Originally posted on February 12, 2013.
Kung naaalala niyo, isa sa mga first entries ni D ay ang kanyang 50 First Dates. Well, hindi naman talaga siya naka-50 dahil nakilala na niya nun si Papa O. Therefore, ipinasa niya ang korona sakin. Ang motto namin nun, “date and date until you succeed.” Wala namang mawawala. Makakalibre ka pa ng kain. Ang kaso, may mga pagkakataon na napakalupit naman ng naging kapalit ng “free meal” ko.
Minsan, nagtext sakin ang isa kong matalik na kaibigan na si Pets. May ipapa-date daw siya sakin. Kinulit kulit ko kung ano pangalan. Ano itsura. Para makapag-background check man lang ako. Ano pang silbi ni Google diba? Nagtataka ako kung bakit pinagkakatago-tago ng Pets ang pagkatao ng manok niya. “Secret, walang clue!”
P:
Hoy, Pets! Bukas na ang date!
Wala ka bang sasabihin man lang para makapaghanda ako?!
Pets:
Ok lang yan. Group date naman e. I’ll be there with you.
Basta, P, I want you to keep an open mind.
P:
Ohmaygawds!!! Yan na nga ba ang sinasabi ko e…
FOREIGNER ang ipapa-date mo sakin noh?!
Pets:
Hahaha!
P:
Anong klaseng foreigner?! Wag mo sabihing BOMBAY!!!
(Teka teka…Wala naman akong anything against Indians ha. Hindi lang ako mentally prepared makipa-date sa foreigner in general. Plus naloka ako na ang first foreigner date ko ay Bombay pa! Wala akong mashe-share o madidiscuss with him…except yung napag-aralan ko sa elementary at highschool na CASTE SYSTEM pero di ko naman alam kung relevant at polite na pag-usapan yun. Ano pa bang alam ko tungkol sa India…TAJ MAHAL…yun lang. That’s it pansit.)
And for that, ginawa ko ang gagawin ng kahit na sinumang panic-erang kagaya ko sa sitwasyong yun…NANOOD AKO NG DVD NG “SLUMDOG MILLIONAIRE“.
Pagdating sa Temple Bar, (oo, sikat pa ang Temple Bar nung panahong yun) pinakilala na sakin ang aking blind date — itago na lang natin siya sa letrang “R”. In fairness, matangkad, may tindig at may itsura naman si R. Pagtabi ko sa kanya, huminga agad ako nang malalim….the air is clear. (I’m so sorry pero kinailangan ko talagang gawin yun. Hipokrita ang magsabing di rin nila gagawin ang the same noh!)
Ok na ba ako?! Hindi! Dahil INGGLISERO ang lolo mo!!! As in di nagtatagalog kahit konti! I love you to death, Pets. Pero nung mga panahong yun, tadtad ka na ng mura sa utak ko! Sa madaling salita, napagkasya ko naman yung kaunti kong nakayanang English plus yung nadampot kong kaalaman mula sa Slumdog Millionaire.
At the end of the evening, paalaman portion na. Kating-kati na talaga akong umuwi. At parang wala rin naman kaming chemistry ng Lolo R mo. O baka hapong-hapo na lang talaga ang utak at kaluluwa ko.
P:
We have to go.
Thanks for the dinner and drinks.
Nice meeting you, R. (Naks!)
R:
Really?! You’re leaving?!
A bunch of us are going to Sofitel later
to play at the casino.
Join us!
P:
No thanks. I really have to go.
(TRANSLATION: Ulol ka ba?! Tingin mo sasama ako sa’yo sa Sofitel ngayong hatinggabi na?! E kung may taga-BaCav na makakita sakin na pumapasok ng hotel na may kasamang foreigner na lalaki?! Di pa sumisikat ang araw, kalat na kalat na sa buong nayon ang scoop na yan noh! NEK NEK MO!)
And for that, di na ko umulit sa foreigner. Masyadong liberated ata ang mga lolo mo. Or masyado lang akong malisyosa. Hehe. Di ko na alam kung ano nangyari kay R. Wala na kong balita. As for Pets, friends pa rin naman kami, awa ng Dios. 🙂
Wahahahahahahaha!!!! HAHAHAHAHAHAHA!!!!! Love you to death P!!!
Haha! Huminga ng malalim!!! Fave ko pa naman shawarma. #anongkonek
Denise, Bebengisms
jai ho!
Baila! Baila! 🙂
Hahahahahaha. LOL to the max!
hahah! i love this post! panalo ang slumdog review mo, buti di kayo nag-dance number to cap off the night. haha. panalo ka P! 🙂
In fairness to me, kung sakaling binanatan niya ko ng “bollywood moves” niya, sasabayan ko siya noh…”maglalatik moves” nga lang. Haha!