• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar

The Soshal Network

  • Home
  • Meet the TSN Girls
  • Recent Posts
  • Show Search
Hide Search

Negamom and Negadad

Domesticated · Jul 11, 2013 · 16 Comments

Kung ang mudra ni P ay over-the-top, ang mga magulang ko naman ay mga “nega”.  Simula nung bata pa ako, feel na feel ko na ang pagka-bilib sa akin ng mga magulang ko. Para sa kanila, ako ang pinakamaganda at matalinong nilalang sa balat ng lupa.

 

Grade School

 

(Naka-cast ang kanang braso ko dahil nabalian ako) 

 

Nega1

 

D:                   Mommy, pinapasali ako ng adviser ko sa singing contest.

Negamom:     Ha? Narinig ka na ba ng teacher mong kumanta?

D:                   Oo kaya nga ako pinasali eh.

Negamom:     Tancha ko hindi anak. Naka-cast ka kasi.

                       Kantahin mo yung “Di kita malilimutan”

                        para mas nakakaawa dating mo.

 

I love you, mommy

 

———————–

  

(Uso ang one-length hairstyle)

 

nega2

 

D:                   Mommy, puwede mo ipa-one length buhok ko?

Negamom:      Ha? Hindi puwede.

                       Ang lapad lapad ng noo mo parang landingan ng eroplano.

                       Tara, punta tayo parlor at papatakpan natin yang noo mo)

 

Solution ni mommy, pinashaggy ang bangs ko. I love you again, mommy

 

 ———————–

 

High School

 

D:                         Mommy, pinapasali ako sa pageant sa school.

 

 nega6

Negamom:          Ha? bakit? Di ka naman kagandahan

 

Anak mo ba talaga ako, mommy?

 

———————————

 

(Nung Third Year High School ako, jubis ako, mga 150 lbs. Isang araw, hinatid ako ni Negamom sa bahay ni Mommy Fleur for a sleepover. Pag-dating namin condo, pumunta si mother sa room ni Fleur at tiningnan ang kama. ) 

 

 nega3

 

 

Negamom:      Fleur, sigurado ka bang okay lang matulog dito anak ko?

Fleur:             Oo naman, Tita. Bakit naman hindi.

Negamom:     Sa laki ng anak ko, di ata siya kasya sa higaan mo.

 

May pagmamahal ka pa ba sakin, mommy?

———————————————–

 

[After college graduation]

 

D:                    Daddy, magtratrabaho na ako, san kaya okay mag-apply?

Negadad:        Bakit ka magtratrabaho? Eh wala ka ngang alam!

  

nega5

 

 

Daddy, nakapag-graduate na po ako…bagay talaga kayo ni mommy.

 

 ———————————————–

Law School

 

[Mejo mataas ang grades ko nung law school kaya nung graduation, umakyat parents ko sa stage habang sinabitan ako ng medal. Di ata nila alam kung bakit sila umakyat kasi nung lumabas ang results ng bar …]

 

Negadad:            [kausap ang friend ko]

                          Jemma, di ako makapinawalang nakapasa anak ko sa bar.

                          Ninerbyos ako… siguro kilala niya yung examiner.

 

Jemma:            Bakit ka ninerbyos Tito, eh di ba may award naman si D nung nag-graduate.

 

Negadad:         Ha, may award si D?

 

[pag-uwi sa bahay]

Negadad:       Anak, may award ka nung graduation? Bakit di mo sakin sinabi?

Me:                 Opo, umakyat pa nga kayo ni Mommy sa stage.

[Dating si Mommy at narinig kaming nag-uusap…]

Negamom:   Ha?? May award ka ba nun? Congrats anak!! 

 nega4

Hay, bakit kaya siya umakyat ngstage? Di kaya sila nagtaka nung panahong yun?

 

———————————————–

Ngayong na-realize na nila na may ibubuga naman pala ako kahit papaano, ganito na sila pagpinapakilala ako sa mga kaibigan nila:

 

Negadad:         Oy, eto pala anak kong abogada.

                        Pare, eto yung sinasabi kong anak kong nakapasa sa bar.

                        Papakilalala ko sa ‘yo anak kong attorney.

 

Ang mommy naman, hindi masyadong nagpapakilala, pero nagpagawa siya ng sign para sa bahay nya sa probinsya ng “ATTY. D” at bumili ng frame na may…

 

nega10

 

Patay!

 ———————————————-

So ang ending, proud naman sakin sina mommy at daddy dahil:
1. Di nila akalaing papasa ako ng abogasya…
2. Kahit di ako talented…
3. Kahit di ako sexy…
4. At kahit di ako maganda.

Wow, thank you.

Love you, Daddy and Mommy…. Kahit nega kayo 😆

 

(Pics from google)

Related Posts

  • Parenting 101Parenting 101
  • What I miss most about living with my parentsWhat I miss most about living with my parents
  • Love Life PredictionLove Life Prediction
  • Lightnings and Yellow RosesLightnings and Yellow Roses
  • Cotillon de HonorCotillon de Honor
  • ClingyClingy

Domesticated childhood, parents

Comments

  1. yabbss says

    July 17, 2013 at 11:48 pm

    Mommy ko nga naka graduate na ako at lahat hindi parin alam kung ano course ko eh. (-_-)

    Reply
    • Domesticated says

      July 18, 2013 at 6:59 am

      bwahahahaha! Di kaya magkamaganak magulang natin?!?! 😉

      Reply
  2. yabbss says

    July 17, 2013 at 5:51 pm

    Ang sweet naman nung last part :’)

    Reply
    • Domesticated says

      July 18, 2013 at 6:59 am

      sweet naman pero mas nakakahiya hahaha! 🙂

      Reply
  3. Krisna says

    July 12, 2013 at 6:09 pm

    Pwede magpa-meet and greet sina Negamom and Negadad? 😀

    Reply
    • Domesticated says

      July 18, 2013 at 6:58 am

      huwag! baka i-nega ka at mahiya ako ng todo hahaha!

      Reply
  4. Sha says

    July 11, 2013 at 11:35 am

    Ang bongga naman pala ng achievements mo, D! Ikaw na talaga! Ganyan ganyan lang ang mga magulang mo pero deep inside of them super proud na proud yan sau! 🙂

    Reply
    • Domesticated says

      July 11, 2013 at 12:15 pm

      bwahahaha! eh kung sabihan ka na di ka maganda ng nanay mo?! hahaha!

      Reply
  5. B of Houston says

    July 11, 2013 at 10:19 am

    Kaaliw! Our mother talaga can be our best and worst critic 🙂

    Reply
    • Domesticated says

      July 11, 2013 at 12:15 pm

      True yan B!

      Reply
  6. The Soshal Network says

    September 24, 2012 at 6:10 am

    Thanks for the comments! 🙂

    Legallymama, pati kami masisibak na sa trabaho sa kakablog haha!

    Reply
  7. legallymama says

    September 24, 2012 at 5:51 am

    This blog is my latest addiction. Shet. Pwede bang walang nagawang billables sa client for a day?! Sarap basahin ng blog nyo 🙂

    Reply
  8. Jen says

    September 21, 2012 at 5:56 am

    negastars! si Baby A naman ang next victim ng negalola and negalolo!

    Reply
  9. Em says

    September 14, 2012 at 9:34 am

    Haha! Ang benta ng mga kwento pati si hubby natatawa 🙂

    Reply
  10. PEACHY says

    September 13, 2012 at 1:54 pm

    Proud parents sila, lalo na noong nasa law school ka, di lang obvious…;)

    Reply

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published.

’Di bale nang mahina ang network connection, basta strong ang soshal network mo. Climb pa more! Isipin mo na lang na ang soshal na may tiyaga, may nilaga for lunch sa bahay ng mga friendship niyang soshal.

We are lawyers, Titas and your favorite soshaleras!

LET’S GET SOSHAL

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Categories

Subscribe to our YouTube Channel!

Notice

ALL RIGHTS RESERVED.
Unless otherwise stated, all pictures and texts used in this site are the property of The Soshal Network.
 
For features and events, please email [email protected] For other concerns, please email [email protected]

TSN on Facebook

How to Make Your Photos More Soshal

TOP 5 TIPS

NEXT 5 TIPS

PAA EDITION

TALIKOD TECHNIQUE

FOLLOW ALONG @THESOSHALNETRWORK

This error message is only visible to WordPress admins
Error: No users set.
  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Copyright © 2021 · SITE DESIGN BY FANCY GIRL DESIGN STUDIO

Copyright © 2021 · Soshal Network 3.0 on Genesis Framework · WordPress · Log in