After about 20 years, ngayon lang ulit kami nakabiyahe nang malayuan as a family. Kaya momentous event ito for us. At dahil ako ang abogada, ako ang naatasang mag-ayos ng lahat ng documents na kakailanganin. This includes passports, visas, insurance, affidavits, etc, etc, etc…FOR 9 PERSONS HA! Sobra siyang ma-trabaho.Welcome to the Grand Launching of Ms. Provinciated’s Travel Agency!
Pero ngayon na nasa eroplano na kami papuntang Milan, sulit na ang lahat ng luha, pawis at dugo (sa paper cuts). Europe here we come!!!
Abu Dhabi Airport
Sa eroplano papuntang stopover sa Abu Dhabi, may nakatabi kaming isang babae.
Si Jaysen Jane. (Sorry, di ko siya nakunan ng pic) Halatang ninenerbyos si Ate Jane. Pero kesa magmarunong, walang ka-abog-abog niyang in-announce sa’min na…
Ate Jane:
Hello po. FIRST TIME KO MAG-EROPLANO!
P:
Ah ganun po ba? Wow! Sa Abu Dhabi po ba ang punta niyo or stopover lang po?
Ate Jane:
Ay magtatrabaho ako dun. DH (domestic helper).
Medyo nalungkot ako. Kasi kinailangan niyang iwan ang asawa at tatlong anak niya sa Tagaytay para kumita ng pera sa ibang bansa. At the same time, natuwa na rin ako for her kasi hindi naman lahat nabibigyan ng pagkakataong mag-abroad.
Katuwa kausap si Ate Jane. Napakadami niyang tanong.
Pwede ko ba iuwi yung kumot?
E yung headset?
Ano itong maliit na telang may garter? Mukhang panty. (eye cover yun! Haha)
Paano paandarin itong TV?
Nang umandar, ang lakas ng tugtog!
Libre ba ‘tong pagkain?
Order mo naman ako nung isda.
Nang ihain ang food tray…
Ate Jane:
Ano itong maliliit na ‘to? (Yung butter at strawberry jam ang hawak niya)
P:
Yung blue po, mantikilya. Yung pula po, strawberry jam.
Ate Jane:
Ah, pa’no ito? Kakainin ko nang buo? (Sabay pasubo na)
P:
AY WAG PO!!!
Ate Jane:
(Tinignan ako nang blanko)
P:
Ipapalaman niyo po yan sa tinapay, ate!
Natawa na lang kami pareho.
Nahihiya siguro siya kausapin yung mga flight attendant na ang tatangos ng ilong. Kahit ako na-insecure e. So lahat ng gusto niya sabihin, sa’kin binubulong at ako taga-sabi. Patay tayo dyan! Baka di pa lumalapag ang eroplano sa Milan, paubos na ang baon kong English.
Karakter si Ate Jane. Kahit ginawa niya akong interpreter/yaya sa aming biyahe, I’m glad to have met her.
P:
Ate, dito na po tayo sa Abu Dhabi.
CONGGGGGRRRRRATULATIONS! You made it! 😉
At sa lahat ng mga Filipino OFWs, di matutumbasan ang pagsasakripisyo niyo para sa inyong mga mahal sa buhay. Understatement na tawagin kayong mga BAGONG BAYANI!!!
Bait mo talaga P! Buti ikaw nakatabi ni ate Jane! Enjoy sa trip!
Hello P. Love na love na kita.
Follower ako ng blog nyo at salamat sa papuri sa aming mga OFW
Aww! This is so touching! Enjoy your trip P! Post more photos soon! 🙂
Awww, P. Winner ang post. Lab ka na ng mga TFC subscribers niyan ‘pag nabasa nila ito. Parang saging lang ang post na ito — may puso. (Corny ba? Sorry, last na hirit na yun! Hehe)
Yngatz *^_^*
nakikinita ko na pag ako sumakay ng eraplono.baka mala ATE JANE din ako…
Hi P! Eto na yata ang isa sa pinakapaborito kong post mo. Naalala ko nung first time ko din magtravel. Mag-isa lang din ako. Ayun panisan ng laway ang peg ko haha.
Naalala ko lang yung isang “socialite writer” si Malu Fernandez. Yung sobrang nilait ang mga OFW. Natuwa ako para kay Ate 🙂 At least, may katabi siyang kagaya mo. Ang hindi niya lang alam eh alam na ng bayan ang kalahati ng buhay nya, hahaha
Ingat at enjoy!
Mas ok sa kin yung mga ganyan, inaamin na first time and nagtatanung kaysa makaarte na alam na lahat and feeling traveller. Swerte niya ikaw ang katabi niya, e paano kung foreigner. =)