PROJECT
Lahat ng Sophomore sa paaralan namin, required dumanas ng kinatatakutan at kinadidiriang DISSECTION. Para sa hindi pamilyar, ito yung magdadala ka ng buhay na palaka sa Science class. Ipipin down niyo sa kutson na gawa sa wax ang apat na paa ng palaka gamit ang mga aspile. At kapag “crucified” na ang mga kawawang palaka, bibiyakin mo na sa gitna ang tiyan niya na parang daing nab angus upang pag-aralan ang iba’t-iba niyang internal organs. Harsh at morbid at kadiri at nakakasuka pero wala kaming choice.
Kanya-kanyang hanapan ng palaka. Sinabi ko kay Mother Earth ang aking suliranin. Sabi niya, “Ako’ng bahala.”
The night bago ang “Dissection Day”, dumating sa bahay si Mang Bert. Siya ang suking-suki naming mekaniko. (Sumalangit nawa) Bitbit niya ay isang shoe box.
Mother Earth: P, eto na ang palaka mo.
P: Asan mommy?
Mother Earth: Dyan sa kahon. Tignan mo kung ayos na ‘yan.
Binuksan ko ang kahon at bumungad sa akin ang PINAKAMALAKING PALAKA NA NAKITA KO TANAN NG BUHAY KO!!!
Kung ang average laki ng palaka ay sing-laki ng isang kamao, ang palaka ni Mang Bert, sing-laki ng tatlo!!! As in occupied niya, at medyo nasisikipan pa nga, sa shoe box. Kung may Kermit the Frog, yun si Kermit the Frog (Miss Piggy Edition!) Nakakatakot hawakan dahil parang kaya niyang lunukin nang buo yung kamay ko!
P: Inaaaay! Ano yan???
Bakit ganyan yan kalaki???
Mother Earth: Alaga kasi nina Mang Bert ‘yan.
Araw-araw napapadpad sa kanila.
Araw-araw pinapakain nila ng kanin.
P: Afraid!!!
E pet pala nina Mang Bert yan e.
Baka magalit sa’tin pamilya nila.
Mang Bert: Ok lang, P. Malakas din kasi kumain e.
Hehe.
P: Di naman po halata.
Pagdating ko sa Science lab at nilabas ko si Kermit the Pig, tawanan ang mga kaklase ko na may bahid ng pangamba. Sa loob-loob ko naman, mas ok na rin na The Hulk ang palaka ko. For sure, malalaki ang internal organs neto. Hindi ako makikirapan mag-identify. Yun ang akala ko!!!
Nahirapan akong i-pin down si Hulk. Mainly dahil sa sobrang bochok niya, hindi ko mai-flat sa wax ang apat na paa niya. Kinakapos! At nang finally ay biniyak ko na siya, YAAAAAAAAAKIDIDAKDAK!!!
Bumungad sa akin ang sandamakmak at nag-uumapaw na kulay itim na something something. Hindi ako sure kung ano yun pero judging sa laki ng palaka ko, malamang fats and lipids niya yun. Baket kasi ITIM???! Na-shock talaga ako.
Well, matapos ko maka-recover sa shock, wala nang makatitinag pa sa’kin. Kaya ako na ang bumiyak sa normal-sized frogs ng mga kaklase kong natakot. Panis na!
Moral of the story: Magpanggap na lang na may lagnat, trangkaso, bulutong, beke, o kahit anupamang sakit, maka-absent lang sa “Dissection Day”. Hehe 🙂
Hahaha. Atty. P., wala ka na bang ibang project kwento?? Haha
Bitin ang palaka at tahong eh! Haha
bwahahaaaaa!
naalala ko tuloy si froggy, linibing pa namin ng palihim sa may tennis court after katayin sa lab.
Diyos ko! Grabe! Naiyak ako sa katatawa dito! Lalo na sa: Binuksan ko ang kahon at bumungad sa akin ang PINAKAMALAKING PALAKA NA NAKITA KO TANAN NG BUHAY KO!!! Hahahaha
Hindi ako makatawa ng malakas dito sa office! Bwahaha.
OMG! Takot ako sa dugo kaya “may LBM” ako nung dissection day namin!!! Nyahahahahaha!!! At nung inulit the next year, “may LBM” ako ulit. hahahaha! Tawang tawa naman ako sa itim na something something…
http://celerhinaaubrey.com
buti na lang absent nga ako nung time na yun..lol