Taong 2011 nang ma-engganyo ako maglaro ng SNOOPY’S STREET FAIR sa iPad dahil sa officemate kong si L at barkada kong si R.
Sa game na ito, pwede ka bumili ng game or food stalls, décor, etc. hanggang sa makabuo ka ng isang malaking street fair. Pwede mo i-organize depende sa gusto mo. Pero ang pinakamasaya dito, yung pag-collect ng coins galing sa stalls. Ma-trabaho, pero masaya.
Minsang may kailangan akong gawin, pinilit kong magpa-collect ng coins kina Mother Earth at Father Thunder. WRONG MOVE. Dahil after nun, bihira ko na nahawakan ang iPad. Unahan at agawan sa pag-collect ng coins ang nanay at tatay ko. Di na ko nakasingit.
Well, 2013 na. May Version 2.0 na nga ang Plants vs. Zombies. Ang Candy Crush Saga, naka-25 updates na ata. Pero ang tatay ko, nasa SNOOPY’S STREET FAIR phase pa rin. Hanggang…
Last weekend, dumalaw si Kuyakoy dito sa BaCav. May na-chika siyang game na dapat daw masubukan ni daddy-o. Alam niyo ba yung 4 PICS 1 WORD? Intellectual diba? Bagay nga kay daddy. Pwes, dinownload ko.
Success!!! Na-adik ang tatay ko sa 4 PICS 1 WORD! Hindi mabitawan ang iPad kahit sumasakit na raw ang ulo niya. Pero na-stuck siya sa Word # 51…eto ang itsura…
Dumaan ang 2…5…10 minutes. Di namin maisip pareho…
Father Thunder: May S…at P…may N…at O…ah SNOOPY!!!
Ngek! Patunay na you can take the man out of the game but you can’t take the game out of the man. (Meganun ba? Wala ata…)
plenty po ang sagot ata jan ms. P, eheheh, isa din po yan s nhirapan aq, ehehe