Originally posted on July 9, 2012
From the province of Cavite… “P”–the Provinciated (kung word man yun)…yan ang intro sakin. 100% Kabitenya ika nga nila. Kaya para sa mga nagtaas ng kilay nang mabasang magshe-share kami ng aming ka-“soshalan” dito, ibaba muna ang mga yan. Mag-eexplain ako. Pwede?!
Para sa mga nakakakilala sakin, alam nilang wala na atang mas lalayo pa sa katotohanan pag sinabing soshal ako. Kung may salita ngang madalas ipinang-dedescribe sakin, bukod sa “mabunganga” at “hyper”, ito ay “bakya.” Siguro dahil din sa kinalakihan ko. Naniniwala kasi ako na sa BaCav (Bacoor, Cavite), ang pa-“soshal”, nilalamon nang buhay.
So bakit nga kaya “The Soshal Network” ang pangalan ng blog namin? Sure akong di ako lelevel kina Anne Curtis, Ruffa G. at Solenn Heussaff sa english at personalidad (ewan ko lang sa looks ha…) 😛 At lalong di ko pupunuin ng diskusyon tungkol sa mga latest fashion trends at brands ang site na ‘to. Utang na loob. Opposite niyan ang mababasa niyo dito. Everyday life at opinyon ng taong nangangati ang lalamunan pag nakakatikim ng Haagen Dazs (tama ba spelling?) na ice cream, pinagpapawisan nang malapot pag malakihan na ang ambag sa dinner night out at mainit na ang ulo pag di nakakapanood ng Pinoy Big Brother. Kaya kung gusto niyo ng super light reading, bordering on kababawan, sit back, relaks and enjoy ang aming ka-“soshalan” or the lack thereof.
First entry, ang suggested topic — lovelife. E wala ako nun. Patay. Pero in fairness, masarap naman din maging S.A.W.I. — Single At Walang Iniintindi.
Hindi ka namomroblema kung saan kayo magde-date sa monthsary niyo or kung ano ireregalo mo sa kanya sa birthday at pasko. Andami kasing criteria…Kailangan pinag-isipan, practical pero sweet, at syempre, swak sa budget. Di mo na rin kailangan hatiin ang katawan mo kapag nagkataong may lakad ka tapos bigla siyang nagyaya ng ibang lakad or tinamad siyang samahan ka. ‘Yan ang mga dilemma ko nun. But not anymore! Isa na akong S.A.W.I.!!! Ang kaso, umabot na ’ko sa puntong madami nang haka-haka kung bakit sa edad kong ‘to, e single pa ko. Pati tuloy ako napapaisip…masyado na nga ba akong matagal na single? Based on my experience, eto ang sure tell signs na napag-iiwanan na ako ng biyahe.
5. Di ko na maalala ang huling sineng napanood ko. Kaya hinihintay ko na lang ang DVD release ng mga pelikulang gusto ko sana panoorin pero di ko nagawang mapanood kasi ayoko pumasok sa sinehang mag-isa na may nakatatak sa noo kong, “LOSER!” o “Mamatay na may lovelife!” At least sa ganitong paraan, nakakatulong pa ko sa pag-unlad ng pelikulang Pilipino. Diba? Dibaaa??? Um-oo ka!
4. Liit na ng cellphone bill ko. Ang baba na nga ng plan ko, di ko pa rin nasusulit ang free texts at calls ko. E pano, wala nang nangmomonitor at wala na rin akong minomonitor. Wala nang ka-text ng “good morning”, “have a good lunch”, “good luck”, “good trip”, “good night” at “goodbye” (pag drama mode at magbe-break kayo for the nth time). Sa sobrang dalang ko makatanggap ng text at tawag, pati sarili kong message at ringtone, nagugulat na ‘ko. Dahil minsanan na nga lang tumunog, syempre excited ako kaya dali-dali kong babasahin ang mensaheng: “Smart Rewards Update: Get an exclusive 50% OFF on any premium eyewear. Just visit smart.com.ph/rewards for more details.” Anak ng @$%#.
3. Ipinag-nonovena na ako ng aking Lola Ninang. Siya ang 102 year-old ninang/tiyahin ng Daddy-o ko at ng mga kapatid niya. Di na nakapag-asawa dahil na-broken-hearted sa first love niya. Magkaiba daw kasi sila ng relihiyon. Star-crossed lovers ang peg! Minsan, nagtanong siya sakin…
Lola: Kelan ka ba mag-aasawa?
Camille: Pag nagka-jowa na po ‘ko. Hirap kaya mag-asawa mag-isa!
Lola: Wala ka bang nobyo? E sino yung taga-Kawit na nagpupunta dito?
Camille: Taga-Kawit??? Wala kayang ganun, Lola! Imbentor kayo.
Lola: Hindi. Sigurado akong may lalaking taga-Kawit na nobyo mo.
Camille: Asan, Lola?!?! Pakilala niyo naman siya sakin!
Thanks for the hallucinating for me, Lola. You’re da best.
2. Binebenta na ako per kilo ng mga kamag-anakan ko. Kung may Guiness Book of World Record Holder for the most number of times naging “engaged”, ako na yata yun. Kasi lahat ng party na puntahan naming mag-ina, maswertehan ko lang na may anak ang isa sa mga amiga ni mudra na single, for sure ipagkakasundo na sakin yun. As in magulang na ang nagpo-propose…kahit walang kamuwang-muwang ang mga anak nilang lalaki. Minsan nga sa isang binyagan, binebenta sakin ng isang mudra yung anak niya. Tamang-tama daw na guest si Mayor kaya pwedeng hora mismo ay ganapin na ang kasal. Ride naman ako, “asan po ang anak niyo?” Tinuro. Nilingon ko. O dyos ko!!! Tao pa ba yan???
1. Wala, as in wala, na kong standards. Noon kasi, ang gusto ko sa lalaki, lahat ng MA…MAgandang lalaki, MAbango, MAtangkad, MAbait, MAtalino at MAyaman. Ngayon, isang MA na lang ang gusto ko…MAmmal – sige na nga, keber na kung homo erectus ang peg. Basta dalawa ang paa at humihinga, gora!
Haaay…kaya kahit sabihin pa nilang masarap ang S.A.W.I., para sa’kin, mas masarap pa rin ata ang
I.W.A.S. – I Want A Syota.
Hi! Camille! Ako nga isusubasta na nga daw para mabenta na. There was also this one point where one of my bosses got really concerned at pinatawasan ako sa isang faith healer
Maybe it is because of the fact na couple-oriented ang society natin.
Teka teka teka eh kakabati lang namin sayo nung isang araw ng happee manthsaree ah!!!
hay eh kasi naman sa anim na MA na nabanggit mo, 2 or 3 MA ang wala ng aking FORMER kamag anakan…sensya na at di happy ending, pero blessing na din at di nga happy ending ( hayyyy ang gulo ko atty… ) o sya sya, hahanapan kita ng mammal. sana magkita kits ulit tAYO – ate l.
Salamatsssss! Buti at natuwa kayo. Teka, ganun ba sa Italy? Bakit walang nagsabi sakin nyan dati?! Book na ko agad ng flight ASAP!
Haha you made my day. Tawa ako ng tawa dito sa opis!
promise… go to Italy and just stand there with your Filipina-toned skin… you’ll have a line-up of men behind you in no time. hahaha.
This is sooo true. Actually while i’m reading this tawa ako ng tawa kasi isa ako sa saksi and nakakaalam sa previous lovelife ni “P”. Alam ko kung saan hinugot ang mga ito. wahahaha.
Love it!!!
wow! ulam!
Yung Number 1!! I so AGREE!
huwwwaaatttttt
ZOMG naiiyak nako sa kakatawa!!! This is it! Please introduce me to your future celebrity friends – lalo na yung mga MAmmal! 😉
Nagsisimula na rin ako magbawas ng mga MA sa standards! haha Finally may blog ka na ate. Aabangan ko ang adventures ni SAWI. 🙂
Soo Provinciated! I luv it! I’m Provinciated tooo!
Never a dull moment with you, P! Your life is truly colorful 🙂
Finally! 🙂 yan, super sulit na data plan ko, I get to read all your entries anytime and anywhere! Thanks for making my day here in “raincouver”!