For three weeks, Papa O kept on saying he needs safety shoes. Safety shoes are harabas shoes. Yung puwedeng gamitin sa construction site without fear na mahulugan ka ng hollow blocks sa paa. Pero since nakakaubos daw ng oras yung papalit ng shoes, he wants safety shoes na pang japorms na rin. (Wait, uso pa ba sa kabataan ngayon ang term na japorms?)
Anyway, as usual nag-research si Papa O sa internet at nagcanvass sa malls. Mr. Minimalist is never an impulsive buyer (kahit na necessity item). Isa siyang “kapit sa bulsa” shopper.
Last Friday, super excited niya to tell me na may nakita na siyang shoes. Check ko daw sa internet but I was too busy… and honestly, not interested to look at safety shoes. Pero pinilit niya pa rin ako tingnan. Mukha naman maganda. The next day, we went to the mall to look at the shoes na nakita niya.
I’m sorry. Hindi siya love at first sight. Di ko type! Parang high school shoes!
Pero dahil excited si Papa O, di ko nalang masyadong nilait. My gulay lang. Daig ni Papa O ang babae magsukat. Di siya makadecide kung yung color black or color black. Isa lang ang kulay! Magkakamukha silang lahat kaya di ko maintindihan ang “choosing time.”
Sa tagal ng asawa ko sa store, parang gumaganda na rin yung shoes. Alam niyo yung San Miguel commercial na Binibini? Yung gumaganda yung mga girls habang dumadami ang naiinom? Parang ganun yung sa safety shoes.
Finally, he decided to buy it. Ang tagal namin dun promise. Nakatulog si Baby A. Naisip ko baka nanghihinayang siya sa pera kasi mahal. Anakngteteng. Hindi pala siya mahal!!!! Super mura niya for men’s shoes. P1,200 lang! Talagang kapit sa bulsa lang sya.
Tapos pag-uwi namin. Sinukat pa nya ulit… In-lababoo siya!
(Promise, ang photogenic ng sapatos)
Good looking..
Check ko daw sa internet but I was too busy… and honestly,Pero pinilit niya pa rin ako tingnan. Mukha naman maganda.
oo nga, photogenic siya.. funny ka tlaga atty. D 🙂
pinasaya mo ko mompj! Thanks 🙂
Mukha nmn pang japorms yung nasa lower left corner ah 🙂
Teka, wala na bang Bulldog ngayon? Yung may bakal ba yun sa loob ng shoes? Hehehe
Yup, yan yung may bakal sa loob. 🙂
In fairness, ang mura nga nya for men’s shoes!
yup! photogenic pa haha!
Nakakita na ako nyan sa personal– I know exactly what you mean by photogenic 🙂
Magkakamukha nga sila! Alam ko yang shoes na yan!
haha!