Kung ang sport/hobby ng mga taga-Forbes Park ay POLO, ang sa mga taga-Ayala Alabang ay EQUESTRIAN, ang sa mga taga-Dasmarinas Village ay DIVING, ang sa mga taga-BaCav naman ay FENCING.
Teka, hindi yung fencing na sport ni Richard Gomez ha. “Fencing” as in yung fencing as defined under Section 2 of Presidential Decree No. 1612, otherwise known as the Anti-Fencing Law.
(a) “Fencing” is the act of any person who, with intent to gain for himself or for another, shall buy, receive, possess, keep, acquire, conceal, sell or dispose of, or shall buy and sell, or in any other manner deal in any article, item, object or anything of value which he knows, or should be known to him, to have been derived from the proceeds of the crime of robbery or theft.
In short, fencing as in pagbebenta ng nenok. Uy, hindi ko naman nilalahat at hindi ko naman sinasabing sentro ng kriminalidad ang bayang aking tinubuan. Nagkakataon lang siguro na may nakaka-enkuwentro akong “fencers”.
May nakilala ako noon, nagbebenta daw siya ng cellphones. Mura. May mga units siyang ipinakita sa akin kaso hindi ko type. Pasikat pa lang noon ang iPhone kaya sabi ko yun sana ang gusto ko.
Aling F: iPhone ba kamo? Kelan mo gusto?
P: Bakit, makaka-order ka? Mura lang?
Aling F: Oo naman!
P: San galing?
Aling F: Sa Brgy. Talaba. Papa-dukot tayo.
Daming nag-aabang ng jeep dun e.
Baka maka-tsempo tayo nung iPhone.
P: Inaaaay! Wag na noh!!!
Eto mas malupit.
Naalala ko noong mga 16 years old ako…ako lang ang natira sa bahay nang may narinig akong kumakatok sa gate. Pagsilip ko, nakita ko si A. Matagal na naming kilala si A kaya di naman ako natakot sa kanya kahit napapabalitang may bisyo siya.
A: P! P! Gusto mo ng @#%la?
Mula sa gate, di ko masyado maintindihan
ang sinabi niya.
P: Ano?!
A: Gusto mo ng @#%la? P5,000 lang.
P: Huh?! Ano yung P5,000?!
A: @#%LA!!!
P: Ano yun???
Biglang inangat ni A ang braso niya para ipakita sa akin yung inaalok niyang worth P5,000. Ito ang bumungad sa’kin…
AGILA???
Di ako makapaniwala sa nakita ko…
Saglit kong pinikit ang mata at pagdilat ko…
AGILA NGA!!!
As in may agilang nakapatong sa braso ni A habang nakatayo siya sa gate ng bahay namin na napakalayo naman sa Manila Zoo!!!
P: Aaaaaay! San galing yan?!?! At aanhin ko yan noh?!?!
A: Sige na, P. Sige, P2,500 na lang.
P: Ayoko nga! Hanapin pa sa’kin yan ng may-ari!
San mo nga yan nakuha?
A: Basta. Sige, P1,500 na lang.
P: Kahit libre pa noh! AYOKO!
Nakakaloka diba?! Sa kahit saang neighborhood, normal na may naglalako ng prutas, gulay, taho, balot, mais, sorbetes, binatog. Pero AGILA?!?!
Only in BaCav!!! 😉
Photos from google images.
Haha. Teka, bakit hindi umabot sa amin yan? Magkabilang baryo lang tayo 😉
Baka may bumili na sa barangay namin…pinulutan. Haha!