Originally posted on August 17, 2012
The Soshal Solution Series:
In this series, we will provide solutions to the most common problems. Results are not 100% guaranteed. All solutions provided herein are merely recommendatory. Please be guided accordingly.
Kahit gaano ka ka-soshal, sure ako na nangati na ang kilikili mo in public. Wag mag-deny, unless puro kalyo ang kili kili mo. So, ano ang gagawin mo sa panahong ito?
SOLUTION 1: RESBAK
Umupo sa isang chair na may backrest
Humarap sa iyong katabi at ipatong and siko sa backrest
Pasimpleng ilaglag ang braso, i-swing ito at sabayan ng kuwento
S0lution 2: The Chilling Effect
Magreklamo ka na giniginaw ka
Cross your arms at itago ang thumb sa ilalim ng kilikili
Gamitin ang thumb sa pagkamot sabay ng pagshake ng shoulders ng parang nilalamig lang
Solution 3: The Notebook
Kung may spiral notebook kang dala, lucky you
Ipitin ang notebook sa kilikili (spiral wire facing up)
Hilain ang notebook habang nakaipit ito for more satisfaction
S0lution 4: Message in a Bottle
Mag-order ng inuming na sa bote
Magpanggap na di mo ito mabuksan
Ipitin ang bote sa kilikili at ikutin ang cap
Ikutin ang bote for more satisfaction
S0lution 5: Land Before Time
Magpanggap na lasing or super saya
Umakbay sa dalawa mong katabi at idikit ang kilikili
Magsway sabay ikiskis ang kilikili sa balikat
ng mga katabi at kumanta ng “if we hold on together….”
Proper timing at pag-arte ang kailangan. Kung mabuko man, walang aminan!
mas ayus kung malamig ang bote lol
Hahahahaha 😀
hilarious! 😉
puede palang gawing subtle ang pagkamot…
pagdududahan ko na ngayon ang mga umaakbay sakin!!
Hahahahaha!
ang galing ng model nyo! =P