Originally posted on July 12, 2012.
Yaman din lamang na wedding ang napag-uusapan dito sa T.S.N. (D’s Wedding), at dahil wala pa akong mai-she-share na tips tulad niya dahil naghahanap pa ako ng mabibiktima, hanggang pangarap na lang muna kami ng nanay ko, also known as “Mother Earth”…
P:
Mudra, pag kinasal ako, bonggahan mo ha.
Ayoko magmukhang kawawa.
Mother Earth:
Sige, anak. Ako ang bahala.
Ipasasara ko ang kalsada mula Zapote hanggang Mabolo
(dulo’t dulong mga barangay yan dito sa BaCav)!
Lahat ng 10 banda ng mosiko dito sa Bacoor, kukumbidahin nating tumugtog!
Pupunta akong Dangwa, sasabihin ko dun,
“Ilabas lahat ng mga bulaklak diyan at oorderin ko!”
Pupunuin natin ng bulaklak ang simbahan mula altar hanggang patio at parking sa labas!
Sagot ko’ng lahat sa kasal mo, anak! Isa lang hindi ko sagot….
……
Yung GROOM.
Isang mala-“Ang TV” na “NGYE?!!”
Panalong panalo talaga si Mother Earth humirit haha
sagot ko ang groom!!!!!! MAmmal 🙂
I love Mother Earth! Walang kupas! <3