Taon-taon, may theme ang Christmas party ng side ni Mother Earth. Buti na lang at game na game ang lahat ng kamag-anak ko. At this year, KIDDIE / BONDYING ang tema namin. Kaya eto mga itsura namin…
==
Syempre ang decors, pambagets din.
=
==
–
Ang cute ni Atekupungsingsing!
–
–
Naaalala niyo ba si Gagay? O sige, wag na si Gagay, si Bebang na lang. 🙂
==
Games Galore din kami! Karamihan, traditional children’s party games din na nilagyan lang namin ng twist.
==
Game 1: HOTDOG-EATING CONTEST
=
Bawat contestant, binigyan ng tig-5 inihaw na hotdog. Ang unang makaubos, winner!
=
=
Pero, bibig lang ang gagamitin.
=
=
At kapag dalawang hotdog na lang ang natira, kung kailan kailangang-kailangan mo na, bawal na uminom ng tubig!!! Bahala ka na mahirinan…hehe 😛
=
=
==
Ang napanalunan, cash prize courtesy of our sponsors (titos, titas and cousins).
Game 2: TRIP TO JERUSALEM
Para sa mga bata, yung normal style lang ang ginawa namin. Except na stools ang mga upuan pero mas challenging umakyat para makaupo.
=
=
Pero sa mga matatanda, naka-blindfold. Pasasayawin sila. At habang sumasayaw, nililipat ng game master kung saan-saan ang upuan. Pagtigil ng music, kanya-kanyang hanapan ng upuan!!!
=
Sorry, wala akong pic. Kasali kasi ako e. 🙂
=
Game 3: PASAHAN LUSUTAN
=
3 teams of 5. Lahat may tig-iisang stick na nakaipit sa bibig. Ipapasok sa butas ng cd at pipiliting ipasa sa susunod na tao. Unang makatapos ng relay wins!
=
=
=
Laki ng pamilya namin noh?
–
Game 4: PABITIN
=
Wala nabg twist ‘toh. Rambol na lang. Si ate tuwang tuwa sa paghila ng tali.
=
=
=
Lahat kami nagkagulo. Pagkatapos mag-agawan, may napigtas ang bracelet, may nahulugan ng kwintas….Si E3, nawalan ng sapatos!!!
=
=
Award!
May iba pa kaming games pero wala na kong pics kasi sinalihan ko na lahat. Hehe 🙂
=
Anyway, after ng laro, EXCHANGE GIFT TIME NA!!! White elephant gifts ang bitbit namin. Ang tema- SOMETHING BIG! Kaya eto, napuno ang sala ng bahay namin ng regalo.
=
=
Ang nakuha ni Father Thunder, malaking lata ng Pink Lemonade.
=
Si Atekupungsingsing, 48 rolls ng toilet paper. At ako, nag-steal…ng giant pack ng detergent at Downy! Maka-menos man lang sa groceries. 🙂
=
P’s Christmas
Ang saya ng Christmas Party kahit may isa kaming na-miss na “life of the party”. Ok lang, alam kong kasama namin si Mother Earth dun, at nagsabi yun sakin ng “Very good. Gusto ko rin yang detergent at Downy.” 😉
=
P’s Christmas
i bet, riot ang party nyo! anyway, tayo daw in charge mag-organize ng senior-c xmas party next year. sabi ko game para tayo naman ang kumita sa 2014 bwahaha! 😀