Hindi ko naman ever ginusto mag-gym, for real. Kase, dati, I’ve always been of the philosophy that fitness does not have to come with a price. It’s about discipline, hard work, and living an over-all balanced lifestyle where activity, pleasure, and health find their place in daily living. Basically, everything just falls into place as a consequence of mere existence and nature’s blessing of a speedy metabolism.
Echos lang pala, bad trip.
Kase kuripot ako kaya ako mag-gym. Kung gusto kong pumayat eh di huwag na lang akong kumain. Naka-tipid na nga ako sa fees sa gym, nakatipid pa ako sa pagkain. Tapos yun, di pa ako nahihiyang pitchuran.
Dati kase, kahit ilang beer inumin ko, kering keri pa. Super yabang pa ako, na to prove my point, sabi ko sa mga kaibigan ko one time nung lasing na ako sa Eastwood, “Ito ba ang tiyan ng puro Red Horse lang ang iniinom?”
But that was then.
Then. As in the past. As in lumipas na. Hindi na ngayon. Dati. Dati. DATI!!!!!!!
Fastforward three years later at nakita ko ang picture ko nung nasa beach ako. Pakshet na malagket. Di ko nakilala sarili ko. Outside I was happy and confident, pero deep inside, I was crying out loud “Koyyaaaa, mag-lakad lakad ka naman ng kaunti!”
So maliban sa mga chicharon, sisig, at menu ng Kanin Club, at that point, kinain ko na rin mga sinabi ko. At that point naisip ko na lang “Let’s go to the gym, gym, let’s go get away!”
Nag-enroll ako somewhere malapit lang sa office, dito rin sa Makati. Mura na, may libre pa raw na diamond peel and facial. (Sorry naman, masama raw balat ng mga tao sa gym.)
Nung unang workout session, inisip ko pa, ano bang tamang isuot? Mga tight and showy clothes ba? Pero naisip ko, wait lang, kaya nga ako nasa gym kase di pa ako makapag-tight and showy clothes. Ayun, hinanap ko yung malaki kong jersey shirt and shorts. Mukha akong batang yagit.
Upon entering, I first noticed, and this is true, “Nge, amoy pawis.” Di ko alam at parang I was expecting na dapat mabango. In retrospect, walang kuwenta yung source of surprise ko.
Considering na first time ko ever, may trainor naman na nag-assist sa akin, kase baka mamaya mag-prance around lang ako like some ignorant kid at makasira pa ako ng equipment. Besides, libre pa yung trainor haha. Basically, iniwan niya lang ako sa treadmill ng thirty minutes. Bilang wala kang masyadong puwedeng source of amusement, eh siyempre, pinansin ko na lang ang mga tao sa gym.
After thirty minutes, na-categorize ko na sila, using vapid, non-technical designations, of course:
1. Serious gym people.
Sila yung OA na yung batak ng katawan, as in OA. Yung mga girls mukhang ready na for a bikini, yung mga guys puwede nang venue ng bikini contest. Masel kung masel! I never realized na may mga taong super into it na career na talaga ang pag-gym. As in they give in to no distractions, at sumisigaw sigaw pa dahil sa weights. (Huh! Hah! Ahuhuh! Etc.) Super intense! Plus they drink like steroids in bottles, or at least I overhear them talking about which drinks will make them big, parang “Gatas ayaw niyo?!” So serious it’s creeping me out.
2. Trophy wives.
Ang next set of species ay itong mga babae na hindi naman super fit, pero di rin naman flabby ang katawan. Pero ang ayos ng suot, as in mukhang Juicy Couture na mga jogging pants, may mga bandana pa, tapos tight ang shirt (or sports bra for the more daring pnes), pero medyo older ladies na sila. Keri lang naman for me, no judgment at all. They spend their time leisurely, wala namang strict regimen or program na ginagawa. Pero come on, perfect nila lahat ng sayaw sa aerobics. Like the serious gym people, medyo matagal rin sila sa gym.
3. Prowling boys and girls and everything in between.
Syempre, iba iba naman ang pakay ng mga tao sa gym. May mga gustong magkaroon ng magandang katawan, may mga iba namang mahilig sa magandank katawan. To be fair, sa tinagal-tagal siguro ng pagmamasid nila at sa kakahang-out nila, nakapag workout na rin sila at maayos na ang katawan nila. Yun lang ang obvious, kase yung iba hindi na nagkukuwaring mag work out. As in nakatayo lang dun. Daig pa yata nila mga trainors sa pag check out ng mga tao. I mean okay lang kase I guess harmless, ayoko lang ng mga nakaharang sa daan na wala namang ginagawa. Hassle kase, diba? Yung mga cougar naman, nakakaaliw lang; actually, nakakainspire! Kung kaya nila, dapat kaya ko rin!
4. The big boys and girls.
Like in all honesty, I’m actually inspired by people on the plus plus plus side na nasa gym kase if the whole working out is hard for me, I can only imagine the tremendous weight on their shoulders (and hips and thighs, etc.). Okay ang mean ng joke, pero for real, ang hirap siguro na mag work out kung mabigat pa talaga. While I personally think na they should start out swimming muna (for low impact, yeeees, kunwari may alam daw ako, puro echos lang naman), nakaka-bilib rin na kinakaya nila (and so far ha, gora pa rin sila sa work out!) ang strenuous, high-impact, and of course, judgmental atmosphere ng gym.
5. Mga taong busy sa work or kung ano man na at some point in their lives ay nag-gain ng weight at ngayon ay gustong i-recover ang hotness nila.
Majority, if not most, of the people I’ve noticed sa gym belong to this group, myself included (yes, recover ang hotness, haha!). Ito yung mga “nawalan ng oras for themselves” because of work, family, or some other endeavor, na in fact ay hindi naman talaga nawalan ng oras. Na-stress lang siguro ng kaunti at napakain ng marami, at yun, naaliw sa pagkain eh hindi naman gumagalaw-galaw. Sa gym, ang mga taong ito ay serious, dedicated na matuto at the best way to regain fitness, at kahit hinihinga-hingal na eh go pa rin ng go, ma-accomplish lang ang goal! I guess that’s one way of knowing na they keep nine to five or whatever jobs, kase they waste no time and intense ang focus nila on working out because of the goal they’ve set for themselves.
More or less, ganyan na ang mga taong madadatnan mo sa gym. Ewan ko lang sa ibang gym ah, baka may mga kung anu-ano pa, pero as far as the gym I go to is concerned, this is a fairly representatvie sample. Once in a while may mga matataray na gymgoers na mukhang giyegiyerahin ang mga tao for whatever reason, may mga machine hoarders, may mga unusually happy aerobics people, may mga mukhang lost, and so on. Diverse rin naman, pero medyo outliers na ang mga ito. The existence of these people I guess you will realize once youve gone to the gym long enough. Hence, I have been to the gym long enough, so I now look like the Hulk. Or She-Hulk. Or He-She-Hulk. Joke! Malayo pa ako dun, baka even now mas lean and masmaganda pa muscles ng little toe ni the Hulk compared to the whole of me (drama, ang arte!).
After a while, nawili rin naman na ako sa gym, especially nung nakikita ko na ang pag-usbong ng muscle cuts (at hindi cold cuts, naks naman!). Yung sa akin siyempre, although it won’t hurt kung okay rin yung sa iba, haha! Pero no, bawal maglandi sa gym, kahit ano pang sabihin ng kuyang naglalakad sa locker room in his underwear for an abnormally long time! Hello?! Busy mga tao, ano ba. Except siguro pag super hot like this one time meron yung mukhang model na ang tangkad tapos sakto kang yung sa likod niya kase maganda yung volume ng — hair niya.
We all want to be fit, maybe to please others, pero I think lang ha, masmaganda kung ang motivation mo ay just really to improve your body, on your own terms, and according to your own needs. Huwag nang magpa-pressure!
In the end, kahit ano pang sabihin nila, LAHAT TAYO MAGANDA!
(Mas-seksi lang yung iba.)
And now I can say, I have been devirgymized.
(Photos from google images)
Award! For the longest time naniniwala ako na makukuha sa jogging ang baby fats ko haha Pero hindi, kelangan ko na din magpa-devirgymized.
Yun lang medyo badtrip ako sa gym na kung maka-hard sell naman ng services. Gusto ko lang po pumayat period ayoko po pumayat sa pagkakautang 😉
Amen to that Dew! Kelangan ko ng sobrang tinding motivation to get that body back. Hahah! Anyway, highway.. I need to be de-virgymized soon! (Hi Emil! Nice post! Cool *wink*)
Ako rin, for the longest time, naniwala sa fairy tales–na papayat lang ako basta. It happened when I was in college. For some reason, my baby fats went kaput. Thought it would happen again after I have given birth but until now wala pa si fairy godmother. Kelangan na talagang mag-gym 🙁
I have been de-virgym-ized pero I don’t like the feeling. Hehe.
Kaya pa yan!!! Ang lakas ko mag-motivate kala mo naman pumayat na after giving birth! Pero habang may buhay, may pag-asa! Achieve!!! 🙂
Haha! Thank you. I know you feel me. 🙂