• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar

The Soshal Network

  • Home
  • Meet the TSN Girls
  • Recent Posts
  • Show Search
Hide Search

Banda Rito Banda Roon

Provinciated · Dec 24, 2013 · Leave a Comment

Minsan ko nang nabanggit na malaking bahagi ng buhay namin dito sa BaCav ang mga BANDA NG MUSIKO. Para sa hindi pamilyar, eto yung mga brass bands na may malalaking tambol at giant trumpets na kasya ang maliit na bata sa loob ng bunganga (Di ko alam eksakto tawag dun. Best effort na sa pag-describe yan.)

 

Kasi dito sa amin, kapag bininyagan, pwede ka magpatawag ng banda. Kung may kinasal, pwede ka magpatawag ng banda. Sa annual fiesta, automatic madaming banda yan. Pag Semana Santa, araw-araw tumutugtog yan sa prusisyon. Todos los Santos, present ang banda sa semeteryo. In fact, kapag may ililibing, kasama ang banda na maghahatid sa huling hantungan.

 

Pag Pasko, isa lang ang alam kong participation ng banda ng musiko — ang manggising para sa misa de gallo tuwing madaling  araw.

 

Kaya naman nang bandang alas-8 ng gabi, may narinig akong malakas ng tugtog ng banda ng musiko, medyo nagtaka ako. Sinilip ko ang labas ng gate mula sa bintana…at HALA! may isang buong banda ng musiko na tumutugtog sa tapat mismo ng gate namin!!! First time!!! Ang saya lang!

 

banda

Ang tugtog — “We Wish You a Merry Christmas”

 

Pero bago namin i-abot ang aguinaldo, at siyempre nakakahiya magbigay ng maliit considering na andami nila, aba sinulit ko muna. Nag-request ako ng “GOT TO BELIEVE”. Pa-joke lang sana. Pero wag ka, alam nila! Award!

 

#GanyanKamisaBaCav

 

Maligayang Pasko sa inyong lahat!!!  🙂

banda ng musiko

Related Posts

  • Buenas na 2014Buenas na 2014
  • Provinciated’s ChristmasProvinciated’s Christmas
  • D’s Christmas Eve D’s Christmas Eve
  • Paano Angry?Paano Angry?
  • ALL RICE!ALL RICE!
  • Bacoor Marching Band Festival: Musiko 2013Bacoor Marching Band Festival: Musiko 2013

Provinciated Cavite, Christmas, community, kuwento, music, neighborhood

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published.

’Di bale nang mahina ang network connection, basta strong ang soshal network mo. Climb pa more! Isipin mo na lang na ang soshal na may tiyaga, may nilaga for lunch sa bahay ng mga friendship niyang soshal.

We are lawyers, Titas and your favorite soshaleras!

LET’S GET SOSHAL

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Categories

Subscribe to our YouTube Channel!

Notice

ALL RIGHTS RESERVED.
Unless otherwise stated, all pictures and texts used in this site are the property of The Soshal Network.
 
For features and events, please email [email protected] For other concerns, please email [email protected]

TSN on Facebook

How to Make Your Photos More Soshal

TOP 5 TIPS

NEXT 5 TIPS

PAA EDITION

TALIKOD TECHNIQUE

FOLLOW ALONG @THESOSHALNETRWORK

Explain lang namin ang photo na ‘to 😂 #GGSS Explain lang namin ang photo na ‘to 😂 #GGSS
Eto na nga ang THE NEW NORMAL -- 1. Dati, todo hab Eto na nga ang THE NEW NORMAL -- 1. Dati, todo hablot ka lang ng items, ngayon, iisipin mo muna kung bibilhin mo o hindi bago mo hawakan.
2. Dati, pwede ka abutin ng 3 oras sa pag-iikot, ngayon nag-aapura ka makalabas ng grocery! 
3. Dati, pwede pa gumala after shopping, ngayon, uwi, ligo, disinfect! 
Got THE NEW NORMAL errand tote bag and wallet from @bes_ph (Basic Essential Supplies). Dahil kung dati, pwede pa mag-ulit ng bag, ngayon, dapat direcho laba na! 😉
How to stay fit while doing household chores. #squ How to stay fit while doing household chores. #squatspamore 😂
Kusina workout 😂 full video sa aming YT channel Kusina workout 😂 full video sa aming YT channel!!
Gandang ganda at payat na payat kami sa itsura nam Gandang ganda at payat na payat kami sa itsura namin 10 years ago. Hindi kasi kami kumakain ng cake noon...tinatapal lang namin sa mukha. Foundation pa more!!! 😂😂😂
Yung Nanay mong mahilig umeksena sa online meeting Yung Nanay mong mahilig umeksena sa online meeting 😂
  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Copyright © 2021 · SITE DESIGN BY FANCY GIRL DESIGN STUDIO

Copyright © 2021 · Soshal Network 3.0 on Genesis Framework · WordPress · Log in