Naikuwento ko na sa inyo ang pagka-“over-the-top” ni Mother Earth pagdating sa pagkain at kasuotang pinipilit sa’kin. Para sa hindi pa nakakabasa, eto ang link…OVER THE TOP.
Well, well, well, hindi lang sa mga bagay na ‘yan may taglay na ka-O.A.-an ang nanay ko. Pati sa projects ko noon. Karir kung karir. Si mudra kasi, hindi pa-“intellectual” effect. Marahil kaya kami magkasundong-magkasundo. Kaya si Father Thunder ang assigned magturo sa’kin ng mga essay, Math at term papers. Pero pagdating sa project, ah nanay ko ang bida!!! Hindi dahil creative at artistic siya ha. Hindi rin dahil mabusisi at matiyaga siya. Sagot niya ang projects dahil MADAMI SIYANG KILALA!!!
Project sa art, may kilala yung pintor! Project sa Home Economics, may kilala yung mananahi. Props para sa play, may kilala yung karpintero, welder, pati truck driver na magdadala ng props sa school, may kilala siya! San ka pa?!
Noong Grade 7 ata kami, pinares-pares kaming magkakaklase. Kailangan daw gumawa ng parol gamit ang recycled materials. Kaya ang mga kaklase ko noon, kanya-kanyang diskarte sa pag-collect ng plastic cups, straws, dyaryo at kung anek anek pa. Kami ni Rose (alam mo ‘toh!), chill na chill lang.
Rose: P, ano’ng kailangan natin para sa project?
P: Ok na raw sabi ni mommy.
Rose: Huh? Ano’ng ok na?
P: Basta ok na raw. Matatapos daw by Monday.
Eto eto na ang Monday. Dumating sa bahay ang kinausap ni mommy na gagawa ng parol. Ganito lang naman itsura…
Actually hindi ganyan. Parang mas maarte at colorful pa dyan. Gumamit ng variety of seashells from the seashore. May halaang puti, halaang pula, tahong at kung ano ano pa!
P:
Hala, mommy!!!Sino naman maniniwalang kami ni Rose gumawa niyan???
————–
Mother Earth:
Bakit, maganda naman diba? Atsaka recycled yan!
—————-
P:
Recycled??? Ang alin??? E mukhang binili mo sa MalacanangPalace yan!
————
Mother Earth:
Pinatawag ko yung labandera natin. Gumagawa kasi ng parol ang asawa nun. Tapos binigyan ko ng pera para bumili ng tahong at halaan. Isang linggong yun ang ulam nila. Yung shells, yun ang ginamit sa parol. Edi recycled!!! Tapos!
Ahahahay! Pagdating ko sa eskwela, inaabangan na ‘ko ni Rose. At pagbaba ko sa service, bitbit ang parol, naghagalpakan kami sa tawa!!!
In fairness, perfect ang score namin. Best parol project ever! Ang masama, sa sobrang ganda, HININGI NG TITSER NAMIN AT INUWI!!! Kinwento ko kay Mother Earth na pinitik ni Mam ang parol. Tawang-tawa siya! At proud na proud!
AS IF!!!
Naku, madami pa akong kwentong ganito. Iisa-isahin ko sa series na itong pinamagatang “P-in-ROJECT ANG PROJECT” 🙂
Hahahaha! At hinanap ko talaga itong entry na ito Atty. P! 😀
Pati comments kasi binabasa ko po at nabasa ko yung isang comment sa entry ng Face to Face na may nakakatuwa nga daw na entry tungkol sa tahong. Haha
Katuwa ka po talaga!!
Thank you. Thank you sa katatawanan. Hehe
weew… dami kong tawa dito..
Yes naaalala ko ito!
Our teacher was Dr. DL. I remember the conversation pa when you presented it to him in class.
Dr. DL: Did you really make this? (Talking to P)
P: Oo naman Sir!
Dr. DL: Where did you get all the shells?
P: Sir, kinain po namin lahat yan!
Dr. DL: Ang dami naman! (Seriously P’s project was so beautiful! Pang Malacañang nga!)
L: Sir, madami sila sa pamilya ni P! Nakita mo na ba sila? Kayang-kayang ubusin lahat yan!
Dr. DL: (nods his head with a slight doubt of tone in his voice) Okay.
Kaya talong-talo kami lahat sa Christmas decoration-made-from-recycled-items project. Hahahahha!
Bwahahaha!!! Hindi ko na to naalala! Iba ka talaga, L. Tunay kang kaibigan kasi hindi mo ko nilaglag kahit obvious na nagbubulaan na ko! 🙂
Hahaha! OMG! This is sooo funny!