………….
Alam kong this is a humor/lifestyle blog. Kaya sana as much as possible, gusto namin na makakuha naman ng “break” or comedic relief ang mga readers from all the horrid news na mapapanood sa TV at mababasa sa dyaryo. Pero sa delubyo at hirap na dinaranas ng mga kababayan natin sa Visayas, mahirap magpatawa.
Pero ang DPWH, may sense of humor pa rin ha.
…………………
Ansaveh??? Taga-Cavite ako. Si Papa N taga-Laguna. Pero wala kaming alam na kahit isang kalsada sa area namin na hindi madaanan dahil sa bagyong Yolanda. So bakit achievement na passable na ngayon? Kelan hindi naging passable? Kapag may putik at mangilan-ngilang twigs at dahon na nahulog, di na passable? So kapag winalis, passable na? Pwede na i-report as an accomplishment?
This is a classic case of MEMA …MEMASABI at MEMAPAGYABANG! Imbey!!!
—————
Sana sinescreen din ng dyaryo yung mga sinusulat nila! Sa totoo lang, some bloggers are more reliable than newspapers eh. Wala kasing pinapanigan 🙂
Sinabi mo pa, AJ! 🙂
Nyahahahahaha!! Very good job DPWH. At most ng areas na passable ay sa Luzon! Malamang kasi Visayas naman kasi ang affected teh! Kalurkey!
true. memasabi at memaipagyabang lang. malamang, may budget for construction yang mga “passable” roads na yan. kakaloka at kakairita ang DPWH.