• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar

The Soshal Network

  • Home
  • Meet the TSN Girls
  • Recent Posts
  • Show Search
Hide Search

Tinalo ni Mitch si Maring

Provinciated · Aug 24, 2013 · 3 Comments

Isa sa pinaka-apektado ng bagyong Maring ang pinakamamahal kong BaCav. Sabi ko nga, “Minsan minsan lang mabanggit sa news ang Bacoor. Kung hindi tungkol sa drugs at patayan, delubyo naman ng bagyo!”

 

Kalunos-lunos talaga ang mga eksena dito sa amin…

 

maring1

Ang terrace ni Mother Earth

 

maring1a

Ang aming kitchen

 

May truck na naka-park sa labas ng gate namin. Maliit lang pero covered. Kamukha niya yung mobile x-ray vehicles. Napansin ko na yung isang pedicab driver dito sa amin, labas-masok sa truck. Apparently, hanggang dibdib ang tubig sa bahay nila kaya nakiusap silang dun muna mamalagi. Take note, lubog din sa baha ang gulong ng truck. 

 

Kapag may pagkakataon, inaabutan namin sila ng biskwit at tinapay. Noong pangalawang araw…

 

P:             Lupin! (Yes, Lupin talaga tawag sa kanya)

                 Eto ang pandesal oh, paki-abot na lang.
 
Lupin:   Salamat po.
 
P:             Teka, ilan ba kayo dyan sa truck?
 
Lupin:   (Nagbilang…at parang andami niyang binibilang…)

                 WALO PO.

 

Naloka ako!!! Paano nagkasya ang walong katao dun?! For 48 hours!!!

 

Maring2

 

Pero sa gitna ng delubyo, ang Filipino/Kabitenyo spirit ay hindi pa rin matitinag. Pangitang-pangita naman yan sa litratong ito…

 

 

Maring3

 

In the fer…naging viral ang photo na ‘yan! Kumalat sa iba’t-iabang social networking sites…

 

Sa Facebook ni P, mahigit 100 likes at di mabilang na shares ang nakuha nito.

 

Sa Instagram…

 

Maring4

 

Maring5

 

 

Sa iba’t-ibang websites…
 

 Maring7

 

Maring8

 
At maging sa TV! Lumabas ang picture sa Bandila, 24 Oras, Aksyon at ANC! Shala!!!

 

Ang babaeng naka-yellow jacket ay walang iba kundi si…

 

MITCH EUSEBIO!!!

 

Siya ang anak-anakan ni Mother Earth since time immemorial. Halos araw-araw andito yan sa bahay…kahit pinagtatabuyan na nga ni Father Thunder. Hehe…JOKE!

 

At sa kauna-unahan niyang interview…eksklusibo! Isisiwalat niya ang kwento sa likod ng litrato. Provinciated, pasok!

 

P:             Bakit niyo naisipan mag-inuman sa gitna ng baha?

 

Mitch:    Kakatapos lang namin magsalansan ng sandbag para

                  hindi kami pasukin ng tubig. E giniginaw na ang mga

                  bagets kaya nanganchaw magpa-inom.

                  Nagbigay naman ang mga kapit-bahay.

                  Pagkabigay, pinalabas ko yung mga silya’t lamesa sa labas.

                  Ayun na!

 

P:             Ah so nagkawang-gawa naman pala muna kayo

                  bago mag-happy-happy.

 

Mitch:    Korek!

 

P:              Ano feeling mo na kumalat ang picture at na-TV pa?

 

Mitch:     Aba, malay ko bang kakalat yun!

                  Ang alam ko lang ay pang-post lang yun dito sa FB at TSN.

 

P:              Sikat ka na e! May nagpapa-autograph na ba sa’yo?

 

Mitch:     Madami! Nakakahiya nga e. Ngayon lang ako tinalaban ng hiya.

 

P:             Aba! Pambihira nga yun!!!

 

Mitch:    Oo nga, ‘tong kapal ng mukha kong ‘to!

 

P:             Buti naman inamin mo.

 

 

Dyan talaga kilala ang Pinoy, kahit parang pinagtakluban na ng langit at lupa, marunong pa rin mag-bayanihan at magkatuwaan!

 
 

Related Posts

  • WATPION: DON MARIOWATPION: DON MARIO
  • Meet the Asian CutieMeet the Asian Cutie
  • WATPION: Nanay FloraWATPION: Nanay Flora
  • Buenas na 2014Buenas na 2014
  • Bear Brand Boy: Look at My MoleBear Brand Boy: Look at My Mole
  • Ganito kami sa BaCav! Ganito kami sa BaCav!

Provinciated Cavite, feature, flood, interview, Maring, Pinoy, WATPION

Comments

  1. marlene says

    September 8, 2013 at 5:18 pm

    sa tagal ng panahon hindi aq nk- ol, ei MITCHELLE na miss na kita! ^_^ kwentuhan mo ko tungkol dito!

    Reply
  2. edel leonsua says

    August 24, 2013 at 10:27 am

    lagysn ng watermark ang napakagandang litrato na yan ni mitch! mitch, pa autograph! =)

    Reply
  3. Em says

    August 24, 2013 at 7:18 am

    Hahaha. Nga naman, iba talaga ang pinoy 🙂 teka, binabad ba muna yung Red horse sa baha pra malamig lamig pa? lol.

    PS.
    Don’t forget to put watermark next time 🙂

    Reply

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published.

’Di bale nang mahina ang network connection, basta strong ang soshal network mo. Climb pa more! Isipin mo na lang na ang soshal na may tiyaga, may nilaga for lunch sa bahay ng mga friendship niyang soshal.

We are lawyers, Titas and your favorite soshaleras!

LET’S GET SOSHAL

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Categories

Subscribe to our YouTube Channel!

Notice

ALL RIGHTS RESERVED.
Unless otherwise stated, all pictures and texts used in this site are the property of The Soshal Network.
 
For features and events, please email [email protected] For other concerns, please email [email protected]

TSN on Facebook

How to Make Your Photos More Soshal

TOP 5 TIPS

NEXT 5 TIPS

PAA EDITION

TALIKOD TECHNIQUE

FOLLOW ALONG @THESOSHALNETRWORK

This error message is only visible to WordPress admins
Error: No users set.
  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Copyright © 2021 · SITE DESIGN BY FANCY GIRL DESIGN STUDIO

Copyright © 2021 · Soshal Network 3.0 on Genesis Framework · WordPress · Log in