Relate na relate si Papa O sa post ni P na “Mayaman Ako”. Last year, I gave Papa O ng isang nagmamayaman na relo. Di talaga kami bumibili ng mamahalin masyado pero this seems to be a good investment kaya naman go na.
Maluwag ang strap kaya dinala ni Papa O sa Rustan’s para ipa-adjust. Dala nya lahat ng cards showing na authentic yung relo. Tiningnan ng staff yung relo at cards.
Mr. Mapanghusga:
Sir, saan niyo nakuha to?
Hayup!!! Sabi ko naman kasi kaya Papa O magsunblock tuwing pupuntang site….
Papa O:
Mayaman asawa ko, may problema?
Yun oh! Sugar mommy nako at mukhang dukha ang asawa ko! Ang nakakainis, pinagkamalang magnanakaw asawa ko!!!! Hahaha!
Di madalas mangyari sa akin ang nangyari kay P dahil nalahian ako ng Chinese. May perception ata ang mga tao na pagsingkit may pera. Di kami mayaman promise! Naututan lang ako ng Chinese.
Pero victim pa rin ako ng discrimination not for my purchasing power… But for my size…
Forever 21
D:
Miss, may size pa ba kayo nito?
Saleslady:
Ma’am, yung big sizes andun po sa section na yun.
Sabay turo sa dulo.
Tiangge 1
D:
Miss, pwde bang i-fit to?
Saleslady:
Ma’am, one size lang po kasi yan.
Tiangge 2
D:
Miss, magkano to?
Saleslady:
Small nalang po meron kami diyan.
Buuuuusiiiit!!!! Leche! Di nga ako mukhang dukha, JUBIS NAMAN! Humanda kayo pag-pumayat ako!







lol!!!!!
Hahahahahahah! Winner post!
OMG! Nakakarelate ako! Kapag ganyan, kulang nalang ibato ko yung damit sa saleslady. Buti nalang kasama ko asawa ko at sya ang pumupigil sa akin.
Yun nga lang, pagkatapos ng mga episodes na yan, tatanungin ako ng asawa ko…”Bakit mo kasi hindi ginangamit yung membership mo sa gym? Sayang naman yun…” Grrrrr!!!!
ay buwiset!!!! bwahaha, buhay pa asawa mo?!?!?
Aliiiiw! Pareho tyo, D. Naambunan lng ng konting fats (konti lng tlaga ha!) sa katawan, “xl” na agd ang size na binibigay stin. Hindi ba pwedeng “M” muna? or a little larger than “M” but smaller the “L”? lol
bwahahaha! nakakainis sobra! tapos titingnan pa buong katawan mo bago sumagot ng maayos! hahaha!
ahahahha! ang sakit ng tyan ko sa kakatawa! 🙂 Happy Monday TSN!
Happy monday Jane!!! 🙂