Originally posted on November 14, 2012.
Unlike P na updated sa lahat ng telenobela, ang karaniwan pinapanood ng Familia D ay Disney Channel. Favorite ni Baby A ang Doc McStuffins, Tayo, “Meki” Mouse Clubhouse at Bananas in Pyjamas.
Napanood niyo na ba ang Bananas in Pyjamas? Sino ba ang hindi makakakilala sa sikat na sikat na si B1 at B2. Sa sobrang sikat nila, tinagalize pa ang Bananas in Pyjamas ng ABS-CBN, at ang famous line nila ay:
Naiisip mo ba ang naiisip ko, B1?
Palagay ko nga, B2!
Ngayon, mapapanood na ang cartoon version ng Bananas in Pyjamas sa Disney Channel. In fairness, hindi na sila mga mascots. So, hindi na sila masyadong nakakatakot. Pero ang dami katanungang bumubulabog sa utak ko dahil sa mga saging na ito.
· Una sa lahat, kung mapapansin nyo, si B1 and B2 lang ang prutas. Samantalang ang ibang characters sa Cuddles Avenue ay puro hayop. Bakit? What’s so special about bananas at ka-level na nila ang mga animals?
· Bakit sila palaging naka pajamas?! Di naman sila palaging natutulog, hindi ba sila nagbibihis? O kung nagbibihis sila, bakit di sila magdamit ng pang-alis? Pero in fair, nagpapalit sila ng shoe wear. Minsan naka-rubbershoes sila, minsan naka-slippers.
· Bakit patok sila sa mga bata?
· At sa mga matatanda?
· Bakit buhay sila? Zombies ba sila kaya di sila namamatay? Pero kung zombies sila, bakit mukha silang fresh palagi?
· May unggoy na scientist silang kapitbahay, bakit di sila kinakain ng unggoy? Di ba mahilig ang unggoy sa bananas?
· Anong klaseng saging si B1 at B2? Malamang hindi sila senyorita kasi mas malaki pa sila sa mga oso. Lakatan? Pero sure ako imported sila. Sa Australia kasi galing si B1 and B2 ayon si Wikipedia.
· Sino ang mga magulang nila? May magulang ba sila?! Pinanganak ba sila?! Naka-pajamas na ba sila ng pinanganak?
· Bestfriends ni B1 and B2 ay mga oso: si Amy, Morgan at Lulu. Di ba kumakain din ang mga oso ng saging?
Ang dami dami pang katanungang wala namang siguradong kasagutan. Isa lang ang sigurado ako… si B1 at B2 ang naging inspirasyon ni Mark Lapid nung sinabi niya ang:
Inaamin ko! Saging lang kami!
Pero maghanap ka ng puno sa Buong Pilipinas..
SAGING LANG ANG MAY PUSO!
Apoy sa Dibdib Ng Samar, 2006
(pics from google images)
Ang dami kong tawa. :))
-Nester
B2: Tama ka dun Camille! Boink!
oo nga!! palagi nga sila naguuntugan!!!
At least sa cartoons di na sila nagkakauntugan kapag nakakaisip ng ideas. 🙂
Bakit nga ba hindi sila nangingitim? E yung saging sa bahay namin, berde pa sa umaga, pagdating ng gabi, mukha nang dalmatian with spots.
hahaha! Bebeng, ako pinapaiwasan ako ang Upin and Ipin! di sila cute!!!
Alam mo Mommy D (sorry tunog Dionesia ba?), pinapaiwasan ng asawa ko sa anak ko yang si B1 at B2. Buti hindi masyado natatymingan. Kaloka. Tama nga mga tanong at observation mo. Si Mark Lapid ang may sala ng lahaaaaat. Hahahaha! 😀
Bebengisms
Hi Cham! 5 mins lang ba? Bakit ang feeling ko ang haba haba?!?!? hahaha! 🙂
Hihi. Napaisip din ako sa mga tanong mo ah! Love that show… Bad trip lang kasi 5 mins (?) per episode lang…