Dear Father Thunder,
Noong bata ako, diba daddy’s girl ako? Isa sa mga earliest memories ko yung pinapaliguan ako ni Father Thunder sa bath tub nila. Kapag gabi naman at nakahiga na si daddy, babalikwas siya at dadapa. Tapos palalakarin niya ko sa likod niya mula pwet hanggang batok, habang hawak ni Mother Earth ang kamay ko. ‘Yun ang “massage” ko sa kanya. Either yun or ang uutusan niya kong bunutin ang stubbles ng balbas niya. Isa-isa kong tsa-tsaniin tapos ididikit ko sa lampshade naming gawa sa tela. After ng session, bibilangin ko ang nabunot ko. Piso-isa ang katumbas.
Ngayong malaki na ako, daddy, di na kita pwede apakan sa likod. Mas lalo namang di mo na ko pwede paliguan. Haha! Pero kung gusto mong bunutan ulit kita ng stubbles, game ako. Pero P1.50/piece na ang rate.
You were a great husband to mommy.
Pasensyoso, understanding, generous and a good provider. Pati sa amin nina Kuyakoy at Atekupungsingsing. You tried to push us to our limits, hindi dahil gusto mo lang kami ma-pressure, kundi dahil gusto mong maabot namin ang potensyal namin. Maraming maraming salamat.
Nagpapasalamat din kami sa katatagan mo. Alam kong gumuho ang mundo nating lahat nang mawala ang mommy. Walang hindi matitinag matapos ang ganung kawalan. Pero agad kang nakabangon at agad mo kaming hinila paangat. Naging matatag ka kaya nagiging matatag din kami.
Personal din akong nagpapasalamat dahil matiyaga kang nakikinig sa mga kwento kong puro kababawan. It was always Mother Earth’s job to listen to my ranting and to laugh at my jokes. Pareho kasi kami ng sense of humor. Pero dahil ikaw na ngayon ang nandyan, at hindi ko naman mapipigilan ang sarili ko dumaldal, nagpapasalamat ako na pinipilit mong makinig at maka-relate…kahit minsan alam kong plastik na lang ang tawa mo. Hehe. 🙂
Kaya naman on your 70th BIRTHDAY, sasabihin ko ang bagay na hindi man natin araw-araw sinasabi, araw-araw naman nating pinadadama sa isa’t-isa…WE LOVE YOU, FATHER THUNDER!!! Happy Birthday!!!
Love,
Familia Provinciated
—-
Nakaka-puwing naman message mo saka nakaka-bara ng lalamunan. Happy Birthday po Father Thunder!
Naku, ayaw ko nga sana mag-drama kaso pag mga ganitong okasyon, ang hirap pigilan e. Thank you sa greeting! 🙂
Happy Birthday Kuya Bien!
Salamat daw po! 🙂
Happy birthday po!
Thank you thank you Johann! 🙂
Naiyak ako, promise! =)
Happy Birthday Father Thunder!
Salamat daw, Abi! 🙂
Happy Birthday Father Thunder! I love this entry. 🙂 Pwede ko din ba sya kwentuhan ng corny jokes? Hehe.
Pwedeng pwede. Pero wag ka mag-expect ng magandang reaksyon. Masyadong transparent ang mukha ng tatay ko e! Haha!
waah..nakakaiyak naman….
Happy birthday Father Thunder!
and Happy New Year to you and your family Ms. P ;-D
Naku, thank you lally! 🙂 Happy New Year din sa inyo ng family mo.
aaaw. Such a heartwarming post, P.
Happy birthday to Father Thunder! 🙂
Enjoy the rest of the Holidays:) Merry Christmas to you and your family 😉
Kayo rin enjoy, Em!!! Sana magkita-kits soon. 🙂