Originally published on September 20, 2012
It was a Thursday. After 2 weeks na naudlot ang official “first date”, finally dizizit! Suot ang new dress na hand-picked ni Mother Earth the day before, dumaan muna ako sa harap ng Mann Hann, MOA to scout kung ano itsura ng blind date ko. For the record, hindi ako ang pumili ng resto ha! And I refuse to believe na pang-Mann Hann lang ang ganda ko. Pero sige, pwede na rin. At least hindi ako pipila sa counter at may waiter na lalapit sakin.
Picture pa lang kasi nung lalaki, na itago na lang natin sa pangalang “Bogart”, ang nakita ko sa Google. Mukhang matino naman kaso naka-shades. So pumasada ako ng tingin sa bintana ng Mann Hann. Sa buong restaurant, isang lalaki lang ang nakita kong mag-isa sa table. TANDERS!!! Nakasalamin at ibang-iba sa hulma ng pagmumukha nung lalaking nakita ko sa picture.
Kumaripas ako ng takbo sa pinakamalapit na C.R. para tawagan ang kaibigan ko. Sa loob ng cubicle, habang background ang flush ng mga toilet, binuhos ko sa kaibigan ko ang kaba kung sakaling yun nga yung lalaking makakadaupang-palad ko sa gabing yun. Utang na loob! So tinext ko na yung “Bogart” to ask kung nasa Mann Hann na siya. Hindi sumasagot ang hinayupak. After 2 minutes ng palpitation, di ko na natiis. Tinawagan ko na. Andun na raw siya sa loob. May kabilang part pa pala ang Mann Hann na nahaharangan ng wood panels. So nagkita na kami…
First thought that entered my mind…”Anak ng tinokwa’t baboy, sayang dress ko.” Alam ko ang tatanungin niyo, “ano itsura???” Ang masasabi ko lang, there is a very good reason kung bakit siya naka-shades sa picture. Hindi dahil sa kirat o bulag siya. Hindi rin dahil nagt-twitch ang mata niya. Naka-shades siya dahil…
Gusto ko sumigaw ng “Tarsier in the house!!!”
Maayos naman sana ang porma. Mukhang naghanda ang lolo mo. Naka-long sleeves na maganda naman ang tela. Naka-roll ang sleeves para kunwari pa-casual ang dating. Pero…
Alam ko iniisip niyo, “Sobra ka naman manlait, P! Baka ok naman ang personality. Baka funny or witty enough to compensate for the looks, or the lack thereof.” Ang sagot ko sa inyo, “I wish!”
Hindi siya ma-kwento. Pag nagtanong ako, sasagot lang siya. Mahaba na ang 1-2 sentences. Ano ‘to, cross-examination?! Kahit leading na ang questions ko, ganun pa rin e. So what’s a girl to do? Inaliw ko na lang ang sarili ko. Ako na ang nagkuwento, ako na rin ang natuwa sa sarili kong kuwento. Keber na kung isipin niyang sobra kong tabil noh. Hindi na ko magpapa-cute. Sayang lang ang effort.
Ang weird pa, pag may shine-share ako about me, kakaiba ang reaction ng lolo.
Nung sinabi kong mahilig ako manood ng TV, tumingin siya sa langit, pumikit pikit na parang nananalangin, at nagsabing, “Grabe, bagay na bagay pala tayo.”
Nung napakuwento akong gusto rin nina Mother at Father mag-Euro tour tulad niya, “Ganuna ba, pwedeng ako na ang magbuhat ng mga maleta nila. Dapat pala ligawan ko rin ang Mommy mo.”
Nung napunta sa usapang cooking at nakuwento kong marunong ako magluto kahit papaano, “Napakaswerte ko naman pala kung sakali.”
UTANG NA LOOB!!!! Pwe pwe pwe! Haching! Newsflash, first date ito! Hindi pamamanhikan!
Inaamin ko naman, kung type ko yung lalaki at hiniritan ako ng mga ganung tirada, baka kinilig pa ‘ko. Pero dahil…alam niyo na…di ako natuwa.
Nang pumatak ang alas-9, uwian time na. Thank you Lord! Hinatid na ako sa parking. Pasakay na ko sa koche. Humirit pa ang tarsier, este ang lolo, “Uuwi ka na ba?” MALAMANG!!! Saan pa ko pupunta?! Ihahatid mo ko sa parking tapos tatanungin mo kung uuwi na ko?! Hindi, tatalon ako sa Manila Bay at magpapalamon sa mga alon habang tinatanong si Lord kung bakit?! Bakeeeeeeet?!!!!!
Pag-uwi ko ng bahay, nakaantabay na ang mahal kong ina.
Ina: Kamusta, natuloy ba?
Ako: Sana hindi na lang.
Mommy, Ate, Nene: Bwahahahahaha!!!
Ang Daddy, lumabas ng kwarto.
Ama: Kamusta anak?
Ako: Negative, daddy.
Malungkot ang daddy na tumalikod papasok ulit ng kwarto.
Ako: Daddy, may isa pa naman akong blind date bukas e!
Ama: Oo nga anak, last chance mo na yun.
Laugh trip!!! Natawa ako dun sa tarsier! Pero in fairness may gwapong tarsier – si Bamboo. =D
Pwede…ang tanong, may kakasya kayang shades na matatakpan ang surface area ng mata niya? Magpapasadya pa ko! 😛
Hahahaha! Pagsuotin mo na lang ng shades palagi Atty. P! 🙂
nagulat ang jowa ko lakas nang pagtawa ko
Hahahaha! Sooo funny! Tarsier tarsier! Can totally relate!
laugh trip. 🙂
Nagising ang anak ko sa pagkakatulog sa sobrang tawa ko. Hahaha. Sorry, pero talagang funny. Wagas kung wagas. Simula ngayon, pag nakakita ako ng Tarsier isa lng ang maalala ko. 🙂
Hahaha hagalpak ako sa kakatawa sa post na Ito….magpapalamon sa alon ng manila bay! Bwahahaha! Galing mo P! Ikaw na…ikaw na ang paborito kong blogger.. Laging comedy ang peg…nakakaalis ng stress. More more! 🙂
Ohmygosh! pigil na pigil ang tawa ko kasi andito ako sa office habang binabasa ang blogpost na ito. Kalurkey! Tarsier LOL!