• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar

The Soshal Network

  • Home
  • Meet the TSN Girls
  • Recent Posts
  • Show Search
Hide Search

Jusilin

Provinciated · Aug 4, 2013 · 8 Comments

Originally posted on October 8, 2012.

Alas-9 ng umaga, Enero ng taong 2008. Nananahimik ako sa bahay nun nang narinig kong tumunog ang cellphone ni Mother Earth. Sinagot niya ito. Ang mga sumunod kong narinig ay magkakadugtong na…”Ha?!”…”Ganun ba?!”…”Naku naman!”…”Sige”…”Magtawagan na lang tayo.” Pagbaba ng telepono, bungad sakin ni mudra, “Tara, P. Ipag-drive mo ako sa PGH.” 

jusi1

 Papunta sa PGH ay kinwento sa akin ni mudrabels ang back story ng kanyang earlier conversation. Ang karumal dumal na pangyayari – May pinsang buo ang mommy na taga-Davao. Itago na lamang natin siya sa ngalang “Tito R”. Lumuwas ito pa-Maynila para dito mag-celebrate ng Pasko. Madaling araw nung araw na yun, natagpuan si Tito R sa loob ng kanyang kwarto sa isang Pension Inn sa Malate, Manila…wala nang buhay. May humingi daw ng saklolo sa front desk at dali-daling dinala si Tito R sa PGH ngunit dead on arrival na siya. Ang cause of death – heart attack.  

jusi2

 Pupusta akong madaming katanungan ang naglalaro sa mga isip niyo ngayon. 

Sino ang tumawag sa mommy?             Si Tita M, kapatid ng namayapa. 
Matagal na bang may sakit si Tito R? Nagka-polio siya pero healthy naman daw in general.
May kasama bang lumuwas si Tito R? Eto ang juicy…OO!
Sino? Mas juicy…Isang babaeng nagngangalang Jocelyn.
Sino si Jocelyn? “Assistant/Yaya/Nurse” ni Tito R.
Direchahan na…Bakit kaya siya inatake sa puso nang madaling araw sa isang Pension Inn kasama si Jocelyn? Ano kayang naganap nang mga oras na yun? Hindi ko alam…kanya-kanya na lang tayo ng suspecha…(ayoko ma-cyber crime act noh!)

Pagdating sa PGH, tinanong ni mudra sa nurse station ng ER kung nasaan si Tito R. Nasa morgue na raw. Takbo kami sa morgue. Pagdating dun, malakas na binigkas ni mother ang pangalan ni Tito R. Siya kasi ang magcclaim sa katawan. Isang batingaw (bell) pala ang pangalan ng Tito R! Unti-unti, parang mga buwitreng nagsilapitan ang mga kalalakihan sa amin. Kinabahan kami kung ano’ng susunod na mangyayari. Yun pala… 

 “Ma’am, sa Funeraria Paz po ako. Bigyan po namin kayo ng discount!” 

“Ma’am, Funeraria Rey na lang po! Mas makakamura kayo.” 

“Ma’am, kayo po pala kay Mr. R. Funeraria Floresco na lang po kunin niyo.

Aaasikasuhin ho namin kayong mabuti.”

jusi3

 Inaaaay! Agawang-base pala itey! “Teka!!!”, sigaw ni mudra. “Di ko pa nga nakikita ang pinsan ko e!” Pumasok muna siya sa loob ng morgue. Sa isang sulok doon nakita naming nakaupo at umiiyak si Jocelyn. 

“Ma’am! Aku pu si Jusilin, yung kasama pu ni Ser R. Dili ku pu alam ang nangyare. Basta nung gineseng ku pu si Ser, ayaw na pu. Kaya gin-tawag ku pu yung mga tau sa baba. Mababaet naman pu sila kay tinolongan nela aku magaponta ditu sa uspetal.” 

Tinginan kami ni mudra. Mahihirapan tayo dito. JUSME JUSILIN!!! 

Sa madaling salita, matapus (este matapos) ang negusasyun (este negosasyon), the winner is FUNERARIA FLORESCO! Sila na raw ang maghahatid ng bangkay mula PGH hanggang funeraria. In fact, naka-standby na nga raw ang sasakyan nila. Sila na rin ang mag-aasikaso ng pagdadala kay Tito R pabalik sa Davao. Ok na ang plano. Dun na lang magkikita-kita sa Funeraria Floresco. Until… 

Mang B (of Funeraria Floreco):

Ma’am, kailangan pong isa sa

inyo ang sumama sa patay papuntang funeraria. 

Mudra (mabilis pa sa alas-kwatro):

P, ikaw na sumama!

Ako na magmamaneho ng koche kasama si Jusilin. 

P: Pero…

(Tinalikuran na ako ng nanay ko. Di na ako naka-apila.) 

            INAAAAY! Inescortan ako ng driver ng funeraria at isang assistant. Kitang-kita ko na pinasok sa Fiera ang stretcher kung saan nakahiga si Tito R. May nakatalukbong lang na kumot. Una paa. 

 jusi4

 Unang sumakay ang driver sa harap. Sa gitna daw ako pupuwesto. Pagkita ko sa uupuan, gusto ko na lumuha at umatras! Walang harang sa pagitan ng upuan namin sa harap at kay Tito R sa likod! Dios ko pong mahabagin! Idakma ko lang ang kamay ko patalikod, makakapa ko na ang kalyo sa mga paa ni Tito R! Hindi pa naman kami close! Pero wala na akong nagawa. Nauna na sina mother at inipit na ako nung isang assistant. Mula PGH hanggang umabot sa funeraria, isa lang ang pinagdarasal ko — wag na wag pepreno nang malakas ang driver at tiyak na susubsob sa batok ko ang hinlalaki ni Tito R!!! 

 Awa ng Dios, nakarating kaming funeral parlor nang hindi ako natatadyakan ng malamig na paa. Thank you Lord! Mahal niyo pa ‘ko! Sabi ni Bea sa The Mistress, “Walang babaeng pinangarap maging kabit.”  

 jsui5

Pwes, Bea, wala ring babaeng pinangarap maging sepak takraw ng bangkay! 

jusi6

Sa funeraria, si Jusilin naman ang umeksena. “Ma’am, sabi pu ni Ser R, magaponta raw kame deto sa Maynela. Deto raw kame mag-Pasku ba. Semple lang naman ang gosto ni-ya. Magbele lang daw kame ng supdrenk. Tapos maga-ponta kame sa Quiapo ba. Bele kame dun ng Iksilinti Ham. (HUWAAAT?! IKSILINTI HAM?!) Tapos yun na raw pu ang Nuchi Buina namen. Ma’am, waray pu akung pira pauli ng Dabau. Tolongan niyu pu aku.” 

jusi8

Habang inaayos ang Tito R sa funeraria, nagpasama kami kay Jusilin pabalik ng Pension Inn. Pagpasok namin sa kwarto, ayos naman. Dalawa, oo dalawa, ang kama. (Hinga SLIGHTLY nang malalim) May mga nakakalat na sapatos at damit. Normal. Pero pagpasok namin sa banyo, INAAAY ULIT! Nakasabit ang mga panty at bra na pinapatuyo ni Jusilin! Anak ng &*%! Sige, deadma lang. May pinagbilin kasi ang Tita M sa mommy. Weirdong request. Hanapin daw namin ang sapatos ni Tito R. Bakeeet?! E hindi naman sinasapatusan ang patay noh! In short, nakita naman namin. Kinalikot ni mudra. (Eeeew!) And lo and behold, may isang bungkos na salapi sa loob ng sapatos! 

Siguro mga P20,000 din yun! Sa loob loob siguro ni Jusilin, “Sayang! Di ko alam yun ah!” 

 Sa loob loob naman ni Mother Earth, “Ayos! Di na ko mag-aabono ng pamasahe ni Jusilin!” 

To make a long story longer, natapos ang araw bandang alas-12 ng hatinggabi. Dumating na rin si Tita M para sunduin ang katawan ni Tito R. Si Jusilin ay nabilhan namin ng tiket at hinatid sa airport papuntang Dabau. Masaya ang Funeraria Floresco. Pagod si Mother Earth. Si P naman, traumatized. Di maka-recover na bumiyahe akong 6-inches lang ang pagitan ng likod ko sa kuko sa paa ng isang bangkay. Ngayon ko masasabing CLOSE na kami ni Tito R. 

(pics from google images)

 

Related Posts

  • Itigil ang Pag-eemoteItigil ang Pag-eemote
  • Nang Dahil Kay CocoNang Dahil Kay Coco
  • #YeyeySerye#YeyeySerye
  • Home AloneHome Alone
  • Mark Anthony Fernandez!!!Mark Anthony Fernandez!!!
  • DIY Wine Bottle Chandelier FailDIY Wine Bottle Chandelier Fail

Provinciated, TSN Repost horror, kuwento, mudra

Comments

  1. donboga says

    February 29, 2016 at 12:18 am

    Hahaha. At 12:17am, tawa ako ng tawa, Atty. P! 😀

    Winner ka talaga po magkwento eh. Haha

    Pag nakasalubong ko po talaga kayo eh hindi ako mahihiyang magpa celebrity pin-up! :-p

    Reply
    • TSN says

      February 29, 2016 at 6:06 am

      Hahaha! Naku sana magkasalubong nga tayo soon!

      Reply
  2. P says

    October 15, 2012 at 7:33 am

    Malaki nga at bakal pa kaya very secure! 🙂

    Reply
  3. Anonymous says

    October 15, 2012 at 5:13 am

    kaloka…siguro laki ng sobra ng sapatos ni tito R pra me space ang pera hehehe!

    Reply
  4. R.O.S.E. says

    October 12, 2012 at 5:06 am

    wow, what a day! buti nalang naunahan nyo si jusilin sa Php20k haha! condolence nga pala sa pamilya ni tito r. hope okay ka na after your close encounter with the dead =)

    Reply
  5. cess says

    October 10, 2012 at 2:39 am

    Para akong baliw, tumatawa nang mag-isa dito sa office. 🙂

    Reply
  6. P says

    October 9, 2012 at 12:20 pm

    Salamat, Em! Ang nanay ko kasi, kung saan-saan ako kinakaladkad e. Haha!

    Reply
  7. Em says

    October 8, 2012 at 3:01 pm

    Sakit ng panga ko sa kakatawa, P! Winner! 🙂

    Reply

Leave a Reply to Anonymous Cancel reply

Your email address will not be published.

’Di bale nang mahina ang network connection, basta strong ang soshal network mo. Climb pa more! Isipin mo na lang na ang soshal na may tiyaga, may nilaga for lunch sa bahay ng mga friendship niyang soshal.

We are lawyers, Titas and your favorite soshaleras!

LET’S GET SOSHAL

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Categories

Subscribe to our YouTube Channel!

Notice

ALL RIGHTS RESERVED.
Unless otherwise stated, all pictures and texts used in this site are the property of The Soshal Network.
 
For features and events, please email [email protected] For other concerns, please email [email protected]

TSN on Facebook

How to Make Your Photos More Soshal

TOP 5 TIPS

NEXT 5 TIPS

PAA EDITION

TALIKOD TECHNIQUE

FOLLOW ALONG @THESOSHALNETRWORK

Explain lang namin ang photo na ‘to 😂 #GGSS Explain lang namin ang photo na ‘to 😂 #GGSS
Eto na nga ang THE NEW NORMAL -- 1. Dati, todo hab Eto na nga ang THE NEW NORMAL -- 1. Dati, todo hablot ka lang ng items, ngayon, iisipin mo muna kung bibilhin mo o hindi bago mo hawakan.
2. Dati, pwede ka abutin ng 3 oras sa pag-iikot, ngayon nag-aapura ka makalabas ng grocery! 
3. Dati, pwede pa gumala after shopping, ngayon, uwi, ligo, disinfect! 
Got THE NEW NORMAL errand tote bag and wallet from @bes_ph (Basic Essential Supplies). Dahil kung dati, pwede pa mag-ulit ng bag, ngayon, dapat direcho laba na! 😉
How to stay fit while doing household chores. #squ How to stay fit while doing household chores. #squatspamore 😂
Kusina workout 😂 full video sa aming YT channel Kusina workout 😂 full video sa aming YT channel!!
Gandang ganda at payat na payat kami sa itsura nam Gandang ganda at payat na payat kami sa itsura namin 10 years ago. Hindi kasi kami kumakain ng cake noon...tinatapal lang namin sa mukha. Foundation pa more!!! 😂😂😂
Yung Nanay mong mahilig umeksena sa online meeting Yung Nanay mong mahilig umeksena sa online meeting 😂
  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Copyright © 2021 · SITE DESIGN BY FANCY GIRL DESIGN STUDIO

Copyright © 2021 · Soshal Network 3.0 on Genesis Framework · WordPress · Log in