Originally posted on August 5, 2012.
In memory of Mother Earth.
Ayaw na ayaw ni Mother Earth kay Wil.
Kaya tuwing napipilitan siyang manood ng Wil Time Big Time ARAW-ARAW,
inis na inis siya kapag kumakanta na si Wil ng “Ikaw na Nga”, “Syempre (Ikaw Lang)” at “Baile”.
Hindi talaga siya fan.
Sa katunayan, minsan nanggaling siyang supermarket, binulatlat ko ang mga pinamili niya…
CDO Carne Norte
Oishi
Mang Tomas
UFC Tamis-Anghang ketsup
Vaseline shampoo at soap (subukan ko daw)
Rexona ni daddy
at Pepsodent (kahit habambuhay na Colgate at Close Up ang gamit namin)
P:
Ayos Mommy ah! Kulang na lang mag-sangla ka sa Cebuana Lhuillier!
Leave a Reply