Ang Unang Pilantik
Madalas ay feeling ng mga girls na naloloko sila ng mga nagugustuhan nilang boys who are eventually revealed to like boys. Maliban na lamang sa mga pamintang oportunista ay, to be fair, these guys don’t intend to mislead the ladies into thinking they can be more than friends. Puwede naman maging more than friends, kind of like -sisters. Ang nagiging issue ay kung paano ba ma-co-confirm. Mahirap magtanong kase hassle lang baka maka-insulto ka ng feelings and stuff so what happens is, awkwardness and distance galore na lang ang defining characteristics ng personal relations.
Para sa inyong hindi kayang magtanong (or nagtanong pero hindi naniniwala), here are a few notes to determine whether si kuya ay ate, or si Jack ay Jill, si boy ay girl, etc.:
1. Meron siyang at least dalawang V-neck shirts. Isa ay bright ang kulay, at isa ay black. The more bright colored V-necks, the gayer. Ang black na V-neck ay ginagamit at least once a month. Ang paminta, mas madalas gamitin ang mga black sa colored; ang aminado, keri ang brightly-colored V-necks kahit everyday.
2.Ang default position ng legs niya sa pag-upo ay naka-cross. Nag de dequattro siya pag dumarating na ang kaniyang tatay or ang matandang boss na lalake. Hindi niya kakayanin na matagal nakade-quattro anyway, susuko rin yan, babalik sa default position, at iisipin, “Echos!”
3. Madalas siyang naka-payong, araw man o gabi. Sobrang bawal umitim.
4.Hindi pantay ang kulay ng mukha niya at leeg niya dahil sa foundation na ginagamit niya sa mukha niya. Kung pantay naman ang leeg at mukha, ibig sabihin ay magaling siya mag make-up therefore bakla pa rin siya. Kung sobrang puti niya na mukhang di siya naaarawan ibig sabihin lagi siyang nakapayong (day or night), hence, bakla pa rin siya.
5.He frequently brushes the tip of his fingers at the back of each ear. In fact, he frequently brushes his hair with his fingers, like over, sideways, and under (On a magic carpet ride!). Mahaba ang hypothetical hair niya.
6. When asked to describe other guys, ginagamit niya ang mga salitang twink and bear. Ang salitang twink, bear, and other related terms ay may kinalaman sa isang specific type of entertainment material na pinapanood ng mge beks. (Google at your own risk, medyo unsuitable for work.)
7. Kapag nakakakita siya ng butas sa dingding, he refers to it as a glory hole. In relation to item number 6, ang mga ito ay nanggagaling sa mga similar entertainment materials.[Google if 21 years old and above, or depende sa criminal laws of your jurisdiction (kalurks!); surely ay hindi suitable for work.]
8. Kung makatingin siya sa guwapong lalake ay para siyang si Sharon Cuneta na nakatingin sa crispy pata.
9. Kapag inaya siya ng pogi na maglaro ng basketball, mag gi-giggle lang yan, sabay smile na parang pusa sa Alice In Wonderland. Minsan may kasamang tumbling. Pero once he realizes na talagang basketball as a sport ang invitation para sa kaniya, aayaw na yan kase may gagawin pa raw. Wala siyang interest sa totoong basketball.
10. Alam niya ang iba’t-ibang variations ng mga kulay. For instance,ang green ay hindi lamang green, pero olive, moss green, neon green, etc. Ang pink ay di lamang pink pero may fuschia, magenta, old rose, hot pink, Barbie pink, flamingo pink, baby pink, utong pink, and the like. (In the same way na alam ng mga Pinoy ang colors ng Philippine Flag, dapat alam rin nga beks lahat ng kulay sa Rainbow Flag.)
11. Pag nakakita ng pogi ay tinititigan niya ito na parang nag-aantay ng sagot. (In his head ang dami nang tanong agad, like “What’s your name? San ka pupunta? Tayo na ba?” and so on.)
12. Alam na alam niya ang mga establishments sa Malate area (in more severe cases, sa Timog area) kahit taga Antipolo or Bacoor pa siya.
13. Madalas siyang tawaging “Ma’am” ng mga kahera, kahit na astang lalake pa yan. In fairness, mabilis mag detect ng bading ang mga kahera. Bakit kaya?
14.OA ang pabango. As in OA. At ang pabango ay napakaspecific, parang kombinasyon ng baby powder, bulaklak, at hmm, basta once you smell it and ma-identify mo yung smell na yun and make the necessary association, aakyat to 80% ang gaydar mo, swear.
15. Color-coordinated siya at least 70% of time time.
16. Suki siya ng Folded and Hung.Kung mayaman siya ay Top Man. (Walang kinalaman ang mga pangalan ng stores, sadyang ang gay lang ng mga damit dito, pansinin niyo.)
17.Mahilig siya sa mga beauty pageants, siyempre. Kahit paminta pa iyan, maghahanap siya ng paraan para makanood at least ng one beauty pageant every year.
18. Ang shorts niya for jogging and other athletic activities ay parang shorts ng mga basketball player nung 70s and 80s.
19.Karamihan ng contacts niya sa Facebook ay mga lalakeng walang t-shirt (na minsan ay wala ring ulo sa picture), o di naman ay mga lalakeng mukhang of questionable repute. Kapag nag-like siya ng page na ang profile picture ay isa or mga lalake in compromising positions, medyo giveaway na.
20.Kapag in shock:
Itutuloy…
Natawa ko sa kahera!! Bakit nga ba!?!? LOL
Pak na pak ito! Cannot wait for the other 2 posts. 🙂
i love it!
Wahaha! I can’t wait for the continuation. 🙂
Pwede bang i-add sa list na yung iba, yung iba lang naman ha, kelngan talaga either nakahubad or kaya nakasando ang profile pic sa fb? 🙂
Bwahaha, trilogy ito Em 🙂
“Kung makatingin siya sa guwapong lalake ay para siyang si Sharon Cuneta na nakatingin sa crispy pata.” WINNER!
Google! Google! Google! Bwahahaha!
Funny!