Halloween na naman. Uso na naman ang mga horror movies. Namimiss ko tuloy manood ng “Magandang Gabi Bayan” tuwing ganitong panahon. Aminin mo, nanonood ka rin nun. At siyempre, uso na naman ang “Trick or Treat.” Paano nga ba nauso ‘yan?
According to Wikipedia:
The practice of dressing up in costumes and begging door to door for treats on holidays dates back to the Middle Ages. Trick-or-treating resembles the late medieval practice of souling, when poor folks would go door to door on Hallowmas (November 1), receiving food in return for prayers for the dead on All Souls’ Day (November 2). It originated in Ireland and Britain, although similar practices for the souls of the dead were found as far south as Italy. The custom of wearing costumes and masks at Halloween goes back to Celtic traditions of attempting to copy the evil spirits.
Ika nga ni Pambansang Kamao, Manny, “Now you know!” At ika nga ng sumalangit nawang si Ka Ernie, “Knowledge is power.”
Pero ang pinaka-exciting at challenging tuwing Halloween ay ang paghahanap ng swak at mabentang costume. Lalo na para sa mga bagets. At dahil yearly kami nagcocostume party ng Familia Reyes (side ni Mother Earth), eto ang ilan sa mga costume noong “Disney Characters” ang tema…Baka may ma-type-an kayo gayahin.
Looks family?
‘Yan ang pinang-abay ko sa wedding ni D. Pasok namang “Tinkerbell” diba?
E1 at E2, syempre Disney Princesses.
Ako, Tinkerbell na hindi makinis ang kili-kili.
Atekupungsingsing, Minnie Mouse.
Pinagawa namin ang costume ni Ate sa palengke ng Imus.
Mura lang! P700 lang ang labor. Pwede na diba?
On Mother Earth: Fairy Godmother, ano pa?!?!
Halloween costume
Tita Cherie and her family: Greek gods ang peg based on the Disney movie, “Hercules”.
Kuya Alvin, Ate Jinky, Amber and the Kambal (Jillian and Julia)
Bongga ng costume ni Kuya as Aladdin! Hanggang sapatos career!
Pero walang makakatalo sa costume ni Father Thunder that year…Handa ka na ba???
Bumili lang si mudra ng plain red shirt.
Sinulatan ko ng letterings na “Biennie the Pooh”,
ginawang midriff,
sabay hawak sa jar of hunny and
VOILA!
WINNIE THE POOH in da haus!!!
Halloween costume
Yung ganitong post ni P ang dahilan kung bakit tuwing after business hours ko lang binabasa ang blog ng TSN or tuwing weekends. Wala na kasing mga boss at hindi ilegal ang tumawa ng malakas sa office! Hahahahahah, keep it up, TSN girls and Merry Christmas! 🙂 ~ from your newest faney! 🙂
kahit ngayon ko lang ito nabasa, grabe tawa ko kay father thunder! the least effort, the most impact ang dating!!!
walang sinabi ang shoes ni father thunder!!!! waging wagi!!
panalo ang winnie the pooh ni pader!
hahahahahaha
bonggang costumes! wagi!
Naku P! Nakakaloka, naaliw ako masyado sa post na ito. Winner! 🙂
Yung tipong mag isa ko, then pag scroll down ko.. napahagalpak ako ng tawa, sa costume ni father thunder.. WINNER na WINNER..
Winner ang costume ni Father! Maganda yan lalo na sa buhay ngaun iwas gastos. LOL!
Aba pwedeng pwede pala si hubby ko kahit walang costume, need lang ng shoes gaya ni Father Thunder
panalo ang shoes ni father thunder! btw pwede din sya lolo thunder o papa bear!
OMG! Muntik ako malaglag sa chair ko! Panalo si Father Thunder. Wahahahaha 🙂
hahaha! pinag-uusapan pa lang namin sa office kung anong magiging theme sa Xmas party.. Gusto namin cosplay/icons, laughtrip aqoh ke father thunder! alam qoh na kung anong ipapasuot qoh sa officemate qoh! haha!