Mula sa huli kong post na “Pira-pirasong Pangarap”, may mga nag-text sa’kin at nagtanong kung ano pa bang ibang audition ang pinuntahan ko. May mga humula…SURVIVOR PHILIPPINES? AMAZING RACE PHILIPPINES? TALENTADONG PINOY? Pero may isang tumpak ang hinula…
PINOY BIG BROTHER!!!
OO! Minsan kong inasam makapasok ng Bahay ni Kuya. Actually, hanggang ngayon umaasa pa rin ako. Para sa Season 2 sana yun. Si Bea ang Big Winner. Ka-batch ko sana si Bodie, yung anak ni Tirso Cruz III. Naka-showdown ko sana si Saicy. At ako sana ang naging arch nemesis (or kakampi, dahil pareho kaming maldita) ni Wendy sa pang-aapi kay Gee Ann.
Pero naudlot ang pangarap kong yan. Ikukuwento ko kung bakit.
Tandang-tanda ko, alas-4:30 ng madaling araw, umalis akong BaCav kasama si Roel, ang ever-reliable naming driver, papuntang ABS-CBN Compound, Mother Ignacia Street, Quezon City. Pagdating naming dun a little past 5 am, OMAYGAUUUZE!!! Ang haba na ng pila!!! As in ilang kanto na ang layo! Balita ko, yung iba, di na natulog at tumambay na lang sa katabing Pier One hanggang mag-umaga.
Bitbit ko nun ang aking folder of requirements…parang nag-aapply lang ng US Visa…
1. Application Form
2. Valid IDs
3. NSO Birth Certificate
4. Close up and full body picture
(Nagpa-studio pa ko, mga teh!!! Career kung career!)
May isa akong kasama nun, si R. Siya lang ang nakaladkad ko para may karamay naman ako sa pagpila. Wala siyang interes mag-audition nun pero nanghinayang naman ako sa ipipila niya kaya kinumbinsi ko siyang mag-fill out na rin ng form. May IDs din naman siya. Kaso, 2×2 ID picture lang ang meron sa wallet niya. Effect na rin yun.
So pang-4,152 ako nun. After lunch na nang makapasok ako sa audition room. 8 per batch. At dahil magkasunod kami ni R sa pila, magkasama kami sa batch. Wala kaming idea pareho kung ano ang ipagagawa. Nerbyos na nerbyos kami. Lalo pang lumakas ang palpitation ko nang makita ko na sa harap ko si DIREK LAURENTI DYOGI.
Direk: Ok, bibilang ako ng 1, 2 at 3.
Kailangan gumawa kayo ng 3 poses ng isang klase ng hayop.
Iba-ibang pose bawat bilang. Ok?
Kami:
Ok po.
(P to self: FISH AKO!)
Direk:
ONE
TWO
THREE
(P to self: Shet, may chance ata ako! Buti naisip ko yung fish!) But no…
Direk:
Mr. R… bakit ka sumali dito sa PBB?
R:
Ah…Uhmmm…Eeeh…
Direk:
Ninenerbyos ka ba?
R:
Opo. Hehe.
Direk:
Wag ka nerbyusin, R.
Compose yourself and I’ll see you later sa next round.
GRABEEE!!! Si R pa talaga ang napansin. E kinaladkad ko lang yun! In fairness to me, nagpaka-supportive friend ako at sinamahan ko siya hanggang sa next round na inabot hanggang hatinggabi. Pero napaisip talaga ako what about R caught Direk’s eye…so inusisa ko si R kung anu-anong pose ba ginawa niya…
ONE (Fish)
TWO (Dog)
THREE (Bird)
NOT FOLLOWING INSTRUCTIONS!!! 3 poses pero isang hayop lang dapat! Kaya naman pala tawang-tawa si Direk! Sayang lang at di na siya umabot sa final cut. Pero at least, napakinabangan ang KA…TA…LINUHAN!!! 😛
(pics from google)
at sinagot ni P ang comment ko! *cartwheel*. lol. sure, P pila tayo sa sunod. 😀
at comment talaga ako ng comment sa post kahit anonymous lang.:) aliw ka P! sana sinama mo ako.:D
I’m sure may susunod pang season ang PBB. Kung gora ka pumila, gora rin ako!!! 🙂
wala kupas ang mga post, READABLE & entertaining, hehe! napaka inspiring para magblog na ren ako, hehe!
Gora na, Olenski!!! We will support you. Mag-guest blogger pa ko. 🙂
Homaygad, ito ang 2nd favorite ko na post mo P, after the movie marathon post. Bilib ako sa’yo, talagang living life to the fullest! 🙂
Mas maganda nga naman pakinggan yung “living life to the fullest” compared sa “desperada” at “epal”. Bwahahaha! Thanks!!!