Nung New Year, nakatanggap kami ni Papa O ng:
Prediksyon Para Sa Mga Libra sa 2013 Year of The Water Snake
Published by Risingstar Printing Enterprise
Libra Personality, Interest and Suitable Careers.
Happy naman ako sa nakasulat. Consistent naman sya sa ibang articles about Libran. Based sa booklet, I am in the right career.
Mga Dapat Ninyong Malaman Tungkol sa inyong Sign
Lahat ng aspeto ay tinalakay dito tulad ng Travel, Fashion, Health and Fitness, Money, Career, Music, Friendship… pati na ang Kissing Style at Kulay ng Buhok!
Tungkol naman sa pagkain, sabi ng booklet
“Kayong mga Libra, bilang air sign ay
nangangailangan na kumain ng masustansiyang pagkain
upang masuportahan ang inyong
nervous system at maiwasan ang mood swings…”
Uhm…applicable ata to sa lahat ng zodiac signs.
Ang Kahulugan ng iyong Pangalan
Nagsimula akong ma-bother sa chapter na ito.
“Mayroong ibig sabihin ang bawat lettra ng inyong pangalan.
Ito ay naka-base sa iyong Zodiac Sign.”
Ang example ng booklet ay si Kate Winslet.
K – Popular
A– Dedicated to work
T – Insightful
E – Caring and loving
“Sa kanyang pangalan, mababatid natin na dedikado siya sa kanyang trabaho.
Bukod pa rito, isa rin siyang matalino at mapagmahal na tao…”
Ows? So lahat ng Kate na pinanganak ng September 23 to October 22 sikat, masinop, matalino at mapagmahal?!?!?! At ang English ba ng insightful at “matalino”?
Ayon sa Wikipedia, “Insightful” ay nanggaling sa salitang “Insight”
Insight is the understanding of a specific cause and effect in a specific context. The term insight can have several related meanings: a piece of information, the act or result of understanding the inner nature of things, an introspection, the power of acute, observation and deduction, penetration, discernment, perception called intellection or noesis, an understanding of cause and effect based on identification of relationships and behaviors within a model, context, or scenario.
So, asan diyan nagsasabing insightful = matalino?
Nagbigay ang booklet ng list ng description per letter ng pangalan.
Paki-explain to please… Ano ang basis nila sa meaning ng bawat letra? Also, sa list, puro positive naman ang description per letter except sa letrang V. Anong ibig sabihin ng “conscious about gossip?” So pag libra ka at Vivencio ang pangalan mo, twice chismoso ka? Ganon?!?!
Ang Libra sa pag-ibig.
Ang booklet na ito is not your common horoscope booklet. May kakaibang portion dito…
Paano ididispatsa ang isang female libran! Award!
Eto pa… Ngayon ko lang nalaman to… San kaya nila nakuha ito?
Gusto ko ng isara ang booklet at kalimutan ito kaso bumawi siya ng:
Sa mga mahilig magbasa ng horoscope, wag kalimutan ang payo ni Zenaida Seva:
Hindi hawak ng mga bituin ang ating kapalaran
Gabay lamang sila
Meron tayong free will
Gamitin natin ito
d! panalo!V= chismosa! langya mga post niyo! walang wagas ang tawa ko.
Hahaha! Madam Zeny, kaano-ano mo si Pocahontas? Aylabyer braids. 😀
Libra ang bagets ko, mapag-abugasya nga din siya. Chos.
Libran siya? So Christmas din siya ginawa hahaaha!
V is for CHISMOSA! Swak na swak sayo yan, D!
dalawang V pa eh noh!!! so TWICE CHISMOSA!
Yun sa paano idispatsa — parang naniniwala ako… kaya di kayo nagkakasundo ni C minsan i think.
Bwahaha, di naman ako masyadong affected sa outfit… P, LIBRAN KA BA? Mas bagay sayo yung paano idispatsa hahahaha!