Posted on: 2 August 2012.
They say that marriage will change your life. Totoo yan! Marriage can change your life in ways that you can’t explain.
Marriage will even change your financial outlook in life. Bago ako ikasal, hindi ako marunong mag-ipon. Basta cute kahit walang kuwentang gamit binibili ko. Wala ako masyado savings. Malas lang ni Papa O dahil wala akong initial contribution sa conjugal partnership. Demanding pa ako sa mga dates. Kung ano gusto ko masusunod! Kung may craving, go lang ng go!
Bakit walang nagbigay ng memo na di na pala puwede ang ganung attitude pag-nagpakasal na?
Dapat humingi ako ng full disclosure kay Papa O before saying “I do”. Alam ko namang he is a minimalist (pinasoshal na kuripot). Sabi nga nila, “pati barya tinutupi” and Papa O is proud to be one! Di ko lang akalain na lelevel-up pa ang pagiging minimalist niya!
Case 1: Shoes
Gusto ni Papa O ng black formal shoes. Nag-mall kami at naghanap sa mga mamahaling stores. Gusto daw kasi niya magmukhang sosyal. So tumingin kami sa Tod’s and Boss at eto mga type niya:
At dahil namahalan siya, saan siya nag-end up?
Exhibit “A”
Bristol Marikina
Di ko sinasabing hindi maganda ang Bristol ha, matibay siya! Pero naman sino naman makakaisip bumili ng Marikina shoes after tumingin sa Tod’s and Boss?
Case 2: Golf Club
Nahiligan ni Papa O mag-golf. Nag-canvass siya ng golf clubs sa mall, golf shows, golf stores, etc. Until may nag-offer sa kanya ng golf pro ng golf club worth P500.00. Excited pa si Papa O at nagdriving range agad… and after one swing… PLOK!
Exhibit “B”
Case 3: Pabango
In 2008, bumili si Papa O ng Bvlgari. Ako nag-recommend dahil papang-papa ang dating. Tuwing nag-dedate kami, naka-Bvlgari siya… until kinasal kami! After nun, for special occasions nalang daw… kaya ngayong 2012, wala pang kalahati ang pabango!!
Exhibit “C”
Tingin ko ipapapamana pa niya yan pag magkaanak kami na lalake!
Case 4: Murse
Naisipan ni Papa O bumili ng waterproof murse. Di na daw kasya mga gamit niya sa bulsa niya. Again, naghanap kami sa malls. Nagustuhan niya ang Lacoste and Victorinox.
Di naman siya mahal masyado pero ang Papa O, umiral na naman ang minimalism… so anong binili niya?
Exhibit “D”
The ever dependable McJim Leather.
At nagreklamo pa siya na nagmahal na daw.
Case 5: Ang Mobile
Sad to say, naging victim din ang anak naming sa pagiging minimalist ni Papa O. Nag-shopping kami ng mobile. Again, inikot naming ang Greenbelt, Rustans at SM. Siyempre, sa SM kami nauwi (We love SM!). Pinagpilian namin ang mga ito:
(Chicco, Fisher Price and Mother Care)
Namahalan na naman si Mr. Minimalist. So bumili kami ng unbranded mobile. Super mura niya, less than P500. Excited pa ang Papa O umuwi at ipakita kay Baby A. At ano ang reaksyon ni junakers?
Exhibit “E”
Ayan! Manang-mana kay mommy!
But Papa O’s minimalism is fruit bearing (english ng “bumubunga naman ang pagiging kuripot”). I learned how to save and think about our future. It’s not only about me anymore. It’s about us and our baby. When you get married, you learn to be selfless… Actually, this is still a learning process for me… being selfless is difficult. Financial pa nga lang ang hirap na. There are still other aspects which I need to be selfless…
And even if mukhang nagrereklamo ako sa mga sinulat ko about Papa O’s minimalism… I actually find his kakuriputan amusing. Minsan lang nakakagigil but I know it’s for the good of our family, and I really love him very max! NAKS
(Note: Some of the pictures were taken from google images)
Karamihan “yata” ng lalaki, super generous lang pag nambobola, pag mag asawa na goodbye sa pampering, hello suffering 🙂 Auto convert sa minimalism 🙁 hayyyy pero Kung yung mga tinipid naman e para sa kinabukasan winner pa rin.
ang funny ni Addie! 🙂
Super relate, wala rin akong sense of direction sa pera pero yung asawa ko nafi-feature sa kung saan-saan dahil pati beinte singko sentimos at tigsisingko (yung may butas sa gitna) itinatabi pa.
may pabango rin siyang magfa-five years na, ni hindi naman niya binili hahahaha.
thank you for this post! super aliw!
Sorry uulitin ko lang comment ko sa fb. Expanded version nga lang.
Hello! kamusta naman! Kaka 18 years lang namin ngayong buwan na ito pero di ko alam na addiction pala ito na nakakalulong! At di na effective rehab kaya give up na ako! Hahaha!
At habang binabasa ko ito ng malakas katabi ko ang Papa M ko. Ang reaksyon nya, “aba! bakit parang relate na relate ka dyan?!” Nyak! Nagtaka pa talaga? Pero parang tawang tawa din sya, na pinagtatawan nya sarili nya! Hahaha!
Kaya nga ba ini-enjoy ko pa pagiging single eh kasi lahat ng gastos eh para lang sa sarili ko hahaha… Malamang maging minimalist na din ako pag mag-asawa, unlesss… mayaman at generous ang mapangasawa. Natawa naman ako sa reaction ng anak mo hahaha…
Waah, guilty ata ako. Kasi samin naman, ako ang kuripot. Ako ang tumitipid sa lahat. hahahah. Fan ako ni Bristol at McJim. Oh noes, luging lugi ata sakin ang asawa ko. Hahah 🙂
Hahahahahahaha :)) Natawa ako sa reaction ni addie!!! :))
Exag pala si Papa O. Pero sa palagay ko, hindi minimalist ang pagbili ng mura na hindi reliable, in the end kelangan mong bumili ng madami. Ang mantra ata ng isang minimalist: buy few items of good quality. Ang frugal naman, buy cheap. At si Papa O ay frugal. Hahaha. Pero ang mga tulad nya, rare. 😀
Cheapipay = Papa O hahaha! -D
nako mas malala pa nga ata! sige balitaan mo ako ng benefits nyan at baka magpatiwakal ang lola pag ganyan ang usapan. lol
D u have to teach me how you are doing it mukhang kalahi nitong si O tong lalake ko. Lol
Bwahahaha! Talaga? Parang wala naman sa itsura niya 🙂 next post ko is about benefits of minimalism hahaha!
Haha, thanks 🙂 For some reason, nakita din to ng McJim leather! They shared it sa Facebook Page nila! Nakakahiya na nakakatawa!
https://www.facebook.com/McJimLeather?ref=ts&fref=ts
so funny!!! 🙂 cute ni junakers! 🙂 ngayon lang ako napadpad dito. nagbabackread ako ng mga posts mo. hehe
ang funny nito!!!
lalu na ung reaction ni junakers! wagi!
legallymama, thanks for the feedback! actually, naisip ko din yung sa font. Technology dummies kami so pag-aaralan ko kung paano baguhin ang font hehe 🙂
Im a new reader/follower. Sobrang funny mo, I love you!!!! Hahahaha. Mejo masakit nga lang sa ulo basahin ang font ng comments (please hindi ako atribida, wag ka mainis 🙂 But seriously, the content of your blog, WAGI!
Napahalakhalak ako (silently as I am alone in Buzzy Bees). Panalo si McJim!
Wag ka mag-alala inaanak… babawi din si Papa O… ako bahala pilitin sha pagawan ka ng couture na prom dress — or if you want for your 7th bday pa lang naka Carey Santiago ka na (dahil sa dami nang masesave up nya ngayon, pwede yan mangyari…)
I gave C Issey Miyaki na perfume noong law school. I saved up on allowance and was soo happy when i gave it to him — that was about 7 years ago. He still has it. Halos walang nabawas. Buti na lang talaga gusto ko SA* nya.
*SA = Sariling Amoy
Hahahaha. Love it! And I can totally relate! 🙂 Goodbye parlor and spa trips!
You are so funny!
haha! Grabe, tuwing ginagamit niya yun, as in 1 spray lang, puwede na daw yun hahaha!
Tuwang-tuwa ako sa post na ‘to!!! Especially yung pabangong bulgari na ipapamana nya sa magiging anak nyong lalake hahaha!!! =D