Sapagkat kasalukuyan nating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika, mamarapatin kong magbalik-tanaw sa isang masalimuot at di-malilimutan kong karanasan noong aking kabataan. (Para sa mga coño naming ka-soshal-an, kayo naman ang ma-NOSEBLEED IN REVERSE! Boom!)
Hindi niyo naitatanong, may ka-soshal-an kasi ang paaralan ko noon. Nasa loob ng isang very exclusive village. Puro anak-mayaman ang mga kaklase ko. Hatid-sundo ng mga driver at yaya kahit na sampung tumbling lang ang layo ng bahay nila mula sa eskwelahan. Habang ako, wala pang araw, kailangan nang maligo at magbihis dahil mahigit isang oras ang BIYAHE (oo, biyahe talaga) mula BaCav hanggang Alabang. Pagkatapos mag-abang ng service naming magpipinsan sa kanto, dun pa lang kami LULUWAS papuntang iskul. Ganyan ang routine namin araw-araw habang ang mga kaklase ko ay naghihilik pa ang mga tumbong dahil kayang-kaya nilang kumandirit papasok ng eskwela.
Pero may advantages din naman ang pagiging Kabitenya. Dahil nga karamihan sa mga kamag-aral ko noon ay soshal, Ingles ang pangunahin nilang lenggwahe. Malamang yun kasi ang salita nila sa bahay. Baka pati mga yaya at driver nila, sa English din sila kinakausap. E ako, para akong ginagalis pag napapa-English. Minsanan lang talaga. Pilit na pilit pa. Tagalog/Filipino talaga ang preferred language ko. Dyan ako bihasa. Dyan ako sanay. Dyan ako STAR tuwing Buwan ng Wika. Mapa-sabayang-pagbigkas, dula, tula o dramatic monologue, ako ang pambato ng klase namin. Hindi dahil mahusay ako, kundi dahil wala silang masyadong choice.
Pero sa dami ng karanasan ko tuwing Buwan ng Wika, isa ang talagang di ko malilimutan. Magpasahanggang-ngayon, ramdam ko pa rin ang poot at hinanakit ng aking kabataan.
Naaalala niyo siguro na tuwing Agosto, pagdadalhin kayo ng titser ng PAGKAING PILIPINOna siyang pagsasaluhan ng buong klase. Huhulaan ko ang madalas niyong dala …puto, kutsinta, lumpia, barbecue, (meron pa ngang donut e. Kahit hindi Pilipino, may mabitbit lang)…mga madadaling hagilapin at madadali ring kainin. Makes sense. Pero ibahin niyo ako. Ako at ang aking ulirang ina, si C. Pagkaing Pilipino ba kamo, SINIGANG NA BABOY ang dalhin mo! My gulaaaay! Tandang-tanda ko na madaling-araw pa lang, nagluto na siya ng isang kilong baboy. Nilagay sa lumang lata ng Selecta ice cream (‘yung gold pa ang kulay) at yun ang pinadala sa akin sa eskuwela. Nung pinalalabas na ng titser ang mga baon naming Filipino food, gusto kong lamunin ng lupa sa kahihiyan! Sa gitna ng karagatan ng puto at kutsinta, nangingibabaw ang golden cauldron of sinigang na baboy ko!

Don’t get me wrong. Bayani ang nanay ko. Mantakin mo, ang dali kayang bumili na lang ng kahit ano sa suking-suki naming karinderya pero nagtiyaga pa siya magluto. Minsan nga lang, medyo over-the-top.
“Tanga ka! Ang ganda-ganda kaya. Atsaka ang mahal-mahal ng bili ko dyan. Wala silang ganyan kaya tumigil ka.”
So dadating ako sa party sa may tabing-dagat, yun ang suot ko. Ang mga batang dadatnan ko, naka-maong, t-shirt, yung iba, di pa nga ata naligo. Habang ako, mukhang isang malaking red velvet cupcake sa gitna nila.
Bata 1: Wow, ang ganda. (Sabay-himas sa mala-carpet kong bestida dahil aliw na aliw sa pag-iiba ng kulay kapag hinahagod.)
Bata 2: HAPPY BIRTHDAY! (Sabay abot ng regalo dahil akala nila ako ang celebrant.)
Isa pa. Noong Grade 5 ako, sumali ako sa Dance Club sa school. Tuwang-tuwa ang mudra dahil mahilig din siya sumayaw.
P: Mommy, kailangan daw naming magsuot ng dancing attire.
Ang tinutukoy sa “dancing attire” ay jogging pants o shorts, shirt at rubber shoes. Pang-harabas kung baga. But no, not to Mother C! Ang pinasuot sa akin…BALLET OUTFIT! Kumpleto mula leotards, tights, ballet shoes at TUTU! Lahat kulay PINK! Anak ng &%$@!
P: Mommy, hindi naman ganito suot ng mga kaklase ko e. (Umiiyak na ‘ko nito. Panic mode na.)
Ayaw ko na alalahanin ang itsura ko nun sa Dance Club. Ayaw ko na alalahanin ang patagong hagikhikan ng mga kasamahan ko nun, teachers included. Haaay, ‘yan ang naging kabataan ko. Nakakahiya. Nakakatawa. Nagsisisi ba ako? HINDI! Dahil kung hindi over-the-top ang nanay ko, wala akong over-the-top na ikukuwento sa inyo ngayon. Kaya kay mudrabels, over-the-top din ang pagmamahal namin sa’yo. You made my childhood not only VERY memorable but also “kwento”-worthy.
Hahaha. Tawang tawa ako sa Sinigang na walang gumalaw kundi ikaw, Atty. P.!
Todo back read ako simula Wednesday. At promise na tatapusin ko lahat ng entries niyo po. Ang kukulit! Hehe
Great job po!
.
Nabasa namin lahat ng comments mo, friend! Natuwa naman kami at nag-eenjoy ka sa pagbabasa. Tenchu tenchu ha.
P.S. Iisip pa ko ng ibang “pinroject na project” post. Madami pa yan eh.
hahaha.. isa ito sa mga pinakanatawa akong entry. wala akong ginagawa sa jopisina kundi mag-readsung ng blogelya ‘nyo mga teh. winona ryder! super backread ang badidap. haha
Hahahaha! Nyora, salamat sa pagbabasa! 🙂
Hahahahaha! This made my day. Thanks Ms P.
super nkkrelate.dmi q tawa….cuz my mom s a dressmaker.ayun aq dn gnyn,pro infairness dressmaker n dn aq kya dmi qn naencounter gndyn.mother and daughter…heheh!
over the top kakatawanan =P thanks for sharing ms P! kakaaliw =)
mamamatay ako sa kakatawa sa post na ito!
Oh my gosh. Ganitong-ganito ang nararanasan ng anak ko ngayon. Wala sa vocabulary ko ang word na “simple” pag anak ko ang usapan. LOL!
i discovered this blog yesterday from kikayexchange. super love it! great job u guys! at mangiyak ngiyak ako sa kakatawa sa entry na to!!!
haha! Thank you 🙂
lol…reminds me of my mom na pinatahian ako nun ng peach na bestida na may polka dots at ruffles sa kwelyo. Match na match sa wide rim glasses ko, nagmukha akong Miss Tapia sa Iskul Bukol. Pinasuot sa akin sa family reunion. Ayun, until now may nagtatago pa ng picture namin nun (at pinost pa sa FB)…akala ko nasunog ko na lahat.
lol…love your childhood stories. Reminds me of my own mom.
Hahaha. Win si Mother Earth! 🙂
Hahaha. Win si Mother Earth! 🙂
“Wala silang ganyan kaya tumigil ka.” Benta talaga sumagot nanay mo!!! Hahahaha!
ang ganda….naka2iyak na nakakatawa…
Marami rin akong karanasan na over the top childhood… ngunit dahil ako’y hamak na lalaki lamang… nabawasan ang poot at sama ng loob ko dahil hindi ko kailangang magmukhang red velvet… iba ang version ko niyan…
Sang ayon ako sa mungkahi na dapat true to life pictures ang nakapost sa blog… hindi Googel… dahil plaigarism yan, Tita Sotto Buhain… 😀 😀 😀
-ArianFSC
Either polite lang sila nun…or takot na sila sakin. Pero bata pa ko nun e. Wala pa kong sungay. Haha! Either way, salamat sa suporta. You’re such a true pal! 😛
Btw I think I have a minute memory of you being overly dressed in dance class. Hahahah. And yes, hinde pa tayo friends nun. Pero popular Ka na! Nobody made fun of you wearing that naman ah! I think you pulled it off that time.
Just want to say that I appreciated sinigang more in college and med school. In fact it’s at the top of my favorite foods! We can still eat the sinigang today! 🙂 when was this btw? Up till high school?
hahaha..tawa to death ako dito. super relate ang kabataan ko and today as a mom. loving your bacab stories as i’m actually married to a clan fr bacoor.
🙂
feeling ko pag nagsuot ka ng velvet ngaun e mababalik mo sa uso un..haha
cge pa atty. camille paiyakin mo p ako sa katatawa!!! =))
-rons-
Bakit pictures from Google lang? Magpakita ka rin ng real life, over the top pictures mo!! Please 🙂