May friend akong doktora. Itago na lang natin siya sa letrang “L”. High school pa lang kami, kilala na si L sa involvement niya sa mga kawang-gawa. Kaya hindi nakapagtataka na ngayon na doktora na siya, suki siya sa mga medical missions.
Isang araw kausap ko siya sa phone…
L: Kamusta ka na?
P: Eto, work at blog lang. Ikaw?
L: Papunta akong medical mission ngayon e.
P: Naaaks! Saan?
L: Dito sa Ayala Alabang.
P: Huh??? Ayala Alabang???
E puro mayayaman dyan ah!
Sino i-memedical mission mo e lahat ng tao dyan
kaya magpa-confine at tumira sa Asian Hospital
nang isang buwan ma-haching lang sila!
Photo from google
L: Uhmmm…oo nga noh. Di ko rin alam.
Basta ininvite ako kaya sasama ako.
Ikaw na, L! Bayaning doktora ng bagong milenyo! Bow.
doktora
honga naman… bat sa ayala alabang ang medical mission…. :S confused.
P – isabak na yan sa giyera. Batikan na yang si doktora!
Hahahah! I shall now always watch what i say! At in fairness may mga mahihirap na kaso din!
Hahaha! Dami na nga nagtatanong sa akin kung pwede ka raw iinvite sa medical mission e. 🙂