Originally posted on November 28, 2012
Kwentuhan kita.
Last year, ininvite ako ng isa sa pinakamatalik kong kaibigan, si L, sa wedding ng younger brother niya na si E.J. Syempre excited ang lola mo. Parati kasi akong “squatter” sa bahay nina L kaya parang kapamilya na rin ako. Sabi ni L, iaabot daw niya sakin ang invite the next time na maki-“squatter” ako. Sabi ko naman, “Dios ko! Ano bang invite-invite pa! Kahit wala niyan, pupunta ako noh!”
On the day of the wedding, mega outfit na ang lola mo. Sa Alabang ang kasalan e. Home of the soshal! So syempre, mega suot din ako ng pinaka-soshal kong “cocktail dress”. Ayos ng hairlaloo at muk-ap and off to the wedding of the century!
At dahil lumuwas pa ako galing BaCav, medyo late ako nakarating sa St. James the Great Parish sa Ayala Alabang. Pagpasok ko ng church, nasa altar na sina E.J. at VINA. Sayang, di ko naabutan ang march. Anyway, hanap na ko ng upuan sa bandang gitna para kita ko lahat at maswertehang mapasama ako sa on-site video sa reception! Haha!
Officemates: Atty. P! Nandito po pala kayo!
Sino po ang kakilala niyo, yung bride o groom?
P: Friend ako nung sister ng groom.
Officemates: Ah ganun po ba?! O sige po,
balik na po kami sa upuan.
Picture po tayo mamya sa reception ha!
P: Ok!
(Katuwa naman. Small world. Ito namang si L, walang nababanggit sakin na may kilala pala sila from my office.)
Nasilip ko ang entourage sa harap. Mga naka-VIOLET. Yun kasi ang motif ng kasal ayon sa kwento ni L. Maganda nga naman lalo na sa flower girls. Sina bride at groom naman, nakatayo at kaharap na si Father dahil start na ng actual kasal. Kitang kita ko tuloy na sobrang tangkad ni E.J.
Mamya-mya…
Father:
Do you, ATHENA, take this man as your lawful husband…
(P to self: ATHENA siguro real name ni VINA. Baka “Venice Athena” or something like that kaya Vina ang nickname. Magkatunog e. Venice Athena…soshala!)
After awhile…
Father:
Do you, REGINALD, take this woman as your lawful wife…
(P to self: REGINALD??!! Di ko alam ang buong pangalan ni E.J. pero parang malayo naman yung E.J. sa Reginald. Kinutuban ako. Teka…FLASHBACK…tama, violet naman ang motif…kasing-katawan din naman nina Vina at E.J. yung mga nasa altar…pero parang wala nga akong masyadong kilala…di ko pa nakikita ang pamilya ni L…hmmm…)
So tinext ko si L at nagbaka-sakaling magreply siya kahit abay siya.
P: L, diba sa St. James naman ang kasal?! Dito ako sa likod e.
L: Naku, P!!! Andito kami sa St. Jerome…
yung nasa labas ng Ayala Alabang!!!
P: Ngerk! Malay ko naman na dyan ang kasal
e dito kayo parati nagsisimba sa St. James!
(Medyo walang logic at ako pa ang galit.)
Sige, punta na ko dyan.
Lamunin na lang ako ng lupa sa kahihiyan!!! At sa katangahan!!! Pero teka, paano ako e-exit dito?! Bigla kong dinikit ang hawak kong cellphone sa tenga sabay sabi ng …
“Hello?! Hello?! I can’t hear you.
Malabo. Wait, labas lang ako.”
PASOK SA BANGA! Taglish kaya mukhang soshal pa rin ako. At kunwari na lang naka-vibrate ang phone ko. ECHOSERANG FROGLET!
Nang nakarating ako sa TAMANG simbahan, too late na. Di bale, may reception pa naman. Pero iniisip ko, di kaya ako hanapin ng officemates ko sa kabilang reception? Baka itanong ako ng officemates ko sa groom…na walang idea kung sino ako! At ang pinakamalala, baka napasama ako sa ON-SITE VIDEO!!! Sabihin ng couple, “sino yang emoterang babae na yan na nag-walkout pa sa gitna ng kasal namin?!” INAAAAAAAY!!!
Nakakaloka!!! hahaha galing ng exit game plan mo P!
P!! Kaibigan ko si Athena!! Mga end of December ba to last year?? Pasalamat ka sa reception nako umabot or else alaskado ka ng todo sakin sa simbahan! Hahaha!
Oo, end of December nga! Anak ng [email protected]#%, small world ah! Buti nga wala ka sa simbahan at baka kinaladkad mo pa ko sa photo ops! Kahihiyan! 😀
Naku ang nanay ko minsan ninang sa kasalan.Dumating sa Manila Cathedral at nainis pa siya sa bride ba’t daw sinabi sa kanya na pink ang motif? Blue kasi ang suot niya. Ayun, sa San Agustin pala siya dapat pumunta. Buti na lang di pa naman siya napasama sa pagrampa ng entourage. Harharhar.
Anita
P.S. May hearing ba tayo next week kay Judge O?
Hahaha!!! Meron pong hearing. See you po! 🙂
new follower here! your posts are so funny! 🙂
Thanks, Jefel! Ka-pressure naman na gandahan ang susunod na posts pero we’ll definitely try! 🙂
Woohoo! Keribels pa rin! Katuwa naman!
Walang choice, Lorie e. Sayang naman ang make up at outfit kaya kailangan magmaganda kahit lalamunin na ko ng lupa sa kahihiyan! Haha! 🙂