Originally posted on October 15, 2012
Ilang araw na lang, I will be turning 31. At sa mahigit 30 taon ng pamamalagi ko sa mundong ibabaw, marami-rami na akong okasyong napuntahan. Birthday, binyag, kasal, anniversary, burol, 9 days, 40 days, babang-luksa. Ikaw ba naman magkaroon ng nanay na lagalag, for sure makakaladkad at mahahawa ka.
Noong nakaraang sabado lang, nagninang ako sa kumpil ng pamangkin ko. Tanda ko na talaga! Andami ko nang inaanak! Ok lang. Maluwag naman sa loob ko mag-ninang sa binyag. Tanggap ko rin mag-ninang sa kumpil. Pero pag may kumuha sa’kin mag-ninang sa kasal, tiyak na kamatayan!!! Baka sunugin ko ang gown ng bride, wag lang matuloy ang kasal!
Pero, mag-abay, keri ko yan! In fact, I am somewhat of an expert pagdating sa pagba-bridesmaid. Sa katunayan, PITOng beses na akong umaabay sa kasal. May naka-line up pa akong dalawa. In short, pagpasok ng 2013, SIYAM na beses na akong umabay. Kuma-Katherine Heigl lang ang peg sa “27 Dresses”.
Ayaw niyo maniwala? Heto ang pruweba.
1. Wedding ng aking favorite (one and only) Kuyakoy at Ate E. Year 1999. Manila Cathedral. Reception sa Manila Hotel. Bagets na bagets pa ko diyan. Freshness. Kasama ko dyan si Ate-kupungsingsing. Ang kulay ng aming gown, “MAUVE”. Wag niyo na ‘ko tanungin kung ano’ng kulay yun. Nun ko rin lang narinig yun e. May google naman. Pag ako kasi tinanong niyo, “LIGHT ORANGE” ang sasabihin ko.
2. Kasal ng aking mahal na pinsang si Kuya A and Ate J. Year 2003. Sa Caleruega ang ceremony at sa Royale Tagaytay ang reception. Blue green ang motif. (Yan kahit di niyo na i-google) It was a very intimate wedding. Maliit lang ang chapel, which actually made the ceremony more solemn. Isa lang ang hindi maliit…at AKO YUN! Wag niyo ko husgahan. Mamatay na manlait. Here, kasama ko ang aking gorgeous cousin, N. Wedding naman niya ang next.
3. My Maid of Honor dress sa kasal ni cousin N and Papa J. Year 2008 ito. Sacred Heart Church, Makati. Reception at The Skyline, World Trade Center. Bet ko ang gown na itey. Very simple but elegant. Tandang-tanda ko na the night before the wedding, pagdating ko ng hotel, may mga bumisita sa room namin! Mga IMFORTED groomsmen na galing pang Canada. Nosebleed akey! Pero masaya ang wedding. SOOOBRANG SAYA na kinabukasan, matapos marinig ang mga kwento ng sambayanan, halos lamunin ako ng lupa sa kahihiyan.
4. Eto naman ang “Earth Fairy” costume/gown ko sa kasal ng walang iba kundi si D!!! May pakpak pa yan na katerno ng damit kaso na-arbor na ata ng mga pamangkin ko. ONE ENCHANTED WEDDING ang theme ng kasal. (Ako nag-isip nyan!) Sa St. Therese Church ang ceremony at sa Officer’s Club, Fort Bonifacio ang reception. Maid of Honor din ako dito together with S. Siya naman ang “Passion Fairy”. At bilang maids of (DIS)honor, kami rin ang nag-organize ng bridal shower ni D. Sa ibang entry ko na ikukuwento yun. May kahalayan e. (Uuuy, naintriga!)
5. Wedding naman ito ni Dra. M at ni Papa A. Si Dra. M ay kapit-bahay at kababata ko. Medyo na-surprise din ako na kinuha niya akong abay. Di kasi kami ganun ka-close. But I was flattered and was more than happy to assist her during her special day. Medyo malayo ang nilakbay ko dito. Sa Barasoain Church, Bulacan ginawa ang kasal. Uma-out-of-town nang bongga ang lola mo!
6. R.O.S.E. and Papa P’s wedding naman ang kasunod. Year 2010. Chapel on a Hill, Tagaytay. Reception at Ville Sommet. Chochal! Mahigit isang dekadang mag-jowa ang dalawang ito bago kinasal! Kaya naman abot-abot ang pasasalamat naming lahat at humantong din sa dambana. First bf-gf nila ang isa’t-isa. Highschool nagka-inalaban ang mga ito. Napaka-ideal noh?! (Shet…parang umiinit bigla ulo ko…nagdidilim paningin ko…grrr…mamatay na may lovelife! :-P)
7. Ito ay isa sa mga favorite bridesmaid dresses ko. Wore it at Kafatid B and Papa A’s wedding. Edward Teng ang gown. Bet ko na may corset yan sa loob pero di halata kaya mukhang natural lang kaming payat. When in fact, di na kami makahinga sa nagpupumiglas naming mga taba sa ilalim! Tube lang ang dress originally. Pero dahil type na type ko siya, pinalagyan ko ng butterfly sleeves at ginamit ko sa prusisyon ng mga Hermana dito sa BaCav. (Provinciated na provinciated!)
Pito pa lang yan. Sa December, kasal naman ng isa sa aking “bestest” friend na si L ang aabayan ko. Sa January naman ang kay Batchie L and Papa M.A. Yihee! Super exciting!
Kung meron akong natutunan sa maka-ilang beses kong pag-asiste sa mga “BRIDEZILLA”, yun ay ang sumusunod:
1. MATUTO SUMUNOD! Maging supportive at WAG KUMONTRA! Araw nila yun e. Kung gusto nilang naka-pusod ang buhok mo at sila lang ang naka-lugay, GAWIN MO nang walang pagrereklamo. Kung gusto niyang kumandirit ka papuntang altar, go! Ang bride ang prinsesang nakaupo sa tasa sa araw ng kasal niya. Lahat kami ay mga aliping saguiguilid lamang. Kaya ka nga bridesMAID e!
2. Parating magdala ng PERDIBLE, OIL CONTROL FILM at TISSUE. For sure, may matatanggal na butones o strap diyan. Magmamantika ang mukha ng bride at groom, pati ng mga entourage. At dadanak ang luha ng mga katabi mo sa simbahan. Better be prepared.
3. HAVE FUN! Wag maging K.J. lalo na sa after-party. For sure, gusto ng couple na mag-enjoy lahat. Kaya nga sila kumuha ng band at mobile bar e. Bilang abay, trabaho mong simulan ang party! Kasi maraming aarte dyan kahit feel na feel na nilang mag-breakdance sa dance floor. Naghihintay lang sila na may mauna.
So bakit nga kaya ako sumusuki mag-abay sa kasal? Di kaya pangitain ito na magsisilbi akong buhay na patotoo/testimonya sa kasabihang “ALWAYS THE BRIDESMAID, NEVER THE BRIDE.” Kay saklap. Dalawang beses na akong nakasalo ng “bouquet.” Eeffect kaya?
As of now kasi, naka-book na ko ng chapel at reception venue sa Batangas. May listahan na rin ako ng entourage ko. Pati pari nakausap ko na. DECEMBER 13, 2013 ang nakatakdang araw. 12-13-13. Friday the 13th yun. Handang-handa na ang lahat….GROOM na lang ang kulang.
(other pics from google)
Late ko man to nabasa pero wagas ang tawa ko sa “mamatay na may lovelife!” at sa “Groom na lang ang kulang.” Hahaha!
P, since may papa N ka na now… tutuloy na ba ang 12-13-13 mo??? yihiiiii!
Naku, inatras ko na muna bilang seven months pa lang kaming mag-jowa. My target date is now 12-13-14. Saturday yan! Perfect! Pero target date KO yan. Walang kamuwang-muwang si Papa N na toothbrush na lang ang dadalhin niya sa kasal namin. Hahaha!
Hi P! Ngayon ko lang nabasa ‘to salamat sa random feed 🙂
Isa lang masasabi ko,,,, hindi ka nag-iisa and relate na relate aketch.. So, friends na tayo? 😉
Friendships naman talaga tayo noh! Ikaw, ilan na rin inabayan mo? 🙂
Hahaha! Ako rin naka-abang! 😀
Bentang benta ate!!! Naka-abang na talaga ako sa lovelife mo. 😀
Amen!!! 🙂
You are still young dont worry ul find the one:)