Naalala niyo pa ba noong bata pa tayo at usong-uso ang SLUMBOOK? Kasabay ng slumbook, nauso din ang mga katagang “MTM” = Many To Mention, “JAPAN” = Just Always Pray At Night at “TCCIC” = Take Care Cause I Care lalo na sa dedication. Sarap mag-reminisce ng mga kasablayang pinagsususulat ng napaka-arte, nakapaka-kerengkeng at napaka-corny na version mo.
Recently, may nabalitaan akong slumbook na uber daw sa pagka-funny at witty. Why not? E ang gumawa nito ay nagngangalang WITTY WILL SAVE THE WORLD CO. At ang title ng sinasabi kong autograph/slumbook ng makabagong panahon ay…
Kakaiba at sobrang nakaka-aliw ng slumbook na’to. Relate na relate kung baga. Nandito pa rin ang mga age-old questions tulad ng “What is your motto?”, “Favorite Color”, “Define Love”, “Most Embarrassing Moment”, atbp. Pero may mga bagong ring pa-uso tulad ng “Favorite Body Part”, “Favorite Gleek” at “Who Are Your TRUE Friends?”
Pero as much as natuwa ako sa mga tanong sa slumbook, mas natuwa ata ako sa mga sagot ng mga ka-opisina ko.
WARNING! Ang mga sumusunod na kasagutan ay hindi repleksyon ng opisinang aming pinagtatrabahuhan. Ngunit maaaring indikasyon ng sakit sa utak ng mga taong nasasangkot. Patnubay ng magulang ay kailangan.
WHAT IS YOUR MOTTO?
Nosebleed!
May punto ka dyan!
MOST EMBARRASSING MOMENT:
“Nakipag-shake hands ako na dirty ang hands ko.”
Huwaaat?! Shet! That’s sooobrang nakakahiya as in. Buti na lang naka-recover ka na from that. 😛
Ultimate paghihiganti!
“Naglalakad sa kalsad…ramdam lawlaw panty.”
Kahit siya lang nakaalam nun, hiyang hiya siya sa sarili niya.
FAVORITE MOVIE:
Di nga?!
“AVATAR: Thru computers, mind nya nasa ibang mundo, na-in love…
Ewan ko kung tama intindi ko.”
Actually, ewan ko rin.
WHO ARE YOUR FRIENDS?
Ambisyosang froglet…patay-gutom naman! (Peace, L!)
So…wala?! 😛
Matindi ang pangangailangan.
ROMANTIC STATUS:
Kahabag-habag naman…Lapit na sa bitter oh!
FAVORITE COLOR:
Alam na ang aminado!
ANO’NG GUSTO MO MAGING PAGLAKI MO?
Adik lang?!
E ANO KA NA NGAYON?
Sabi ko nga…
ANO’NG GUSTO MO MAGING PAGLAKI MO?
E ANO KA NA NGAYON?
:Z
HINETE talaga?! Bwahahaha!
FAVORITE TOE:
Oo nga naman…
Ewan ko lang ha…pero yung akin may kuko naman. Maliit nga lang.
Too. Much. Information.
O diba ang saya?! Ang tanong ngayon…May trabaho pa kaya kami bukas?
Naalala ko tuloi ang fave kong nabasa sa sinagot sa slumbook ko dati…
What is your dream?
Answer: “to be an angel”
(Pwede pla un!)
Memories. Haha naalala KO kapatid KO grade 2 p LNG sya pinasulat KO n sa slumbook tuloy sagot nya sa motto honesty is the best award. Lol
Meron pa crush is the source of administration. Wahaha hanggang ngayon nkatago yun patisya natatawa lol
Panalo ang roantic status na OK LANG. hahahahahaha maka-order na nga nito!
di na ko makakita nito sa mga suking bookstores. meron lang ako yung slumbook/planner ni ramon bautista. pero masasabi kong mas maganda tong slumbook na to 🙂
Kahit nabasa ko na to noon, hagalpak pa rin ang tawa ko, josme hatinggabi na! Kif uf the good work mga ateng!
wala pa bang bagong entries??? everyday ko open blog nyo hoping for new entries. i need (oo, need talaga) them to complete my day (oo, di naman ako exaggerated.) sobrang nae-entertain nyo kasi ako with your kwento.
Haha, actually we have new posts! you just have to scroll down 🙂 Super thanks for the comment, ang saya namin! 🙂
you have new posts nga pero not like before na everyday talaga… mostly repost eh. di naman ako demanding!!! hahahaha!
Nakakatuwa ka naman! 🙂 We’re happy that you’re looking forward to our posts!!! Weee!!! Mejo busy lang pero we will try to write everyday! hehe! 🙂
thank you! mas nakakatuwa kayo! hahahaha! since 1st post nyo, fan nako!
by the way, since friendships kayo ni mommy fleur, what happened to her blog??? bat sabi “This Site Has Been Moved to a New Server.” when i tried to access it. isa pa yang blog na yan na completes my day! hahahaha! medyo dumadalang na din ang post nya compared to before 🙁
Hindi nagwowork .com niya! go to http://www.mommyfleur.blogspot.com 🙂
Got to access it na! Now, Friday is complete! mwahahahaha! babaw lang!
But seriously, thank you!
Pinakagusto ko yung umamin na HINETE! bangis!!!! Iyon ang isa sa pinakamahalagang trabaho sa mundo hihihihi
Very very funny!! I was reading it during lunch break, at tawa po ako ng tawa habang tulog ang lahat.. :))
Very nice idea to use in our wedding next year!! hay sana magreply si Ms.Witty sa text ko.. :”((
panalo ang slumbook na to!
Grabe! hahahha! tawang tawa ako! at natutuwa ako dahil meron din ako ng gan’tong slumbook ^^ yehey! kahit naubos yung allowance ko ahhahaha
Thank you, Witty Will Save The World. Thanks also for visiting our blog 🙂
ahahaha tawa ako ng tawa
Can you tell us why the sudden surge of readers of Slumbook entry?? Di sa nagrereklamo kami ha!!! 🙂 sino nagshare. 🙂
naka-post na yung link ng entry sa fb page ng witty 🙂
‘san nakakabili nyan? hehehe! dami ko tawa…
Pwede siya ma-order via text kay Ms. Witty at 09064652191. Nasa fb din sila. 🙂
Kilala ko tong mga sagot na to! Hahahaha
Kilala ko tong mga sagot na to ha!
Looks family ba?! Haha!
Ang kukulit! haha
Oo nga e. Parang di mga empleyado ng kagalang-galang na kompanya. Haha!
Instead ng usual na guestbook, eh itong slumbook na ito ang ginamit ng sister ko nung wedding. Ang saya basahin… he he
Talaga?! Brilliant idea yun ah! Sige pag kinasal din ako…May slumbook na ko. Groom na lang kulang! 😉
Mayroon na silang guestbook for wedding. Sing-witty rin ng slumbook na ito 🙂
hahaha ang aga pa lang nabasa ko na agad itong slumbook tawa ako ng tawa mag isa yung pala sa kabilang table yun din ang binabasa nila at tawanan din pala sila…
Hahaha! Kayo salarin dyan e!
haha… nakakarelate ako! meron din kasi akong ganito kaso lng tatlo pa lang ang nakasign, ang tagal kasi binalik, may plano yatang sulatan ng nobela iyong i-slambook!
Nakakatuwa diba?! Kareerin mo siya! Sabihin mo sa friends mo, keri na kamo ang dedication na JAPAN, ITALY at MESOPOTAMIA. Yun nga lang, di ko alam kung ano ibig sabihin ng MESOPOTAMIA. Hehe. 😛
Panalo! Laugh trip! Gusto ko bumili! Lakas tawa ko sa favorite toe! hahaha!
Try mo nga, Kikay, kung abot mo pa! 😛
ako din dun ako tawang tawa sa fav toe walang kuko
Hahaha.. Feeling ko 75% nakakarelate sa last question lalo na nung bata sila. Oo, kaya ko din kagatin..dati! 🙂
Emphasis on DATI talaga ha. Ewan ko nga rin ba kung bakit pag natatamaan yung maliit na daliri sa paa, umaabot hanggang bumbunan yung sakit. Diba?!?! 😛
Winner! Makabili nga ng slumbook na to!
Bili ka Aimee! Try contacting the publisher, si “Ms. Witty” at 09064652191. Pwede umorder sa kanya e. Pero ako tinunton ko talaga kung saan meron. Haha!
wahaah! ang kulit! I can super relate 🙂
Try mo hanapin yung mga luma mong slumbook, Marsy. Ang saya balikan! Nung nakita ko ulit yung akin, gusto ko ihampas ang ulo ko sa pader sa ka-corny-han e!
Huy nice naman yang slumbook na yan! san ba nabibili yan? :o)
Naku, pahirapan maghanap. The last few available copies ay matatagpuan sa National Bookstore Greenhills pa. Dinayo pa talaga namin ni D yan ha! Pero try contacting “Ms. Witty” at 09064652191. May Witty planner din sila e. Di ko pa nga lang na-oorder. 🙂
dami kong tawa…hahahaha
Haha! Puro kalokohan e…