Last na ‘to tungkol sa Miri. Pasensya na kayo at mga excited kami bumiyahe kaya andaming kwento. Hehe.
Nachika na namin sa inyo ang aming CLUB CELEBRITIES experience. Masaya dun! Enjoy na enjoy sina S at ang mga nuffies na sina AJ, Marianne at Rhendi sa pag-indayog sa mga napapanahong tugtugin, a.k.a. Pop/House Music. Habang kami ni D, bilang mga lola, ay pumirme na lamang sa booth at nagbantay ng bags ng mga bagets, S included. But do not think for a second na na-bore kami. KAMI PAH??!
Lahat dun napansin namin. In short, jinudge namin sila. Hobby mo rin yan, aminin mo! Simula sa kasuotan nila, sa katayuan nila sa buhay hanggang sa over-all pagkatao nila. Pero sa dami at siksikan ng mga tao sa club, may isang lalaking umagaw sa aking atensyon. Hindi dahil guwapo siya. Hindi rin dahil may dating siya. In fact, hindi ko kita ang mukha niya kasi nakatalikod siya sa’kin.
Pero habang lumalalim ang gabi, lumalalim din ang interes ko sa naturang lalaki. Magdamag ko siyang minatyagan…bawat kilos binantayan. Tila may misteryong bumabalot sa kanya. Isang misteryong dulot ng isang bagay — ANG HAWAK NIYANG BEER.
—–
Paano ba namang hindi, e pagpasok pa lang namin bandang alas-9 ng gabi, hawak na niya ang boteng yun habang nakatambay sa bar. Dumaan ang alas-10…
Alas-11…
—-
Alas-12…
—-
—
Yun pa rin ang nakatapat sa kanya!!! Kung may natira mang 6 na patak sa boteng yun, na sa isip ng lalaki ay enough para hindi siya paalisin sa bar (dahil may “drink” pa siyang hawak) ,aba, pagpatak ng ala-1 ng umaga, nag-evaporate na completely ang 6 na patak na yun!!!
Tinignan ko ang menu. Hindi naman kamahalan ang beer. Pumapatak na mga 200 pesos ang isa. Kating-kati na akong gawin ang isang bagay na never ko pa nagawa sa tanan ng buhay ko — ang magpadala ng drink sa lalaki sa bar. Hindi dahil kursunada ko siya, kundi dahil naaawa na ‘ko sa kanya.
Well, malay naman natin kung siya yung tipong “social drinker” na gusto lang mag-feeling that he belongs sa alta sociedad ng Miri. Ano nga ba tawag dun? “Social climber.” Social drinker na, social climber pa! Tapos, na-feature pa siya sa The Soshal Network! Ikaw na koya!
Grabe, nahusgahan na agad natin ang pagkatao ni Koya. Actually, isa lang naman talaga ang naging kasalanan niya…yung napatapat siya sa amin ni D. 🙂
one beer
Leave a Reply