Dear Thor,
Hoy, pogi! Paki-explain ang absence mo in light of the recent calamity sa Pinas? PAKI-EXPLAIN! (Ay kiss muna pala, muwah!)
Kasi naman, umasa pa ako sayo. Akala ko sa gitna ng sakuna, darating ka na lang, my blondie hero from…san na yun… Aspen? And you’ll take me in your arms, and fla-fly away tayo sa Aslan… Asia… Asgard! (Sorry muna ha sa asawa ko!)
BUT NO. Di ka na si Thor, ikaw na si Injana Jones. INJANA JONES!
Anyare labs?! Nasalanta na kami ng Yolanda, san ka nagpunta?? Pina-dry clean mo pa ba kapa mo? Nagpa-relax ka na naman ng buhok? Nag-gym ka ulit? Nag-linis ng hammer mong malaki?! (Ay, hihi!)
Ang kampante ko pa naman na walang mangyayaring masama sa amin kasi andyan ka at madali ka lang makakapunta dito! Vaket vaket di ka nagpakita?!?!
Di ka man lang nagreply sa unang letter ko. Dahil ba Tagalog ang letter ko?! May point ka dun. Did you want me to English the letter? I will English, Thor, where did you come in the storm?!
Pero mas may point ako. Nawala ka!! Hindi mo na lang ba ako naisip?! I feel, like, I was so betrayed! Isa ka nang Trai-THOR! Huhu.
Sabi pa naman ng kanta ni Bonnie Tyler:
I need a hero, I’m holding out for a hero
‘Til the morning light!
He’s gotta be sure,
And it’s gotta be soon,
And he’s gotta be larger than life!
————
Hay Thor, kinda na-disappoint ako sa yo ha.
Pero to be fair, may mga heroes na kami dito! Di man sila naka-kapa like you or kasing kisig mo or kasing pogi mo or may biceps na kasing laki ng iyo (shyet na malagket ang ineeet!), hero sila dahil sa mga walang-kapagurang efforts nila! Salamat talaga sa kanila!!!!
Kaya Thor, muwahkthanxbye!
<3
D
P.S. Matuto ka gumamit ng google translate para maintindihan mo ko! Kase ngayon feeling ko yun na lang ang barrier between us. Language barrier. Mantakin mo, kahit yung mga bagahe humahadlang na sa pag-iibigan natin? Lech!
A little comic relief won’t hurt,
a little smile won’t make things worse. 🙂
————
Special thanks to Emil 🙂
Dear Thor
Leave a Reply