Dumadaldal na si Baby A ko 🙂
Favorite niyang sabihin lately…
Mimi, wait!!
(Mommy, wait!)
Geyash!
(Gosh!)
What?!
Oh yeah!
English speaking lang?!
———
Kagabi hinaharot siya ng Daddy niya. Ayaw na ayaw ni Baby A na ineembrace siya ng matagal. Ayaw niyang nakukulong . Kaya kapag gusto namin siya inisin (hehe) hinu-hug namin siya ng sobra. Usually, iiyak lang siya. Pero nung isang gabi, sabi niya:
“MIMI, HHHHHHAP ME”
(Mommy, help me)
Ang cuuuute!!! Ang daming hangin ng HHHHHAP me!
Maya-maya nagturo sa DVD player…
“HAY- HAY – HAY -FAI”
(Hi- Hi- H-Five)
Iplay ko na daw DVD niya na Hi-5. And so, Hi-5 time na. 🙂
After 5 minutes, nagturo naman sa bag ko.
“HAY- HAY – HAY “
Me:
Ayan na ang Hi-5 oh. Watch ka na!
Baby A:
“Hhay-Hhay-Hhay”
This time, natataranta na siya! Hinihila na talaga niya ako patayo ng bed. Eh tinatamad ako… Nainis si Baby A! Sumigaw ng…
Mimi!! Hay-Pad!!
Anak ng… iPad pala!!!
Bakit ko nga ba HINDI NAHISIP NA HAYPAD!!! Ang dami naman kasing H eh!!! Nagalit tuloy siya 😀
—————
Ang kyot lang. Hehehe. Este hhhehhhehhhe!
hhighblood aghad si bhaby A cutie ^_^
May Khaphamphangan influence ba si Baby A, Mommy D? Hihihihi! Cuteness! 🙂
Haaaaaaay! Heeeeyo! baby A! 🙂
Simula na yan, D! Once she turns 3, hindi na kayo makkatulog kakasagot ng tanong niyan 🙂