN STUDIO

Copyright © 2021 · Soshal Network 3.0 on Genesis Framework · WordPress · Log in