• Skip to primary navigation
  • Skip to main content
  • Skip to primary sidebar

The Soshal Network

  • Home
  • Meet the TSN Girls
  • Recent Posts
  • Show Search
Hide Search

Mayaman Ako Part 2

Provinciated · Dec 29, 2013 · 5 Comments

Sa entry na “Mayaman Ako!” na-kwento ko sa inyo kung paano ako husgahan ng mga salespeople sa mga mamahaling tindahan at groceries tulad ng S&R, Marionnaud at Hermes. Sige, fine, tanggap ko yun. Maaaring hindi kasi ako naka-postura nang mga panahong yun or nagkataong di ako nakapag-make up o suklay. Ok lang na jinudge nila ang aking purchasing power based sa itsura o kasuotan ko. Gawain ko rin naman yun e. Ganyan na talaga ang karma, digital. 

Pero noong Dec. 23, pumunta akong DIVISORIA para mamili. Take note, DIVISORIA ha. So ano suot ko? Maayos naman kasi didiretso pa kong opisina e. 

Naghanap ako ng hardware dahil bibili ako ng spray paint para sa kinakarir kong giftwrappers. Nakakita naman ako. Sumalubong sa akin ang isang lalaking sing-laki ni Ike Lozada pero sing-kinis ni Jose Manalo. In short, makinis pa ang EDSA. Naka-sandong nanggigitata at pawisan. Pero di ko siya jinudge. Ano nga naman ieexpect ko? Model ng Bench ang magbebenta sa Divi? Siyempre hindi diba? Pero siya, jinudge niya ko.

 

Mayaman-ako

 

P:

May spray paint po kayo?–

Jose:

Meron. Ano kulay?–

P:

Gold, silver at parang copper.–

Jose:

(Di niya ata alam ang copper kaya kumunot ang noo niya.)–

P:

Yung parang brown po na metallic. Brown na lang po. Meron kayo?–

Jose: 

(Nakakunot pa rin ang mukha niya… pero inabot niya sa’kin ang mga lata ng pinta)–

P:

E blue po, meron din kayo?

–Jose:

(Nagtataka siguro siya bakit ako nagpapanic-buying ng spraypaint. At dito na siya humirit…)

P198 ang isang lata niyang gold at silver ha! 

Tumagos hanggang buto ko ang judgment. P198 lang?! Mukha ba kong walang pambayad ng halagang dalawang daang piso?! [email protected]@[email protected] ‘to ah!!! 

P: 

Bigyan mo ko ng tig-dadalawa niyan!

Yung gold, dalawa! Yung copper, dalawa!!! Yung silver, dalawa!!! Pati yang blue! Ano pa ba kulay mo dyan??! 

Mokong na ‘to! Di mo ba alam na I CAN BUY YOU, YOUR FRIENDS AND THIS HARDWARE?! Pero idodonate ko sa’yo ang semento para mapalitada na yang mukha mo! Imbey! 

Ok lang husgahan ng saleslady sa Hermes na nakapang-executive pa ang suot. Pero itsura nitong si Jose, utang na loob!!! Haaaay, pag-uwi ko tuloy, pinagtawanan ako ni Father Thunder. Bakit daw andami kong spray paint. Aanhin ko ba raw yun. Sabi ko, hinamon ako e. Di bale kako, di naman nag-eexpire yan. Bwiset talaga, libo rin nagastos ko dun sa hardware na yun ha. Sa halip na nai-shopping ko na lang sarili ko, kumita pa tuloy si buwitre. Hmph! 

‘Yun lang, just wanted to share…hehe 🙂

mayaman ako

Related Posts

  • #YeyeySerye#YeyeySerye
  • Home AloneHome Alone
  • Mark Anthony Fernandez!!!Mark Anthony Fernandez!!!
  • DIY Wine Bottle Chandelier FailDIY Wine Bottle Chandelier Fail
  • Nastress sa DistressedNastress sa Distressed
  • Mommy-talesMommy-tales

Provinciated comment, Divisoria, judgment, kuwento

Comments

  1. Rowie says

    August 7, 2015 at 9:48 am

    Ako everytime bumili sa department store and I ask for a different size or color, ung price sinasabi sa akin. Nagiinit ulo ko kaya sumasagot ako in English. Minsan sa sobrang kaartehan napa British accent pa ko. ‘La lang.

    Reply
  2. maria agnes says

    August 6, 2015 at 11:27 pm

    Habang red light, may pulubi na namamalimos, kumakatok sa bintana ng mga kotse pero ni isa sa mga kotse walang nagbigay sa kanya. Nag prepare ako ng coins para sa kanya… kaso nilagpasan lang kami palibhasa naka motor lang kami. Naisip siguro nya na yung mga naka kotse nga hindi nagbigay yung naka motor pa kaya?! Judgmental din kahit pulubi, hahaha, kaloka.

    Reply
  3. Apple says

    August 6, 2015 at 11:21 am

    Awww sa resto nga that im working,yung guest nagcomplain siya na di siya makaconnect sa wifi namin,sabi nung workmate ko okay naman daw biglang banat bakit iphone ba telepono nyo kung ako nakausap nun,sasabihin ko talaga connected naman iphone. At ipad ko!haha kabadtrip e daming judgmental na tao,porket ba sa mall nagwowork di na makakaaford bumili ng ganun!tsak tsk

    Reply
  4. Jackie Canuto says

    December 29, 2013 at 2:59 pm

    haha parang yung nangyari sa nanay ko noon sa mercury drug. pagdating sa cashier inilapag nya yung 4 na chupa chups (tama ba spelling?) na bibilhin nya ang sabi ng cashier “6 pesos po ang isa nyan”. binili pa din nya favorite nya un eh un lang akala yata nung cashier yung tig pipisong lollipop lang kaya bilhin ng nanay ko nakapambahay kasi sya at stressed dahil may isa samin mga anak nya may sakit.

    Reply
  5. Jocris says

    December 29, 2013 at 1:00 pm

    hahahahah.. #mapanghusgang nilalang weew

    Reply

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published.

’Di bale nang mahina ang network connection, basta strong ang soshal network mo. Climb pa more! Isipin mo na lang na ang soshal na may tiyaga, may nilaga for lunch sa bahay ng mga friendship niyang soshal.

We are lawyers, Titas and your favorite soshaleras!

LET’S GET SOSHAL

  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Categories

Subscribe to our YouTube Channel!

Notice

ALL RIGHTS RESERVED.
Unless otherwise stated, all pictures and texts used in this site are the property of The Soshal Network.
 
For features and events, please email [email protected] For other concerns, please email [email protected]

TSN on Facebook

How to Make Your Photos More Soshal

TOP 5 TIPS

NEXT 5 TIPS

PAA EDITION

TALIKOD TECHNIQUE

FOLLOW ALONG @THESOSHALNETRWORK

This error message is only visible to WordPress admins
Error: No users set.
  • Facebook
  • Instagram
  • RSS
  • Twitter

Copyright © 2021 · SITE DESIGN BY FANCY GIRL DESIGN STUDIO

Copyright © 2021 · Soshal Network 3.0 on Genesis Framework · WordPress · Log in