O diba, bongga?! Tandang tanda ko pa ang pangalan ng naging French teacher namin, imported from France talaga siya, si Mr. B. (Sorry at wala akong pic. Di ko naman akalaing magkakaron ako ng blog gaya nito.) May itsura naman si Mr. B. Tangos ng ilong, balingkinitan, matangkad. Ang kaso, forever siyang jinajabar! Di ko alam kung dahil sa klima natin sa Pilipinas o hindi lang siya mahilig maligo…pero bottomline, di siya pleasant-smelling. Sayang.
Mr. B teaches all the sections. May dala siyang isang set of 40 basic French books entitled “Pile ou Face” or “Heads or Tails.”
After each class, kokolektahin niya yung books for his other classes. Kaso, sadyang may mga loko sa batch namin.
After the first few sessions…
Mr. B: Clazz, zer iz ONE “Pile ou Face” mizzing.
Lumipas ang ilang buwan…
Mr. B: Clazz, zer are FIVE “Pile ou Face” mizzing.
Return zem sil vous plait (if you please).
Pasaway! Alam niyo bang bago kami mag-graduation…
Mr. B: Clazz, zer are only TWO “Pile ou Face” left.
Ziz iz not good.
Bwahahaha! I doubt na may mga ka-batch kaming obsessed sa French para magnakaw nung libro noh. Talagang gusto lang pag-tripan yung teacher namin.
In fairness to me, mataas ang grado ko sa French class. Di naman sa pagyayabang pero matalas kasi ang short-term memory ko. Meaning, pag memorization, kayang-kaya ko yan. Yun nga lang, pagkatapos ng exam at naisulat ko na sa papel, burado na sa utak ko. Kaya dinaan ko sa memorization ang French class. Doon na lang ako umasa pambawi sa oral exam. Lord knows kung paano ako mamilipit pag natatawag for recitation. Sa tigas ba naman ng dilang Kabitenya ko, tapos pagsalitain mo ko nang di tumitikom ang bibig, parang dumadahak at sumisirko ang dila. ASA KA!
Pero kung di ko makalimutan ang French teacher namin, I’m pretty sure na hindi rin niya ko makakalimutan.
Final exams kasi namin nun. May multiple choice, fill in the blanks at matching type sa exam. Ang last part – CONSTRUCT 5 GRAMMATICALLY CORRECT SENTENCES IN FRENCH STARTING WITH THE PHRASE “A PARIS” or “IN PARIS”.
Eto ang mga sagot ko…
1. A Paris, vous vouyez La Tour Eiffel.
(In Paris, you see the Eiffel Tower.) — Malamang!
2. A Paris, le pain Francais est tres delicieux.
(In Paris, the French bread is very delicious.) – Oo, dun lang masarap ang French bread.
3. A Paris, les garcons et les filles sont tres belles.
(In Paris, the boys and girls are very beautiful.) – Kasi paglabas nila ng Paris, di na sila magaganda?
4. A Paris, ils parlent Francais.
(In Paris, they speak French.) – Di nga?!
And last but certainly not the least…
5. A Paris, je n’ai pas un ballon.
(In Paris, I do not have a balloon.) – HUWAAAAT?!
Alam ko walang sense. Lalo na yung last. Pasensya na kayo noh! Pinagkasya ko lang yung limitado kong alam na salita. Ang requirement lang naman ay “grammatically correct sentences” ah. Di naman sinabing dapat makatotohanan o may kwenta. And for that, PERFECT ako sa final exams! Pero nang i-announce ni Mr. B ang grade ko sa class, sinabayan niya ng hagalpak ng tawa. Pati 5-year old na anak daw niya, sumakit ang tiyan nang mabasa ang answer sheet ko.
KEVERRRR! PERFECT pa rin ako sa exam. PERFECT! 😉
(pics from google)
hahaha bentang benta sakin dahil feel na feel ko to ngayon. sa France ako nakatira ngayon at pilipit na ang dila ko sa french. nakakatawa talaga ang french class at isa sa kinaiinisan ko ay ang feeling nila madali sakin dahil espanol daw ang language ng pinoy ilang beses ko na sinabi makaulit na taglish na dahil sa mga kano at ang alam ko lng na espanol ay punyeta at leche lol…..
pinagawa kami ng exercise mga sentences at buuhin pasunosunod malay ba namin ano ang laman ng sentences ni number lng namin kunwari pasunod sunod nilagay ng kaklase kong turkish after shower breakfast…so nagbreakfast sya ng nakahubad dahil my isa pa pala na after shower bihis muna lol….mukha na akong ignorante dahil pilipit din ang dila ko imagine ang bikolana na nag frefrench parang biglang bisaya na ako lol.
lagi ako nagbabasa ng posts nyo ang saya saya..keep it up!
a demain.
au revoir.
KALURKY!!!!! Mon mari s’est soudainement réveillé parce que je riais très dur et fort! #GOOGLEtranslate … may dadaig pa pala sa classmate ko noon sa English sentence nya na “The carabao is dancing under the table!” hahahahhaha
I think this is the funniest post ever of TSN! You made my day! Andami kong tawi dito! Keep it up, TSN!
One of your big fans,
Jaja
Wow, Jaja! What a compliment. Sa mga ganyang comment kami mas ginaganahan e. Super salamatsss and hope you keep on reading! 🙂
I-ce bu-ko for sa-le!
Puis-je avoir…Meaning, PENGE!!! 🙂
hahaha eto lang alam kong french.. Voulez-vous coucher avec moi ce soir… mukhang di pa kaaya aya ang english translation nya
Hey sista, go sista, soul sista, flow sista…Haha!
Haha, tinanong dati ng classmate natin kay Mr.B ano ibig sabihin niyan… wag na daw ulit babanggitin :))
Soshal na soshal ang TSN, andaming french speaking readers bwahaha!
A Paris, j’aime les hommes beaux!;-)
Je suis d’accord! Salamat, Google translate! Haha!
kung alam lang ng prof mo na all along ang akala mo sa last sentence mo ay “in paris, i do not have a pen”…pinagmamalaki ko pa na may alam akong french na nakuha ko sau..mali pala..haha
Bwahahaha! Ito naman, binukelya pa ko!
My French Teacher: Parlez-vous Francais?
Me: pas du tout! Pas du tout! (yan lang kasi ang antatandaan ko kaya yan ang isinagot ko.)
My classmates laughed…. 😀
Bwahahaha! Ako naman sagot ko “un peu”…yun na yun! 😉
Hahahahahahaha!
cinq FTW!
Siyempre ginoogle ko pa yung “cinq” to be sure. Olats talaga! Hahaha!
c’est mercredi, nous avons a` parler francais…
Je me souviens. Et demain, nous allons parler italien.
Je pansais que demain est pour l`allemand?
Anaknam!!!! English nga dinudugo na ako, mag-French ba dito???!?!?
Vouz-te na l’ang, jeje mon ka, que?
Ganito talaga kami, D. Di ko ba nakwento sa’yo??? 😛
Mais nous cherchons des hommes français de tous les jours! 😀
Seuls les hommes francais qui sentent bon, ok?
même les filles sentent mauvais français! hahaha!