Last Monday, sumama si Atekupungsingsing sa akin sa office. Parati kasi siya nalulungkot nowadays sa bahay. Alam niyo na, may namimiss…kaya parati siyang sabit sa mga lakad ko.
Nakapila ako sa ATM sa office nang may bumati sa amin.
Olenski at Rons:
KASAMA MO PALA SI ATEKUPUNGSINGSING!!!
Natuwa naman ang ate. Sikat na daw siya. Naaaks!
Di ko alam kung nabanggit ko na sa inyo before but my Atekupungsingsing is a special child. Hindi halata sa looks at disposisyon niya. (Oo na, aminado naman akong mas maganda siya sa’kin. Hehe)
She was born with a learning disability. Kung baga, she is now 42 years old, but her mental development is that of a pre-teenager. In short, siya ang bunso. Noong maliit pa siya, inenroll siya nina mudra at pudra sa regular school until they found out about her condition. Kaya sa special school na siya pinasok. I remember ang pangalan ng school, “The Learning Center” sa may Merville Village, Paranaque. It was a nice school. Malaking bahay na ginawang paaralan ng may-ari kasi may special child din silang anak. Mababait ang teachers at kumpleto sila sa facilities at activities for the students. Ang kaso, nagsara na ata sila.
I have been trying to look for activities para sa Ate lately para maaliw siya. Baking or art classes sana somewhere near Makati para masundo at hatid ko siya. Kung may alam kayo, let me know ha! Nahihirapan kasi ako maghanap.
Once, may nakausap akong cooking school. Reasonable naman ang presyo for a basic short course on cooking. Kaso, when I told them about my Ate’s condition and I asked kung pwedeng samahan siya ni Nene during the class to assist her and to take down notes, ayaw pumayag! Dapat i-enroll ko rin daw si Nene! Vakwet???! E marunong na magluto si Nene noh. Ipapa-experience ko lang naman sa Ate ko yung pumapasok ulit siya sa school at nagsusuot ng chef’s uniform! Imbey!!!
I was very disappointed. I just think that all schools, even those conducting small classes, should make themselves accessible and make certain adjustments for people with disabilities. Hindi naman siguro nila ikahihirap o ikababawas ng oxygen na malalanghap nila kung may isang ekstrang tao na nasa venue diba???
Nalulungkot ako kapag may nababalitaan ako sa news o sa facebook na may mga taong nanghuhusga o pinagtatawanan o di kaya ikinakahiya ang mga taong may kapansanan. Lalong lalo na kapag kapamilya mismo nila ang gumagawa nito. Our family has always been and will always be proud of Atekupungsingsing. And we think she deserves all the things other people enjoy.
Atekupungsingsing
Atekupungsingsing
Salute, Atty. P!
Nakaka-touch naman itong post mo. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo kay Atekupungsingsing.
Anyway, advance happy birthday po kay Atekupungsingsing!
May God bless you and your family more. 🙂
Nagiisa lang ako na anak pero everytime I read sibling bits from P I feel the lurve.
Sana makasalubong ko sina P at Atekupungsingsing around Makati one of these days. Hijakin ko kayo at ihohostage ko kayo for a bonding sesh over coffee.
Ay gusto namin yan! Todo na natin over dinner! 😉 Super saya ko sa comments mo. Maraming maraming salamat sa pagbabasa ha.
i have a brother na special child kaya na-feel ko ang pagka imbyerna mo sa cooking school na yan!
You know what, P, you really write from the heart. Para mong kinurot ang puso ko pero at the same time, mas pinahanga mo ako lalo.
I sincerely wish the best for your sister, you and your family as a whole. Iba ka!!!
Naku, natuwa naman po ako sa comment niyo. Maraming maraming salamat po!!! Please keep reading the blog. Hi din daw po from Atekupungsingsing. 🙂
Hi P! I am an avid reader of your blog since last summer. You never fail to make my day. 🙂 Anyway, my brother-in-law is special too. He has down syndrome. He just turned 21 last week. He also gives so much love and joy to our family. My mother-in-law always makes it a point to provide activities for him. Kaya I can relate to you. He enrolled in Global Art Academy last summer. Super enjoy siya talaga. Maybe you could check this out. I bet your sister will enjoy! There is a center in Makati. 🙂
Global Art Makati Center
Address: 2/f, Three Salcedo Place Bldg, 123 Tordesillas St. Salcedo, Makati City Metro Manila, Philippines
(in front of Salcedo Park/Saturday Market; 2/f to UCPB, inside Jollijam Arts Center)
Contact: 392-6220 or 664-8558
0922-886-8343
Email: globalartmakati@gmail.com
Hi Jewel! Will definitely check out Global Art. Malapit pa sa office ko. Thank you sobra for the tip ha. Really appreciate it. Pag nahanapan ko na si Ate ng activity, for sure I’ll write about it para ma-update ko kayo. 🙂
You’re welcome P! Happy Birthday din pala. 🙂 Thank you for spreading joy to mankind! bow. Will definitely wait for more posts about your ate. God bless!
P! Alam mo eto ang pinaka-favorite kong post mo. May kurot sa puso kasi pareho tyo. May kapatid din akong special. Actually nung una akala ko eh comedy comedy lang ‘to. Pero nung naging seryoso na, ay iba na ‘to. Tama ka, deserve na deserve ni atekupungsingsing na maging happy. Wala dapat mag-deprive sa kanya nun.
Lalo ko kayo ina-admire ng family mo 🙂
Naku, natuwa ako sobra sa comment mo, diane. Promise. Hay, kahit nagtatalo kami ni Atekupungsingsing (mostly siguro dahil pareho kaming isip-bata), labs na labs ko yan at super lambing niya sa’kin. Lalo na ngayon na wala na si Mother Earth. Parati nga siya sumasama sa office. Malapit na nga siyang check-an ng attendance dun e! Please say hi sa sister mo for me! 🙂
*sister/brother
saludo ako sa’yo P! very blessed si Atekupungsingsing na magkaroon ng kapatid at pamilyang katulad nyo. 😉
Kung sino ka man, ANONYMOUS, maraming maraming salamat! Pero tingin ko, kami ang blessed na may Atekupungsingsing kami sa pamilya. 🙂
Nye! Nabanggit pa kami ni olen sa blog. Pareho pala tyo atty. P may sister din kami ni olen na special pareho din ni Atekupungsingsing late lang din ang mental development. Kaya kahit si Olen ang bunso yng sister namin na special ang parang bunso na.
Syempre, may cameo kayo noh! Haha! Parehong pareho pala kami ni Olen. Minsan sama niyo rin yung kapatid niyo sa office at makiki-friendship ako. Hehe 🙂
Same sentiments and hopes 🙂
Thank you sa comment, J3. 🙂
Thumbs up, Camille. God bless you po.
Naku, salamat po atty. jess. Alam kong kapanalig ko kayo dyan. 🙂