• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar

The Soshal Network

  • Home
  • Meet the TSN Girls
  • Recent Posts
  • Show Search
Hide Search

WATPION: DON MARIO

Provinciated · Mar 11, 2013 · 6 Comments

Kilala niyo na sina Mother Earth, Father Thunder, Atekupung-singsing, Kuyakoy, Ate E (sister-in-law ko), sina E1, E2 at E3 at siyempre, si Papa N. Sila ang mga importanteng tao na maaari mong matagpuan sa aming household. But that’s not all, folks! Maliban sa kanila, marami pang iba’t-ibang karakter ang regular naming nakakasalamuha sa BaCav. At isa-isa ko silang ipapakilala sa inyo sa pinakabago kong (mini) segment na pinamagatang…

 

 watpion

 Ampanget, I know, pero wala na kong maisip.  

First WATPION will feature…are your ready…”MARIO!” (Masigabong palakpakan)  

cam1

(o diba, pogi?!) 

Ang pamilya ni Mario ay di na iba sa’min. Limang tumbling lang ang bahay nila sa bahay namin. Ang nanay ni Mario na si Aling Pising (sumalangit nawa) ay matagal naming labandera, as in di pa ata ako tao. Parang kapamilya na kung baga. Unfortunately, ulilang lubos na si Mario at wala siyang hanap-buhay sa ngayon. Pero masipag ‘yan. Kahit ano’ng mapagkakakitaan, go ‘yan! Kaya kung may small jobs kami around the house, siya ang pinapatawag namin. At dahil nagsusumikap akong gumaling sa golf, siya na ang personal “BALL BOY” ko tuwing umaga.         

cam2

 (Pasintabi sa itsura ko. Bagong gising ako dyan.

Pag nasa golf course naman, uma-outfit ako, promise!) 

Oo, hirap sa buhay si Mario. Oo, parang isang bulate na lang ang di napirma sa kanya. Oo, parang heir siya ni Palito. (Parati kasing alaskado ‘yan e) Pero sino’ng nagsabing di siya pwede maging choosy?! 

Nagpalinis ng bodega ang Mother Earth last last week. Binigay kay Mario yung ibang laman para mapakinabangan pa. 

Mother Earth: Mario, saan mo dinala yung kama?

                     Diba kahoy na patungan at kutson yun… 

Mario:              Yung kahoy binenta ko. 

Mother Earth: E yung kutson? 

Mario:            Tinapon ko na. 

Mother Earth: Huh? Bakit mo tinapon?! Pwede mo pa higaan yun e! 

Mario:               LUMA NA KAYA YUN! 

Mother Earth: (Nanlaki ang mata) Pasensya naman ha!

                      Hiyang-hiya naman ako sa’yo! Binigyan kita ng luma.

                      Di bale, bibilhan kita ng brand new na kama at kutson

                      para di mo ko nalalait! 

BWAHAHAHAHA! Si mudra ang nasoplak for the first time! 

Minsan, dumating ang Mario for our usual practice. Pagkita ko sa tsinelas, eto ang itsura.

 cam3

       

P:        Hala! Ano ba naman ‘yang tsinelas mo?

           Gutay-gutay na! Teka, may mga extra

           tsinelas ata dyan e. Papahanap ko. 

Mario: Hindi na! Maayos pa ‘to. 

P:        Pero may mga bagong tsinelas dyan.

           Baka malaki nga lang sa’yo pero at least mas maayos. 

Mario:  Hindi na. Ok na ‘to. Meron pa ‘kong magandang tsinelas sa bahay.

P:         Pero… 

Mario: Hindi na nga… 

P: (Medyo napipikon na ‘ko) AYAW MO BA TALAGA?! 

Mario: GUSTO! 

Yun naman pala e! Umarte pa! Anyway, kaninang umaga, dumating ang Mario, suot ang pinagmamalaki sa’king maganda daw niyang tsinelas…

 cam4

  (Anak ng $%#@! Ikaw na, Mario! Ikaw na ang mananalo sa Rated K para sa pinaka-nanggigitatang tsinelas!)

 

Eto pa ang maganda…  

cam5

Father Thunder: Anak ng teteng, nangingislap pa ang relo ng

                        ball boy mo ah! San mo nakuha ‘yan?

Mario:                  Basurahan! 

Mother Earth:    Aba! Ano’ng klaseng relo ‘yan? Patingin! 

Mario:              GUSI daw. 

Mother Earth:   Ano?! Gusi?! 

P:                    Baka GUCCI! 

Mario:                 Yun nga! 

cam6

NAAAAAAAKS! Kabog kami sa Gucci ng lolo mo. “DON MARIO” lang ang peg!   

Nakakatuwa na kahit ganyan si Papa Mario, may sense of humor pa rin siya at di pa rin niya nakakalimutang ngumiti. Ganyan ata talaga tayong mga Pilipino. Di baling kumalam ang sikmura, basta lagi natawa.  

Related Posts

  • Mario AlaskadoMario Alaskado
  • WATPION: Nanay FloraWATPION: Nanay Flora
  • Tinalo ni Mitch si Maring Tinalo ni Mitch si Maring
  • NeneNene
  •  SPRITE SPRITE
  • Meet the Asian CutieMeet the Asian Cutie

Provinciated Cavite, feature, neighborhood, people, WATPION

Comments

  1. Anonymous says

    March 13, 2013 at 7:36 am

    Hi Miss P,taga bacoor din po ako,at masugid na tagasubaybay,natawa naman ako sa nangigitata,pwede din po naglalamira.

    Hazel(Dulongbayan Bacav)

    Reply
    • P says

      March 13, 2013 at 10:20 am

      Bwahahaha! Aba, kababayan pala. Mabuhay talaga ang mga Kabitenya!!!

      Reply
  2. Anonymous says

    March 12, 2013 at 1:54 am

    Hi P, taga Imus lang ako. Pwede ding ako ang tawagin ni Mother Earth kung meron kayong mga hand me down goods. :D. Di ako choosy. Pramis. 😀

    Reply
    • P says

      March 13, 2013 at 4:37 am

      Aba, taga-iCav ka pala!Parang iPad, iPhone, iCav! 🙂

      Reply
  3. Anonymous says

    March 12, 2013 at 1:35 am

    I love reading your entries. I am also from cavite. Nakaka relate ako. We have words na only us can understand..nang gigitata 🙂

    Reply
    • P says

      March 13, 2013 at 4:35 am

      Haha! Nanggigitata…pwede ring nanlilimahid. Naku, madami pang ibang karakter ang isusulat ko dito. Pero kailangan ko muna magpaalam sa kanila. Hehe!:)

      Reply

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published.

’Di bale nang mahina ang network connection, basta strong ang soshal network mo. Climb pa more! Isipin mo na lang na ang soshal na may tiyaga, may nilaga for lunch sa bahay ng mga friendship niyang soshal.

We are lawyers, Titas and your favorite soshaleras!

LET’S GET SOSHAL

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Categories

Subscribe to our YouTube Channel!

Notice

ALL RIGHTS RESERVED.
Unless otherwise stated, all pictures and texts used in this site are the property of The Soshal Network.
 
For features and events, please email [email protected] For other concerns, please email [email protected]

TSN on Facebook

How to Make Your Photos More Soshal

TOP 5 TIPS

NEXT 5 TIPS

PAA EDITION

TALIKOD TECHNIQUE

FOLLOW ALONG @THESOSHALNETRWORK

Explain lang namin ang photo na ‘to 😂 #GGSS Explain lang namin ang photo na ‘to 😂 #GGSS
Eto na nga ang THE NEW NORMAL -- 1. Dati, todo hab Eto na nga ang THE NEW NORMAL -- 1. Dati, todo hablot ka lang ng items, ngayon, iisipin mo muna kung bibilhin mo o hindi bago mo hawakan.
2. Dati, pwede ka abutin ng 3 oras sa pag-iikot, ngayon nag-aapura ka makalabas ng grocery! 
3. Dati, pwede pa gumala after shopping, ngayon, uwi, ligo, disinfect! 
Got THE NEW NORMAL errand tote bag and wallet from @bes_ph (Basic Essential Supplies). Dahil kung dati, pwede pa mag-ulit ng bag, ngayon, dapat direcho laba na! 😉
How to stay fit while doing household chores. #squ How to stay fit while doing household chores. #squatspamore 😂
Kusina workout 😂 full video sa aming YT channel Kusina workout 😂 full video sa aming YT channel!!
Gandang ganda at payat na payat kami sa itsura nam Gandang ganda at payat na payat kami sa itsura namin 10 years ago. Hindi kasi kami kumakain ng cake noon...tinatapal lang namin sa mukha. Foundation pa more!!! 😂😂😂
Yung Nanay mong mahilig umeksena sa online meeting Yung Nanay mong mahilig umeksena sa online meeting 😂
  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Copyright © 2021 · SITE DESIGN BY FANCY GIRL DESIGN STUDIO

Copyright © 2021 · Soshal Network 3.0 on Genesis Framework · WordPress · Log in