Originally posted on September 23, 2012.
Papa O and I have been married for 3 years. Before we got married, we talked about how our married life should be. May mga peg kami na married oldies na sweet pa rin sa isa’t-isa. Nag-promise kami na hindi kami magiging typical pinoy na mag-asawa na napapanood mo sa TV na bangayan ng bangayan mula pagbangon hanggang pagtulog.
First year of being married, ang saya. Parang bahay-bahayan lang. As they say, honeymoon stage pa. Ang bait bait ng asawa ko at always kong sinasabi na ang suwerte suwerte ko.
Second year, I got pregnant. Princesang princesa ako. Lahat ng gusto ko masusunod. Nine months after, ayun nagbago na! May bagong ng princesa sa bahay… Si Baby A. At ang mommy ay naichapuwera na!
Nag-aaway na kami. At nagbago na si Papa O. Dahil dyan nag-iisip na ako magpa-annul. Ayon sa batas, puwede magpa-annul based on psychological incapacity.
The term “psychological incapacity” to be a ground for the nullity of marriage under Article 36 of the Family Code, refers to a serious psychological illness afflicting a party even before the celebration of the marriage. These are the disorders that result in the utter insensitivity or inability of the afflicted party to give meaning and significance to the marriage he or she has contracted. Psychological incapacity must refer to no less than a mental (not physical) incapacity that causes a party to be truly incognitive of the basic marital covenants that concomitantly must be assumed and discharged by the parties to the marriage. (Marable v. Marable, G.R. No. 178741, January 17, 2011)
Since the burden of proving psychological incapacity lies with the plaintiff, nilista ko na ang ebidensya:
1. No shrub
Pinanganak si Papa O sa ibang planeta na kung saan nauso ang kantang
NO SHRUB” by TLC (Talong Lechugas at Calamansi).
Click here.
2. Pango
Pinagpala si Papa O ng matangos na ilong pero ang anak namin hindi… at sa akin niya isinisisi ang kalunuslunos na pangyayaring ito.
Click here.
3. Minimalist
May kasabihan na ang taong matipid ay madaming maililigpit… ang kasabihan naman ni D:
Kapag si Papa O ay nagtitipid,
buhusan ng muriatic acid!
Click here.
4. Lamok
Las Pinas is a mosquito free city
Nung nakagat si Baby A ng lamok, sinisi ni Papa O ang bahay namin. Pinalinis niya ang buong bahay mula garahe hanggang kisame. Ngunit nakagat ulit ng lamok si Baby A at sinisi ni Papa O ang bahay namin.
Bumili si Papa O ng 2 tennis racquet mosquito killer at 2 mosquito killer lights. Ngunit nakagat pa rin ng lamok si Baby A at sinisi ni Papa O ang bahay namin… at sinabing “lumipat na kasi tayo sa Las Pinas”
Hello? Wala bang lamok sa Las Pinas?
5. Muntik ng Maabot ang Wallet
Parang True Faith lang…
Eto ang da moves ni Papa O pag kumakain kami sa isang soshal na restaurant.
Pagdating ng bill, titingnan niya ito sabay aabutin ang pitaka sa bulsa ng slooooow mooootioooooon……at dahil kilala ko na siya, sasabihin ko “B, ako na…”
Ngingiti si Papa O at sasabihing, “maglalabas lang ako ng pang-tip.”
6. Permission to Buy
Madalas ako makakita ng posts ng friends ko ng pictures ng gifts nila from hubbies. At dahil naiinggit ako, magpaparinig ako ng “uy B, si Fleur binigyan ni Alvin ng LV wallet for no reason.. ang sweet noh?” Ang sagot ni Papa O:
Talaga? Ang sweet naman ni Alvin.
Sige na nga B. I am giving you permission to buy the bag na gusto mo.
Wow, thanks ha… pera ko papambili ko pero parang bigay na rin niya dahil he gave his permission to buy!
7. Ganun talaga
Madalas kami may debate on matters from national to family issues. Ang mga arguments ko madalas legal or theoretical… si Papa O naman practical or logical.
Madalas akong manalo, pero tuwing naiipit na si Papa O or nawawalan ng sagot, ang palagi niyang closing statement ay “GANUN TALAGA… wala ka ng magagawa.” #@!
Madalas ko rin marinig ito sa mga tanong kong:
“bakit ka na-late ng uwi?”
“bakit ikaw kelangan gumawa nun?”
“bakit ka pumayag sa ganun?”
GANUN TALAGA
8. The Priest
Madaming nag-aakala na kawawa si Papa O dahil abogada ang napakasalan niya. Bungangera daw ang abogada. Si Papa O pa naman mukhang tahimik, mabait… bagay mag-pari.
Bagay talaga siya mag-pari dahil mahilig siya mag-sermon! At ako ang paborito niyang audience.
Based on the foregoing, I think meron naman akong sufficient evidence to prove psychological incapacity. Hello, sa NO SHRUB palang tapos na ang laban!
Pero bakit ko ba hihiwalayan ang lalakeng ito? As I said during our wedding ceremony:
“I, take you to be my partner, loving what I know of you, and trusting what I do not yet know. I eagerly anticipate the chance to grow together, getting to know the man you will become, and falling in love a little more every day. I promise to love and cherish you through whatever life may bring us.”
People change… I have changed as well. And malamang madami din syang reklamo sakin. Pero he always assures me that he loves me and accepts me for who I am and whom I have become. And I feel the same also. When I listed the items above nga natatawa nalang ako. At least madami akong makukuwento at kahit man lang dito makaganti ako!
(pics from google)
May house kami sa Las Pinas.. and never ako kinagat ng lamok dun! As in never kami gumamit ng Baygon!! Well, once lang. Kasi akala ng mom ko may lamok sa bahay dahil laging nangangati yung aso namin. Kakaloka diba hhaahah
So totoo pala!!!
#6 and #8!!!
#6: Just last night I was telling Randy I want a Balenciaga Velo. Sabi n’ya: “Bahala ka hindi naman kita pinagbabawalan.” And then obviously iniiba ang topic. Ibabalik ko nanaman sa bag. May one-liner, tapos new topic nanaman!
#8: Hay naku!!! Para akong wayward child sa mga pangaral ni Randy!
bwahahahahaha!! Ganyan sila! Bakit nga ba sila ganyan?!
Haynaku, sinabi nyo pa! And the misis pa daw ang nagger, haler, mas nagger kaya cla 😀
relate naman ako sa n0. 8. nung kabuwanan ko, yung matandang chief ng admin namin hinimas tyan ko sabay sabi, “uy malapit na lumabas. sana maging kasing-bait siya ni C (hubby ko). Pansin ni katabing friend na nag-iba timpla mukha ko. to teh rescue siya, “mabait din naman si R (me)!” me: hindi ako mabait (sabay hawi sa kamay niya hehehe)
Peachy, yes! akala ko hindi ko maiisip yun pero hanggang isip lang naman and sandali lang… meron pa ring love na nangingibabaw haha!
Legallymama, OMG ang asawa ko talo pa ang abogado sa pag-argue at tingin niya palagi panalo siya dahil sa “Ganun Talaga!” hahaha!
Em, talaga? Batangas is also a mosquito free city? hahaha!
Agree, agree, agree! Hindi kaya nag-usap ang mga hubby ntin? Kasi acdg sa kanya sa Batangas nmn daw wlang lamok. hehehe.
Ito na yata ang pinaka true na enumeration ng grounds for annulment! I am with you on the Minimalist! Shet gurl, kung pwedeng isama na yun sa signs of psychological incapacity (or should we change it to financial?) Pero kahit ano pang gawin, mahal din natin ang mga bugoy na asawang yan. Hahaha! I love this entry!
True yan. You will really come to a point na gusto mo na syang palayasin dahil sa inis mo pero pag nag alsa-balutan naman, cry to death ka na pigilan! 😀
nag-usap usap yata ang mga lalaki na isagot ang “ganun talaga!”
Pak na pak mare!!! Hahahaha!
Kinabahan naman ako sa title mo!!
Binuking mo na naman si Papa O:p
love it!
Buhusan ng muriatic acid! hahahaha!