Dahil nagtitipid ako nowadays, naisipan kong magbaon na lang ng pagkain sa opisina araw-araw. Usually, yung leftovers from dinner the night before, yun ang lunch ko. Kahapon…
P: Nene!!! Ano baon ko today?
Nene: Naku, ate. Wala nang natirang ulam kagabi e.
P: Ganun… 🙁
Nene: Pagluto na lang kita, ate.
Father Thunder:
Ne, may pinakatay akong pabo kahapon sa farm. Yun na lang lutuin mo para baunin ni P.
Actual photo ng pabong pinapabaon sa’kin ni Father Thunder
Nagtinginan kami ni Nene…BWAHAHAHAHA!!! Unang una, daddy, nakakalokang ang baon ko for lunch ay ISANG BUONG PABO! Thanksgiving lang?!?! Pangalawa, wala pa atang namamanufacture na Lock ‘n Lock na kasya ang isang buong pabo. Pangatlo, kahit pumayag ako, ano’ng petsa pa kaya ako makakapasok???
Umo-OVER-THE-TOP na rin ang tatay ko. Sinasaniban ni Mother Earth.
Today naman…
P: Nene!!! Ano baon ko today?
Nene: Meron pa natirang kalahating pisa, ate.
P: Pisa? Ah, pizza! Kelan kayo kumain ng pizza?
Ano flavor?
Nene: Hehe…hindi pisa, ate. Pisa.
P: Huh? Pizza nga.
Nene: Pisa…pisang isda po.
Yung parang nilaga.
PESANG ISDA pala!!! Anak ng @#$&! Bwahahaha!
Parang ayaw ko na tuloy magbaon…:-)
Winner na winner si nini,pisang isda.