Excited na excited ka sa araw mo dahil magkikita kayo ng mga college friends mo. And of course, gandang-ganda ka sa sarili mo at fresh na fresh ka pa! Habang naglalakad ka papasok ng Bizu or Cyma or some other tambayan ng mga Sex and the City Makati edition ay super strut ka habang suot mo ang damit mong bago. Siyempre, kailangan pumorma at magmaganda! Sabay… Dinatnan ka ng period mo… at tinagusan ka!! (Oh my gosh, ano ka, high school?!)
Anyway, sa mga pagkakataong ito, anong gagawin mo?
1. Gawing bestfriends for the night ang mga pader at poste.
Oo friend, kausapin mo sila dahil madalas malungkot ang mga pader at poste. For variety, puwede ka rin magtago sa likod ng pader at poste at manggulat ng mga tao. Pag na-weirdohan na ang mga tao sa yo ay tuluyan mo nang kausapin ang mga pader at poste.
2. Maghanap ng ketsup, at gawan ng pattern ang damit.
Floral ba kamo? Aba red roses or gumamela, kering keri mo na yan! Madali lang, tumakas lang sa banyo with ketchup and fries (sabihin mo na lang na nakakagutom pag nagwiwi ka so may dala kang food), at dun ay make your plain dresses to powerful print canvasses, care of Del Monte ang regla mo teh! Dab dun, and dab there, and ayun, ang kadiri mo talaga.
Take note na dapat maayos ang execution, dahil kung hindi, baka mukha ka lang may tagos sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, kagaya nito…
3. Magpatweetums
Dapat matindi at panindigan kahit na may kausap ka sa celphone at umiinom!
“Kebs lang” attitude! Kung may pupuna sayo, sabihin mo…
“Eh sweet ako, bakit?”
4. Kung may scarf or panyo ka, gawin itong accessory.
Mukhang tanga pero atleast di kita ang tagos mo! Puwede din namang itakip ang scarf or panyo sa mukha mo. ;-P
5. Kausapin ang inglisera mong friend, at magpanggap na ninose bleed ka.
Unfortunately, jologs begets jologs, so baka mahirapan tayo makahanap ng ingliserang friend. Plan B ay magtawag ng waiter… pag-nag-English, masuwerte ka!!!
Baka bigla kong magamit to. Harujuskupo. Wag naman sana.
Soooo funny
sayang tips nyo menopos na ko day!
sayang menopos na ko not applicable your tips haha
ang galing talaga ng TSN..pattern,tweetums at kaibiganin ang pader at poste.. haveeeyyy ^_^
Bet na bet ang paggawa ng Pattern Ms. Provinciated…hehehehehe..