Katulad siguro ng karamihan ng lalaki, hindi mahilig mag-mall ang tatay ko. In fact, nakakaladkad lang namin siya ni Mother Earth IF AND ONLY IF bibigyan namin siya ng moment to visit his “happiest place on earth” – ang HARDWARE. Pwedeng Ace, Handyman, True Value o Do-It-Yourself. Wala siyang pake, basta hardware.
And the last time we went “malling” with mudrabels, ito nga ang ginawa niya. Habang nasa grocery si Atekupungsingsing at Mother Earth, sinamahan ko si pudra sa hardware. Ikot…ikot…tingin…ikot…hanggang tumigil siya sa Tools Section. Ang kanyang tinigilan –
Sheet Sander.
Ito yung parang polisher na may sandpaper sa dulo pero mas handy na version.
Naisip ko, para siguro yun sa bagong renovate na kwarto nina daddy. O di kaya para sa flooring ng bahay. May pagka-O.C. kasi yung tatay ko.
But no…nang tinesting ang sander…
Father Thunder: Nagana naman ano?
Papalitan ko na lang siguro ng mas pino na lihiya
(apparently, may fineness ek-ek pa pala ang sandpaper)
Salesman: Opo, sir. Tignan niyo po…
(dinikit ni salesman ang daliri niya sa sander)
Natanggal nga po kalyo ko e.
Father Thunder:
Ah ganun ba? Good!
Kasi ipang-tatanggal ko talaga yan ng kalyo ko sa paa e!
Bwahahaha!! Faaaaaaather! Blade daw kasi ang pinangtatapyas niya sa kalyo niya. (Take note: Blade talaga ha! Kasi hindi na kaya ng powers ng eskoba at nail file) Kaso, nasugatan daw siya. Ang next level up: Sheet Sander!
Panalo si Father Thunder!
Nakakatawa si father thunder ha! Sobra naman! At hwag naman blade! 🙂