• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar

The Soshal Network

  • Home
  • Meet the TSN Girls
  • Recent Posts
  • Show Search
Hide Search

Batang O.A.

Domesticated · Jul 13, 2013 · 11 Comments

 

Dating kawal ang tatay ko kaya tumira kami sa kampo for almost 25 years. Kahit na malayo na kami nakita, nagkikita pa rin kami ng mga childhood friends ko. Lahat na kami may mga anak at may kulubot na sa mukha pero we still try to find time to see each other. 

 pilay1

 

Uso pa sa amin noon ang paglalaro sa kalsada ng patintero, piko, langit at lupa, etc. Naalala niyo pa ba yun? If sossy kayo, cops and robbers! Walang gate ang mga bahay sa neighborhood so after ng garahe kalsada na. 

Isang hapon, sa garahe ng pamilya M kami nakatambay. Yung garahe nila may ramp na parang ganito.  

 pilay2

 

Ten years old ako nun.

Ewan ko ba kung bakit pero binato ko ng tennis ball si Kuya J habang kumakain siya ng pancit. Ginantihan niya ako at nung babatuhin na niya ako ng bola, tumakbo ako paatras. Hindi ko alam na may aso sa likod ko, kaya natapilok ako, napahiga at gumulong pababa ng rampa hanggang umabot sa kalsada.

 Boom ang saya! Nakakahiya! 

Tawa pa ako ng tawa habang tumatayo. Pero pag-harap ko sa garahe, wala na mga kalaro ko. Nagtakbuhan at nagsisigaw. Siyempre, takang-taka ako. Hanggang sa nakita ko ang kanang braso ko na sobrang baliko at may dugo. 

pilay3

And so, naiwan ako mag-isa sa kalsada at ako’y umiyak. Hindi masakit, natakot lang ako. 

Biglang lumabas and kapitbahay naming General. Binuhat ako at dinala sa Makati Med… at dito na nagsimula ang drama. 

Sinakay ako sa koche ni General. Humahagulgol ako at sabay sigaw ng…

 

AYOKO MAMATAY!

AYOKO MAMATAY!

 

Natawa si General at sabi, “di ka mamatay iha, pilay lang yan.”

Pero di ako nakinig.

AYOKO MAMATAY!

AYOKO MAMATAY!

Paulit-ulit kong sinasabi habang papunta sa hospital.

Biglang nag-stop ang sasakyan sa EDSA-Ayala. Red light kasi. Ang madramang bata nag-reklamo…

Bakit tayo huminto? Mamatay na ako!

 

O.A.?!?!?

Pagdating sa Makati Med, nilagay ako sa stretcher at dinala sa ER.

 pilay4

Habang dinadala ako sa E.R., dumating ang doctor at mommy ko. 

Doctor:    Iha, are you okay? Masakit ba?

D:               Doc, I don’t want to die!

Nag-english bigla?

Sa E.R., nilagyan ng wood plank and bandage ang braso ko. Sabi ng doc, kelangan ako i-xray. Habang kinukuha ang X-ray Machine…

Mommy:    Wow, anak! Nag-English ka! 

D:                 Kasi sabi mo pagkinausap ako ng English,  

                     di ba dapat English din sagot ko?

To cut the story short, inoperahan ako sa Makati Med pero hindi daw maayos kaya nilipat ako sa Orthopedic Center.  Nilagyan ng bakal yung loob braso ko. 

A week after I was discharged sa hospital. Dumalaw si General sa bahay. Si Daddy nakauwi na galing area of assignment. Nagpasalamat kami ni Mommy kay General. Pero si Daddy…

 

Anakngteteng!!!!

Bakit naman sa Makati Med mo pa dinala anak ko?

Dapat sa Army Hospital nalang para libre!

 

 

Pak, tipirin ba ang anak?!

So, ano ba ang natutunan ko sa experience na ito?

 

Hindi aware ang mga bata sa principle ng WALANG IWANAN!

Sumunod sa magulang at mag-English kung kinakailangan.

Huwag pag-panooring ng telenobela ang bata.

Ang pilay sa braso ay hindi nakakamatay!

 

(photos from google)

 

Related Posts

  • Bully | Part 2Bully | Part 2
  • Parenting 101Parenting 101
  • Asar-TaloAsar-Talo
  • Mommy FleurMommy Fleur
  • Love NotesLove Notes
  • Apple Cut Part IIApple Cut Part II

Domesticated childhood, friendship, memories

Comments

  1. yabbss says

    July 17, 2013 at 11:48 pm

    Mommy ko nga naka graduate na ako at lahat hindi parin alam kung ano course ko eh. (-_-)

    Reply
  2. Kuya J says

    July 16, 2013 at 11:41 am

    ako po ang matagal ng pinaghahanap ng batas…nasa akin pa po ang “weapon” na tennis ball…sobrang guilty ako sa nangyari kahit na dahil sa keenengan ni Ms D kaya sya napatid paatras and nabalian ng braso.. 🙂 …ang accomplice kong aso na si Bruno ay matagal ng namayapa at nakahingi na sya ng tawad sa pangyayari..

    di ka namin iniwan..naghanap kami ng tutulong…puro tayo bata sa kalsada nun..at ang kaisa-isang adult na nakita namin as si General V…with his ever present San Mig Pale pilsen on hand

    teka..naglagay pa ba kami ng kandila kung san ka napatid….hehe di ko na matandaan…alam ko pag namatay lang yun nilalagyan ng kandila yung lugar ng accidente…

    buti na lang lagpas na sa “prescribe period” para ma file ang kaso laban sa akin…hahahaha…lalo na ngayon..na yungdi namin inaakalang aanga-anga noon ay magiging isang magaling at matalinong Atty…come to think of it..baka dapat kang magpasalamat sa akin kasi from that point on…naalog yung utak mo at nare-arrange..at dun ka tumalino 😀

    Reply
    • Domesticated says

      July 16, 2013 at 12:43 pm

      bwahahahaha!!! Eto na!!! Umamin na ang salarin at last! Di pa rin siya nag-sosorry sa akin bwahahahahahaha!

      Reply
  3. Anonymous says

    July 16, 2013 at 11:40 am

    ako po ang matagal ng pinaghahanap ng batas…nasa akin pa po ang “weapon” na tennis ball…sobrang guilty ako sa nangyari kahit na dahil sa keenengan ni Ms D kaya sya napatid paatras and nabalian ng braso.. 🙂 …ang accomplice kong aso na si Bruno ay matagal ng namayapa at nakahingi na sya ng tawad sa pangyayari..

    di ka namin iniwan..naghanap kami ng tutulong…puro tayo bata sa kalsada nun..at ang kaisa-isang adult na nakita namin as si General V…with his ever present San Mig Pale pilsen on hand

    teka..naglagay pa ba kami ng kandila kung san ka napatid….hehe di ko na matandaan…alam ko pag namatay lang yun nilalagyan ng kandila yung lugar ng accidente…

    buti na lang lagpas na sa “prescribe period” para ma file ang kaso laban sa akin…hahahaha…lalo na ngayon..na yungdi namin inaakalang aanga-anga noon ay magiging isang magaling at matalinong Atty…come to think of it..baka dapat kang magpasalamat sa akin kasi from that point on…naalog yung utak mo at nare-arrange..at dun ka tumalino 😀

    Reply
  4. julie gabrido says

    July 13, 2013 at 10:34 pm

    mwahahahahahahhaa!!!! hoy! tumakbo kami nun naghanap ng matatanda para tulungan ka noh! at nagsasaluhan tayo ng tennis ball nun, you missed kaya si J natamaan mo ahahahahahaha

    Reply
    • Domesticated says

      July 14, 2013 at 8:06 am

      Bwahaha! Iniwan niyo ako!!!!

      Reply
  5. Jane Otero says

    July 13, 2013 at 8:24 pm

    ayan! may pinagmanahan naman pala ang junakis mo sa kadramahan! hahahaha

    Reply
    • Domesticated says

      July 14, 2013 at 8:08 am

      Hahaha! Oo nga 🙂

      Reply
  6. D says

    October 22, 2012 at 5:17 am

    Hay, ewan ko ba! matagal ko ding ikinahiya ang pangyayaring ito! pero ngayon natatawa na lang ako 🙂

    Reply
  7. Anonymous says

    October 21, 2012 at 11:28 pm

    kumusta naman ang kadramahan noh?!?! hahaha!

    Reply
  8. Jen says

    October 19, 2012 at 3:18 am

    OMG, ang O.A. nga! hahaha!

    Reply

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published.

’Di bale nang mahina ang network connection, basta strong ang soshal network mo. Climb pa more! Isipin mo na lang na ang soshal na may tiyaga, may nilaga for lunch sa bahay ng mga friendship niyang soshal.

We are lawyers, Titas and your favorite soshaleras!

LET’S GET SOSHAL

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Categories

Subscribe to our YouTube Channel!

Notice

ALL RIGHTS RESERVED.
Unless otherwise stated, all pictures and texts used in this site are the property of The Soshal Network.
 
For features and events, please email [email protected] For other concerns, please email [email protected]

TSN on Facebook

How to Make Your Photos More Soshal

TOP 5 TIPS

NEXT 5 TIPS

PAA EDITION

TALIKOD TECHNIQUE

FOLLOW ALONG @THESOSHALNETRWORK

This error message is only visible to WordPress admins
Error: No users set.
  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Copyright © 2021 · SITE DESIGN BY FANCY GIRL DESIGN STUDIO

Copyright © 2021 · Soshal Network 3.0 on Genesis Framework · WordPress · Log in