• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar

The Soshal Network

  • Home
  • Meet the TSN Girls
  • Recent Posts
  • Show Search
Hide Search

HOPI naman sa IHOP

Provinciated · Mar 15, 2013 · 8 Comments

 

Maaga ako umalis ng opisina last Friday. Invited kasi ang TSN sa marketing event ng BLO Blow Dry Bar sa Serendra. (Kukuwentuhan ko kayo all about my “Tuma-TATLER level” experience soon. Thanks, BLO!!!) Anyway, maaga natapos ang blow dry session ko. Ganda ng hairlaloo ng lola mo! Feeling ko nasa commercial ako ng Pantene! And for that, minarapat kong irampa sa kahabaan ng Serendra at Bonifacio Highstreet ang luscious kulut-kulotan locks ko. Kung di lang ako naka-maong nun, aakalain siguro ng mga taong galing akong kasalan.

 

Paglabas ko sa isang shop, nakita ko si T, highschool classmate at close friend ko. Inalaska muna ako sa curls ko tapos ay hinanap si Papa N.

 

T: Saan ang date niyo ni Papa N?

 

P: Ewan ko nga e. Parating pa lang kasi yun kaya nag-iikot muna ako. Saan ba masarap kumain dito?

 

T: Try mo dun sa IHOP. Why don’t you join the bandwagon. Kahit pa-lista ka lang. Mahaba pila dun e.

 

Tama! Binalita sa’kin ni Papa N na may IHOP na raw dito sa Pinas. (Di nga ko masyado naka-react kasi…ANO BA YUNG IHOP???? Never heard! For me kasi, kung hindi kasing-matunog tulad ng Jollibee, McDo, KFC at Chowking yan, di yan sikat! After careful research, napagtanto ko na IHOP pala stands for INTERNATIONAL HOUSE OF PANCAKE. In short, pinasoshal na Pancake House. 😛 )  

 

Sa madaling sabi, tinunton ko yang IHOP. MY GAAAAADZZZZ! Andaming tao! Parang tumataya lang sa lotto na ang jackpot ay mahigit-kumulang na P700 Million! E nandun na ko…

 

P: Sir, magpapa-waitlist ako. For two lang naman under the name “P”. Mga around what time kaya kami makakaupo?

 

Sir: Ay mam, hindi ko po masasabi. Depende po sa turnover ng customers yan.

 

P: Mga 30 mins kaya?

 

Sir: Ay mam, hindi ko po masasabi. Depende nga po sa turnover ng customers yan. As of now, number 50 po kayo sa list.

 

P: Ano, FIFTEEN?!

 

Sir:FIFTY po.

 

P:FIFTY?! 5-0?!?! (sabay pakita sa’kin ng list. Walang katarungan sa mundo!!! Pero humirit pa rin ako.) Dalawa lang naman kami e. Malamang mas mabilis yun diba? Mga 40 mins? (KULIT KO LANG E NOH?!)

 

Sir: Hindi ko nga po masasabi. Ganito na lang po, mam. As of now na 7pm, ang sineserve po namin ay yung mga nagpalista kaninang 6pm.

 

#50?!?! MAHIGIT ISANG ORAS??? Para kumain ng pinatag na monay?!!

 

 IHOP

Pero dahil hinihintay ko pa naman si Papa N at wala rin naman akong magawa, gora na.

 

Around 8:20, NAKAPASOK NA RIN KAMI!!!Tumbling, cartwheel, split! In fairness, once nakaupo na kami, inasikaso naman kami nang mabuti ng staff.

  

PicMonkey+Collage

 

Medyo na-tempt nga kami ni Papa N na tagalan ang pag-order pati ang pag-kain para masulit yung oras na hinintay namin. Pero the service was so great and efficient that, in no time, andyan na ang food namin!

 

IHOP4

(Big Steak Omelette, Grilled Chicken in Balsamic Vinegar

and Blueberry Pancakes)

 

At dahil nasa harap na namin ang lafang, di na kami nagpatumpik-tumpik!

  

IHOP5

Sarap ha!!! Hindi lang dahil Tom Jones na Tom Jones na kami. Well-cooked talaga ang pagkain. Unfortunately, some of the menu items were unavailable like the Fried Chicken and Roast Beef. April pa raw available pagdating ng stocks nila. Bakeeet?! Wala bang manok at baka dito sa Pilipinas?!

 

All in all, it was a very pleasant experience. (Naku, IHOP, bigyan niyo ko ng GC ha!) Nakangiti kaming lumabas ng restaurant ni Papa N…tila ba nang-iinggit pa sa mga nakapila sa labas. #50 — Achievement kaya yun noh! Hehe.

 

IHOP6

 (#50 PANIS!!! WOOHOO!)

 

P.S. Alam niyo bang hanggang 11:30 pm may nakapila pa rin dun? Bilib na ko sa lahi natin. Basta bago at uso, pagtitiyagaan. Parang yung Gonuts Donuts at Krispy Kreme noon. Tapos ngayon, JCo. Naman. Di pa nga ako nakakatikim ng JCo. na yan e. Masarap ba? J

 

Related Posts

  • Sariwon Korean Barbecue + MaaloxSariwon Korean Barbecue + Maalox
  • Burger BarBurger Bar
  • Ramen NaminRamen Namin
  • LemuriaLemuria
  • Flippin’ CowFlippin’ Cow
  • Appetizing AlqueriaAppetizing Alqueria

Provinciated Bonifacio High Street, food, Papa N, places, restaurant

Comments

  1. Anonymous says

    April 22, 2013 at 2:01 pm

    try mo via phone to place an order 2 days before and then pick up… nde k n pipila…

    Reply
  2. Anonymous says

    March 19, 2013 at 6:38 am

    Overrated ang J.co yan ang masasabi ko! *peace sa fans ng J.co dito*

    Reply
  3. eypolapol says

    March 15, 2013 at 10:37 pm

    Masarap ang J.co promise! Try mo sya. Tip ko sayo pumunta ka dung ng kabubukas para walang pila. 10am open na sila sa Greenbelt. 🙂

    eypolapol.tumblr.com

    Reply
    • P says

      March 18, 2013 at 8:16 am

      Malapit lang ako sa Greenbelt! Kaso, baka pag mahaba ipila ko, ma-pressure ako at isang dosenang kahon ang mabili ko para masulit din lang ulit ang hintay ko. Pero kung masarap naman pala, keribels na rin! Thanks!

      Reply
  4. Bebengisms says

    March 15, 2013 at 5:48 pm

    Yes masarap naman. Pero parang levels ng sarap lang ng Mister Donut supreme flavors. To be brutally honest sa J.Co fans. Haha! Mas gusto ko kasi sa donut yung matamis talaga. Kaya Krisy Kreme pa din ang bet ko. 🙂

    Reply
    • P says

      March 18, 2013 at 8:15 am

      Syaks! Kailangan na talagang masubukan yan! Pipila balde na ko. 🙂

      Reply
  5. GLAIZA says

    March 15, 2013 at 1:22 pm

    Ay naku P! Sinabi mo pa. As per J.Co, I’ve tried it and well, wala rin namang pinagkaiba, lasang doughnut din matamis rin pero hindi naman yung tipong magkaka-diabetes ka sa isang piraso. At kung pila rin lang ang pinag-uusapan, ang sabi nga ng dati kong officemate, yun lang naman ang pilang humamon sa pagkuha ng NBI Clearance at passport sa DFA sa haba. Yung branch ng J.Co malapit sa office ko bukas ng 24/7 o, di ba, parang Mercury Drug lang.

    Reply
    • P says

      March 18, 2013 at 8:14 am

      Sa J.Co. nakasisiguro, doughnuts ay laging bago. PWEDE!!!

      Reply

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published.

’Di bale nang mahina ang network connection, basta strong ang soshal network mo. Climb pa more! Isipin mo na lang na ang soshal na may tiyaga, may nilaga for lunch sa bahay ng mga friendship niyang soshal.

We are lawyers, Titas and your favorite soshaleras!

LET’S GET SOSHAL

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Categories

Subscribe to our YouTube Channel!

Notice

ALL RIGHTS RESERVED.
Unless otherwise stated, all pictures and texts used in this site are the property of The Soshal Network.
 
For features and events, please email [email protected] For other concerns, please email [email protected]

TSN on Facebook

How to Make Your Photos More Soshal

TOP 5 TIPS

NEXT 5 TIPS

PAA EDITION

TALIKOD TECHNIQUE

FOLLOW ALONG @THESOSHALNETRWORK

This error message is only visible to WordPress admins
Error: No users set.
  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Copyright © 2021 · SITE DESIGN BY FANCY GIRL DESIGN STUDIO

Copyright © 2021 · Soshal Network 3.0 on Genesis Framework · WordPress · Log in