• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar

The Soshal Network

  • Home
  • Meet the TSN Girls
  • Recent Posts
  • Show Search
Hide Search

Itigil ang Pag-eemote

Provinciated · Aug 19, 2013 · 11 Comments

 

Bago nangyari ang lahat ng nangyari, Mother Earth and I had a FUNtastic weekend. Noong Sabado, na-B.I. (as in Bad Influence) niya ako na mag-mall sa halip na tapusin ang pleading ko. Nayaya pa namin sina Father Thunder at Atekupungsingsing. Noong Linggo, nanood pa kami ng “The Buzz” at “KapusoMo, Jessica Soho.” Nagkakanda-ihi kami sa tawa that night. Ako, literal na nahulog sa upuan.

 

I always had the best time with mudra. Parati kasi siyang patawa. Ayaw na ayaw kasi nun sa problema at sa lungkot…even after her passing.

 

Hindi ko alam kung maniniwala kayo pero after ilipat si Mother Earth from the O.R. to the I.C.U. noong Martes,  may bagong pasyenteng ipinasok sa O.R. The patient was not under any medication or anesthesia at the time pero nang pagpasok niya sa O.R.…

 

Patient:      Doc, sino po yung babaeng mataba na sunod

                    nang sunod? Tawa po siya nang tawa!

 

Kinilabutan ang mga doktor. They knew exactly kung sino ang tinutukoy ng patient. Babae…mataba…tawa nang tawa…no doubt, that was Mother Earth.

 

Pero naiimagine ko na ang reaksyon ni mudra: “Pukanenang ‘to! Ano’ng mataba?!?!”  🙂

 

Still, ang laking comfort knowing that she is happy where she is. And, I think, she was trying to make us happy as well even during the wake.

 

Noong ikalawang araw ng burol, may dalawang matandang babaeng nakaupo sa bangko sa labas ng chapel. Sa likod nila, nakahilera ang mga korona ng bulaklak mula sa dinami-daming friendships ni mother. All of a sudden, bumagsak ang isang korona. Sapul ang dalawang matanda!!! Dagling lumapit si Father Thunder!

 

korona

Father Thunder:     Ano nangyari sa inyo?

2 Babae:                    Ewan nga namin e. Bigla kaming binagsakan.

Father Thunder:     Siguro may masama kayong ginagawa kaya nagalit si Cecile.

2 Babae:                    Naku, hindi po ah! Hindi po talaga!

                                   Wala kaming pinag-chichismisan!!!

 

chismosa

 

 

Ayun! Lumabas din ang katotohanan! May pinagchichismisan naman pala! At malamang si Mother Earth ang topic kaya na-soplak sila!!! Buti nga!

 

Noong ikatlong araw naman, umaga, mag-isa akong nag-eemote sa photo gallery na sinet-up in honor of mudra. It featured pictures from her highschool and college days, during her political career, with family members and most recently, pics from our Europe trip. Nangingilid na ang luha sa mga mata ko. I was missing her terribly. Mamaya-maya, lumapit sa akin ang suki ni Mother Earth na baklang nagdadala sa’min ng sariwang pusit.

 

Beki:           Ate, condolence po.

P:                Maraming salamat. Wala ka nang suki.

Beki:           Oo nga po.

(Na-appreciate ko naman ang kanyang pakikiramay. Until…)

Beki:           (Pabulong) Ate, ibabalik ko po bukas.

P:                Ano?

Beki:           Ibabalik ko rin po bukas.

P:                Ang alin??? Ano ibabalik mo?

Beki:           Dalawang daan po. Hihiram po sana ako.

                    Wala po kasi akong puhunan.

 

Hindi ko alam kung hahagalpak ako ng tawa o sasapukin ko ang bakla.

 

P:                Ayos ka ah!!! Namatayan na ‘ko, uutangan mo pa ‘ko?!?!

 

In short, pina-utang ko pa rin. Bilang si Mother Earth ang paborito niyang hiraman ng pera, I am bound to continue the tradition. Hehe.

 

utang

 

I am sure si mudra ang may pakana ng lahat. Gusto siguro niyang sabihin na, “Hoy, P! Tama na ang pag-eemote mo dyan! Ang saya saya ko dito tapos panay ang ngawa mo!”

 

You never fail to make me laugh, Mother Earth. Yan ang pinakamami-miss ko. And I hope you don’t stop na gumawa ng paraan para mapasaya at mapatawa kami…pero wag naman sana ako parating ma-utangan. Mamumulubi ako.

 

 

Related Posts

  • P-in-ROJECT ANG PROJECT | Part 2P-in-ROJECT ANG PROJECT | Part 2
  • ClingyClingy
  • BRAzilBRAzil
  • Throwback: Bar ResultsThrowback: Bar Results
  • The HealerThe Healer
  • Bully | Part 2Bully | Part 2

Provinciated kuwento, memories, mother earth, mudra

Comments

  1. donboga says

    February 27, 2016 at 10:08 pm

    Naiiyak na ako nang biglang mangungutang pala si bakla! Hahaha

    You never fail to make us laugh, Atty. P.

    I’m so sure that proud na proud po sayo si mother Earth.

    Keep posting, Atty.!

    God bless po!

    Reply
  2. Liezl C. says

    August 27, 2013 at 10:58 am

    You should just keep writing about her P. Her stories will help you heal and they will remind you that she lived a full and amazing life. At the same time, we (your fans) also get to experience those moments with you. Ibang klase talaga si Mother Earth!

    Reply
  3. Biggie says

    August 21, 2013 at 9:18 am

    If only you guys knew Tita Cecil, aka Mother Earth. Kaming dalawa ang devil’s advocate at comedian ng parish council ng aming simbahan dito sa BaCav. At yung bukambibig nya na “pukanenang ‘to” never fails to elicit a hearty laugh from all of us.

    Reply
  4. Biggie says

    August 21, 2013 at 9:13 am

    If only you guys knew Tita Cecil, aka Mother Earth. Kaming dalawa ang devil’s advocate at comedian sa parish council ng aming simbahan sa BaCav. At ung bukang-bibig nya na “pukanenang ‘to” to never fails to elicit a big laugh from all of us.

    Reply
  5. Dianne says

    August 19, 2013 at 11:39 pm

    Condolence

    Reply
  6. christine says

    August 19, 2013 at 5:05 pm

    It’s late, but then Condolence Ms. P.
    I lost my Mom, when I was just 3 years old, so I don’t have any memories of her.
    I envy you, that you have a lot of good memories of your Mom. *virtual hug *

    Reply
  7. Nelizon says

    August 19, 2013 at 1:20 pm

    Nakikiramay ako bilang isa sa mga fans ng blog ninyo lalo na ng mga entries mo, P. Nawala din sa piling namin ang dear mudra ko 2 years ago kaya sobrang relatable ang sitwasyon mo sa akin. Naiyak ako sa kwento mo at the same time masaya for you dahil alam mong happy naman ang Mudra mo ngayon. May she rest in peace, P.

    Reply
  8. Camille Aguila says

    August 19, 2013 at 9:56 am

    Aww. God bless your family P. Mamimiss ng lahat ang Mother Earth stories mo. But still, we are thankful that she has made our lives more colorful kahit hindi namin sya tunay na kakilala. 🙂

    Reply
  9. Em says

    August 19, 2013 at 8:22 am

    Nakakamiss mga kwento mo about Mother Earth, P. I’m sure very happy siya ngayon na khit papano nkkwento mo padin siya.

    Winner si bakla. Lol! Sana naglagay kayo ng money sa kamay ni Mother Earth habang nakaburol. Then kukunin nlng before ilibing. Swerte daw yun. Hehe.

    Reply
  10. Mommy Pehpot says

    August 19, 2013 at 7:32 am

    waah eh bat nakakaiyak ang post mo?

    condolences P

    Reply
  11. Berns says

    August 19, 2013 at 7:19 am

    Nakakatuwa naman tong post mo. It’s a gloomy rainy monday. Buti na lang may mother earth-funny stories kang na-share 🙂

    Reply

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published.

’Di bale nang mahina ang network connection, basta strong ang soshal network mo. Climb pa more! Isipin mo na lang na ang soshal na may tiyaga, may nilaga for lunch sa bahay ng mga friendship niyang soshal.

We are lawyers, Titas and your favorite soshaleras!

LET’S GET SOSHAL

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Categories

Subscribe to our YouTube Channel!

Notice

ALL RIGHTS RESERVED.
Unless otherwise stated, all pictures and texts used in this site are the property of The Soshal Network.
 
For features and events, please email [email protected] For other concerns, please email [email protected]

TSN on Facebook

How to Make Your Photos More Soshal

TOP 5 TIPS

NEXT 5 TIPS

PAA EDITION

TALIKOD TECHNIQUE

FOLLOW ALONG @THESOSHALNETRWORK

Explain lang namin ang photo na ‘to 😂 #GGSS Explain lang namin ang photo na ‘to 😂 #GGSS
Eto na nga ang THE NEW NORMAL -- 1. Dati, todo hab Eto na nga ang THE NEW NORMAL -- 1. Dati, todo hablot ka lang ng items, ngayon, iisipin mo muna kung bibilhin mo o hindi bago mo hawakan.
2. Dati, pwede ka abutin ng 3 oras sa pag-iikot, ngayon nag-aapura ka makalabas ng grocery! 
3. Dati, pwede pa gumala after shopping, ngayon, uwi, ligo, disinfect! 
Got THE NEW NORMAL errand tote bag and wallet from @bes_ph (Basic Essential Supplies). Dahil kung dati, pwede pa mag-ulit ng bag, ngayon, dapat direcho laba na! 😉
How to stay fit while doing household chores. #squ How to stay fit while doing household chores. #squatspamore 😂
Kusina workout 😂 full video sa aming YT channel Kusina workout 😂 full video sa aming YT channel!!
Gandang ganda at payat na payat kami sa itsura nam Gandang ganda at payat na payat kami sa itsura namin 10 years ago. Hindi kasi kami kumakain ng cake noon...tinatapal lang namin sa mukha. Foundation pa more!!! 😂😂😂
Yung Nanay mong mahilig umeksena sa online meeting Yung Nanay mong mahilig umeksena sa online meeting 😂
This error message is only visible to WordPress admins

Error: API requests are being delayed for this account. New posts will not be retrieved.

Log in as an administrator and view the Instagram Feed settings page for more details.

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Copyright © 2021 · SITE DESIGN BY FANCY GIRL DESIGN STUDIO

Copyright © 2021 · Soshal Network 3.0 on Genesis Framework · WordPress · Log in